KINAUMAGAHAN. Hindi alintana ni Alyana na may mga kalalakihan na kanina pang nakamasid sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ang mga ito ay nakaupo sa mahabang sofa at titig na titig sa babaeng nakahiga ngayon sa kamang pagmamay-ari isa sa kanila. Nakahiga siya sa isang malaki at maluwag na queen size bed na kulay maroon, may desenyo pang polkadots na iba't-ibang kulay. Sobrang himbing nang pagkakatulog niya sa kamang 'yon dahil sa lambot na bumabalot sa buong katawan niya. Feeling niya na nasa gitna siya ng kaulapan na bumabalot sa buong paligid.
Hinihintay nila ang paggising ng babaeng estranghero sa kanilang sariling pamamahay. Sobrang maaliwalas nito matulog na akala mo ay talagang welcome na welcome ito sa bahay nila.
Makalipas ang ilang oras...
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Alyana kasabay ng litanya niya tuwing umaga. At with matching kampay pa ng kamay at paa habang nakahiga.
"Good Morning world~ Hello, Barbie! Hello, Gala— waaah! Na saan ang galaxy ko?!" napabangon na siya ng tuluyan at halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat nang may makita siyang limang kalalakihan na nasa kuwarto raw niya. " Si-sino Kayo?! Saka A-ano ginawa niyo sa kuwarto ko?! Na saan sila Barbie at galaxy ko? Waaaaaaaah!" sabi pa nito at tumayo sa kama at nagtatalon-talon. Bigla namang tumayo ang tatlong lalaki at inaawat ang babaeng parang bata na walang sawang tumatalon-talon. Nasisiyahan kasi ang dalaga dahil parang lumambot ang kama niya ngayon kaysa dati.
Siguro binago 'to ni daddy, isip niya at patuloy sa pagtalon pabilis nang pabilis.
Sa sobrang kaba ng tatlo na baka masira ng tuluyan ang kama na 'yon dahil ang nag-mamay-ari lang naman ay ang kanilang pinuno, na matalim kung tumingin kay Alyana at prenteng nakaupo sa sofa.
Maya-maya...
"He-hey! S-stop, crazy lady!"
"Uy, Langya! Tigil na sa kakatalon!"
"Witwew ang kinis ng legs!"
Nabatukan naman ang lalaki sa komento nito sa dalaga.
"P*ta!'Wag na mambatok!— oy! Ikaw! TIGIL!"
" Waaah! A-ano ginagawa niyo?"
Napahinto si Alyana sa kakatalon dahil bigla siya hinawakan sa kamay ng dalawang lalaki na magkabilaan sa gilid niya. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya kaya may konting kirot siyang nararamdaman. Pero dahil may pagka isip bata nga ang dalaga at lahat sa kaniya ay parang laro, tumalon na naman siya nang buong puwersa at ngayon ang dalawang lalaki ay walang nagawa kundi sumabay sa kakatalon ng dalaga. Bakit? Dahil mas masasaktan ang babaeng hawak nila kapag hindi sila sumabay sa galaw nito. Ang isa naman ay hinatak ang isang paa ni Alyana, kaya ang resulta, bumagsak siya sa kama kasama ang dalawang lalaki na nakahawak sa dalaga. Mabuti na lang at malambot ang pinagbagsakan nila.
Ang dalawa ay nauntog sa headboard ng kama kaya napadaing sila sa sakit. Sinisisi ang kanilang kaibigan na may gawa sa kanilang pagbagsak. Hindi kasi sila bumagsak sa malambot, dahil din sa tangkad nila.
Ang isa naman na humila sa isang paa ni Alyana ay kumuha ng tali. Tinalian niya ang pares na paa ni Alyana at ang kamay nito na hawak