“Ana…” Tumayo mula sa hospital bed si Agusto at agad niyakap ang anak-anakan. Nanatili lang si Ana sa wheelchair habang pinupunasan ang mga luha. Lumapit siya kaagad at ipinaalala ang sinabi ng doktor.
“Baka makakasama sa’yo ang labis na pag-iyak. Don’t forget what the doctor told you.”
“Anong nangyari sa’yo?” nagtatakang wika naman ni Agusto nang humiwalay sa pagkakayakap kay Ana.
“I’m pregnant, Pa,” mahina nitong sagot.
“Sino ang ama?”
Hindi na sumagot si Ana sa tanong na iyon. “Kumusta kayo?
Alas nueve na ay hindi pa rin umuuwi si Jayzee. Binuksan niya an dating teleponong gamit at tinawagan ito. Sumagot naman ito pero narinig niya ang ingay sa background at may babae itong kausap. Nasa Zenclub ang asawa. Kung sino ang kasama nito doon ay wala siyang ideya. Must be Cindy, or Lolly o kung sino pa man. At nagsabi itong hindi uuwi dahil pinapatulog nito si Ana sa tabi niya.She was lost for a moment. Ipinikit niya ang mata para pigilan ang paglandas ng mga luha. Lumabas si Ana mula sa silid at inabutan siya sa ganoong ayos.“Diyan na lang ako matutulog sa sofa, komportable din naman d
Nakatitig pa siya sa kawalan nang biglang pumasok si Ethan at Marga sa opisina niya. Hindi pa niya gustong harapin ang dalawa pero wala ng panahon para umiwas. “Birthday bukas ni Elize at gaganapin ang salo-salo bukas ng gabi. Bring your wife and her sister dahil nasa poder mo daw siya sabi ni Dad,” wika ng kapatid. Napamura naman siya ng lihim dahil kapag mga ganoong okasyon ay hindi siya puwedeng gumawa ng dahilan para hindi pumunta. Sabado rin bukas kaya wala siyang maidadahilan. Hindi rin niya gustong malaman ng ama na hindi pa sila nagkakaayos ni Anikka dahil alam niyang makikialam ito.
Nagising si Anikka na madilim ang buong paligid. Kahit paano’y gumaan ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng silid pero wala doon si Ana. Naisip niyang baka nag-grocery ito tulad ng suhestiyon nito kaninang umaga pero dahil gusto niyang matulog ay uminom siya ng sleeping pill na binili niya kanina sa botika.Hindi sana niya iinumin ang tabletang iyon. Sa katunayan ay tinapon niya ang una niyang binuksan. Pinagbawalan na siya ng Nanay Lucila niya dati ang ganoong tableta dahil may side effects daw. Noong high school siya kung kailan madalas siyang hindi makatulog ay palihim siyang umiinom niyon, pero nalaman din kalaunan
Hindi pa sila nakakalabas ng silid nang muling may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila ni Marga na parehong walang ediya kung sino ang nasa labas. Ikinagulat niya ng pagbukas ay mabungaran ang naroon na si Benedict kasama ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya.“Papa!” Mabilis siyang yumakap sa ama at hindi napigilan ang muling pag-iyak, gayundin sa Nanay Lucila niya. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya habang papasok sila ng sala. “Ipinaalam ni Benedict sa amin na buntis daw si Ana at gusto niyang makausap. Gusto ka rin naming madalaw kaya sumama na rin kami. Kahapon naman ay naaayos na ang pakikipag-usap namin
Sa halip na umuwi ay sa isang five-star hotel nagtungo sina Anikka at Papa’t Nanay Lucila niya. Nahahati ang puso niya sa kagustuhang makasama ang ama at makausap si Jayzee, pero sa huli ay inisip na mas tama ang sumama siya sa mga magulang. She needed time to think and to rest. Pagod na siya kaiisip kung paano sila maaayos ni Jayzee – o kung may maaayos pa ba. Wala silang naging pag-uusap kung hindi ang isang beses na pagpunta niya sa opisina ng asawa na hindi rin naman naging maayos.Lumapit ang ama sa kanya habang nakatanaw siya sa bintana ng suite ng hotel. Ang Nanay Lucila niya ay nasa likod lang din ng ama at ang mga mata’y puno ng pag-aalala.
Hindi mapakali si Jayzee sa opisina kaya nagtungo siya sa silid ng ama na kasalukuyang nasa meeting kasama ang isang kasosyo sa negosyo. Naghintay pa siya ng sampung minuto bago umalis ang bisita. “Anong kailangan mo?” seryosong tanong ng ama nang makita siyang hindi mapakali sa kinauupuang sofa sa silid ng ama. “Uncle Agusto took her daughter away from me last night. Ang sabi ni Ana ay wala pa sila Anikka sa bahay nila sa Camarines.”“Why did he?” tanong nitong muli. Nakakadagdag sa inis niya ang pagiging kalmado ng ama samantalang siya’y nagpupuyos ang kalooban.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.