Share

Chapter Five

It's been two months since the last time I saw Klein, nasa magkaibang department kasi kami kaya hindi kami nagpapang abot. He is taking his masterals degree here.

After niya ako ihatid noon, ni anino niya hindi ko na nakita. And about Trinity, I always saw her here in our school but I am just ignoring her. She always have that warm smile whenever our gaze met but I will just rolled my eyes in return.

"Excuse me Miss Domingcil but why do we need to give meanings every poems that Robert Frost write? Do we need that when we apply in a bank?"

I gaze at Trexie Santos,  my gay friend when I heard what he said to our English Professor. Napatawa nalang ako ng mahina, like why the hell would he ask that?  May pagka terror pa naman ang matandang prof. namin. But on the other side, may tama naman siya. Our course is Bachelor of Science in Accountancy so I don't get it why we need to study that thing.

Napasulyap ang mga classmate namin sa gawi ni Trexie. Magkatabi kami sa upuan kaya palihim ko siyang kinurot pero inirapan lang ako. Papansin din 'tong baklang ito.

"And who the hell you are to question me? This is an English subject and what I just told you to do is a part of it. This is not needed when you apply in a bank,  but this is needed in my subject." her nose flared and he shoot Trexie a dagger look.

"You don't need to shout Maam, I am just asking. But because like what you said, this is needed in our English subject, I don't see any reason why I shouldn't do it." Trexie answered back with a little hint of sarcasm.

"Are you being sarcastic on me young man?"

"Ofcourse not Ma'am, and by the way just call me Trixie, I am a girl trapped in a man's body. It is just so improper to call me young man where in fact I am a girl." he explained.

Tss. Palihim akong napatawa. Iginala ko ang paningin ko at pinipigilan din pala ng mga classmate namin ang tawa nila.

"Don't give me that look Mr. Santos, everyone here knows who really are you. You still have that one thing that everyman have,  so" don't me" young man!" Maam Domingcil mocked at Trexie.

Nakita kong nangigigil na ang bakla, konting konti nalang at sasabog na ito.  

"I knew it already Ma'am, you don't need to shove it in my face. And why are we even talking about that thing? This is not even a biology subject."

"You are talking too much Mister Santos, you are free to go out if you are not interested in my class." Maam said with a little bit of irritation already.

*****

"Nakaka bwisit talaga 'yong si Miss Domingcil, napapansin kong palagi niya akong pinag iinitan simula noon pang first day of school natin. May galit ba siya sa mga diyosang katulad ko?" bwisit na tanong ni Trexie saakin.

Papunta kaming canteen kasi magla lunch na, kanina pa siya talak ng talak, hindi talaga siya maka move on sa sinabi ni Ma'am Domingcil.

"Totoo naman 'yong sinabi niyang "you still have that one thing that every man have," natatawang buska ko sa kaniya.

"Isa ka pa, gusto mo bang sabunutan kita diyan?" nandidilat matang sabi niya saakin.

"Joke lang naman kasi eh" paglalambing ko sa kanya.

Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa beywang niya habang naglalakad kami. Ganito na kami ka close kahit two months palang kaming magkakilala. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya, siguro dahil sa ugali niyang masiyahin tsaka gustong gusto ko 'yong pagiging kalog niya. Masaya siyang kasama tapos mabait pa kahit palagi niyang ginagalit mga professor namin.

"Huwag mo nga akong yakapin bruha ka, ang iww ha! Baka makita tayo ng mga prospect papa diyan mandiri sila saakin" nakangiwing sabi niya.

Mabilis niyang inalis ang pagkakapulupot ng kamay ko sa bewang niya at medyo lumayo ng kaunti saakin, tinignan pa niya ako nang nandidiring tingin. Ang O. A lang ha? Sabunutan ko ito e.

"Over reacting ka bakla, bilisan mo na nga."

Nasa bukana na kami ng canteen, ginala ko ang paningin ko para maghanap sana ng mauupuan namin. Ang dami nang estudyanteng kumakain at 'yong iba naman pumipila pa. Ilang beses na kaming kumain dito pero ngayon ko lang nabigyang pansin ang kabuuan nito. The design is very beautifully creative and very calming from the eyes. Matatanggal talaga ang pagod mo lalo na sa mga stress na estudyante. The wall is made of glass, aakalain mo talagang nasa pang elite na eskwelahan ka.

Last week ko lang nalaman na isang pampublikong paaralan pala itong pinapasukan ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ito ang napili ni Dad na pag aaralan ko, akala ko talaga sa isang pribadong eskwelahan ako mag aaral.

Napatulala ako ng may mahagip ang mga mata ko, nakita ko si Klein kasama si Trinity na masayang kumakain, parang may sarili silang mundo kong mag usap. Hindi nila alintana ang mga estudyante na kanina pa panay ang tingin sa kanila. Sino nga ba naman ang hindi mapapalingon sa kanila kong kasama mo lang naman ang pinaka gwapo at pinaka hot na lalaki sa paaralan na 'to.

Nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto, why is he wearing the same uniform of our school? Don't tell he is studying here?

"OH! Natulala kana diyan te? Tara na, may nakita na akong uupuan natin, bilisan mo at baka maunahan tayo," Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Trexie, diko namalayang matagal na pala akong napatitig kay Klein.

Mabilis niya akong hinila sa sinasabi niyang uupuan namin,medyo malayo kami kina Klein pero nakikita ko parin 'yong sideview nila.

Umupo na ako't hinayaan ko nalang siyang bumili ng pagkain namin. Hindi ko na muling tinignan ang kinauupuan nina Klein, sa sakit lang mata ko sa tanawing makikita ko.

Napatingin ako Kay Trexie na nasa pilahan, panay harot sa mga lalakeng nasa tabi niya. May pahampas hampas pa ang bruha sa mga braso ng lalake, if I know tsuma tsansing lang 'yan.

Ipinagpatuloy ko nalang 'yong worm zone na isang buwan ko na atang nilalaro pero hindi ko mapa taba taba, naiinis na talaga ako!hmpp..

"OH! Eto na 'yong spaghetti with fried chicken mo, bale ginawa ko nang dalawang order kasi nga diba ililibre mo ako? Isang coke in can sa akin at tubig lang ang binili ko sayo kasi bawal sayo ang softdrinks."

Napatingin ako sa mga inilapag niya sa lamesa ng marinig ko ang sinabi niya.

"Hoi bakla ka, hindi ka ba binibigyan ng nanay mo ng baon mo at palagi ka nalang nagpapalibre saakin?"nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Hoy ka rin babae! Ako ang halos gumagawa ng mga assignments mo baka nakakalimutan mo kaya dapat lang na ilibre mo ako." nakataas kilay na sumbat niya.

Parehong nakataas ang kilay namin habang nagkakatitigan kami pero ako rin ang unang bumawi. Nginitian ko siya ng matamis pero umirap lang ang bruha kaya ginamit ko na ang estrahetiya na alam kong tatalab sa kanya.

" Oo na, sige na baka may gusto ka pang kainin ako nang bahala, sagot ko lahat walang problema." naglalambing kong saad.

Doon pa lamang siya ngumiti ng marinig ang sinabi ko. Alam ko na ang kahinaan ng bruhang ito kaya ito palagi ang pinang ka counter attack ko sa kanya kapag ganyang nagmamaldita na, akala niya ha! Simpleng buraot 'tong bruha na 'to e!

"Wala na. 'Diba pupunta tayo sa mall? Ilibre mo ako mamaya." ang lawak ng ngiti niya na aabot na yata sa tainga niya.

Napa "Tsss" nalang ako sa sagot niya. Napag usapan nga namin kanina na maglalakwatsa kami, hindi ko pa alam kong paano ko malulusutan ang mga bodyguards ko. Mabuti nalang at napapayag ko silang sa harap ng gate nalang nila ako hintayin, baka mainis lang ako kapag nakikita kong parang aso silang sunod nang sunod saakin.

"Chan, subuan mo ako," napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang sinabi niya. Nakatutok ang mga mata niya sa laptop niya habang abala ang mga kamay niya sa pagtipa.

"Ano ka sinuswerte? Subuan mo ang sarili mo." maangas na sagot ko.

"Susubuan mo ako o hindi kita gagawan ng assignment sa Accounting 101 natin?" nandidilat matang sabi niya sa akin.

Napatigil ako saglit sa pagnguya ng mag sink in saakin 'yong sinabi niya. Wala na akong nagawa kong hindi sundin ang sinabi niya dahil baka hindi nga niya ako gawan ng assignment namin, hindi ko pa naman masiyadong naintindihan kanina iyong pinag sasasabi ng prof. namin.

"Siguraduhin mo lang na walang mali sa mga sagot mo kun'di sasabunutan kita hanggang malagas lahat ang buhok mo!" pagbabanta ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot ng bruha kasi busy na siyang gumawa ng assignment namin. Nakaka inis, siya palang ang kauna unahang lalaki este binabae na susubuan ko, kung wala lang akong kailangan sa kanya nunca na subuan ko siya. Napairap nalang ako sa isipan ko.

"Lakihan mo kasi 'yang pag nga nga mo, hindi maipasok itong kutsara!" Pagrereklamo ko.

"Ang sakit sakit  na nga itong bunga nga ko sa laki ng pagkaka nga nga ko tapos uutusan mo pa akong lakihan pa? Eh kung 'yang laman ng isusubo mo kaya ang bawasan mo?" paglilitanya ng bruha.

"Para maubos agad." Pangangatwiran ko. "Ang hirap kaya nitong ginagawa ko, nakaka ngalay ng kamay." Totoo namang nangangalay na ang kamay ko dahil kanina ko pa siya sinusubuan.

Lintik na spaghetti kasi 'to bakit hindi maubos ubos? Ni hindi na nga ako nakakain dahil panay subo nalang kay Trexie ang ginagawa ko.  Akmang susubuan ko ulit siya ng may tumabig sa kamay ko, napatingin ako sa tinidor na nalaglag sa sahig bago ko tinignan kong sino ang may gawa nito. Napalunok ako ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Klein, bakit siya galit? Ano naman ba ang nagawa ko?

"What the hell do you think you are doing Chanel?" Muntik na akong mabingi sa lakas ng pagkaka sigaw niya, magkasalubong ang kaniyang kilay at nakatiim ang pangang nakatingin saakin.

"W-what?" mautal utal na tanong ko sa kanya.

"Bakit mo siya sinusubuan?" Itinuro niya si Trexie at binigyan ito ng masamang tingin.

Tumingin ako kay Trexie na hindi na maipinta ang mukha dahil sa nerbiyos, gusto ko sanang tumawa pero baka mas lalong magalit itong nasa harapan ko. Tumayo ako at huminga ng malalim bago ako sumagot.

"Sinusubuan ko siya dahil busy siyang gumawa ng assignment namin. I can't see anything wrong in that." Pinaikot ko ang mga mata ko at  tinignan siya ng mariin. Naramdaman kong kinurot ako ni Trexie kaya naman napangiwi ako. Lintik na baklang 'to, ano bang problema niya?

Mariin din akong tinitigan ni Klein, walang gustong magpatalo sa amin pero siya rin ang unang bumawi at saka niya ibinaling ang tingin kay Trexie na namumutla na ata.

"Why would he do your assignments? Can't you do it yourself?"

"Tinatamad ako. At ano bamg problema mo kong siya ang gagawa? Pwede ba? Wag mo akong paki alaman. Doon ka na kay Trinity, siya ang paki alaman mo." Masungit kong saad. Ano bang trip ng lalaking 'to at bigla nalang tinubuan ng paki alam saakin? Hindi naman niya ako pinapakialaman dati.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, tinignan niya ng masama si Trexie bago niya ulit ako tinignan.

"Where is your assignment?"

"Why?"

"Don't ask me! Give me your assignment, now!"

"Bakit nga?"

" I will do it. NOW, GiVE ME YOUR FUCKING ASSIGNMENT!" He shouted while his eyebrows tangled.

Sa sobrang asar ko sa pagsigaw niya, kinuha ko ang notebook  ko sa lamesa at inihagis sa dibdib niya na mabilis naman niyang sinalo.

"Oh, ayan! Siguraduhin mo lang na tama lahat ang sagot mo kung hindi malilintikan ka saakin." Kinuha ko ang bag ko at naglakad papa alis. Inis na inis ako sa kanya. How dare he to shout at me infront of our schoolmates? Lintik na lalaki 'yan, makikita niya ang hinahanap niya.

"Chanel, wait!" Tinignan ko si Trexie na humahangos papunta saakin. Binagalan ko ang paglalakad ko para maabutan niya ako.

"What the hell just happened? Who is he?" Hinihingal na tanong niya.

"He's Klein, don't mind him," balewalang sagot ko.

"Klein who? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito? Dito ba siya nag aaral?"

"Ano ba? Ang dami mong tanong, malamang ngayon mo lang siya makikita dahil sa lawak ng eskwelahan natin talagang hindi kayo magpapang abot dahil doon pa siya sa kadulu duluhang departamento. At ilan ba ang canteen dito? Diba,  mahigit lima? So talagang ngayon mo lang siya makikita. At ano bang katangahan at tinatanong mo pa saakin kong dito siya nag aaral? Nakikita mo naman siguro 'yong uniform niya diba?" Inis na inis kong sabi. Nagtatanong pa e sobrang obvious na nga 'yong sagot.

"Gaga ka, bakit ba ang sungit sungit mo? Parang nagtatanong lang, ang dami mo ng sinabi."

"Nagtatanong ka pa kasi e sobrang obvious na nga 'yong sagot," naka irap na sabi ko.

Sa kaka ngawa naming dalawa, hindi ko namalayang 'andito  na pala kami sa tapat ng classroom namin. Nandoon narin pala si Mr. Baradi, isang matandang hukluban na prof. namin sa Math 101. Dali dali kaming pumasok ng humarap siya sa blackboard, doon kami sa may pinaka likod umupo dahil doon nalang iyong may bakanteng magkatabing upuan.

Kinalabit ako ni Trexie pero inirapan ko lang, at ang bruha inirapan din ako? Bahala siya sa buhay niya, kung badtrip siya, mas nababadtrip ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko nalang siya pinansin at itinutok ko nalang ang paningin ko sa harap.

Nagsimula nanaman ang isang oras na paglelecture na wala akong naintindihan. Hays! Sobrang bagal ng oras talaga kapag  Math at 'yong major namin ang  klase namin. Kung pwede na nga lang ay matulog nalang ako sa klase kung hindi ko lang inaalala na baka mapagalitan ako. May natitira pa naman akong hiya sa sarili ko. Nagbilang nalang ako ng mga butiki sa kisame kaysa makinig ako sa pinagdadada ng teacher namin, wala naman pumapasok sa isip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status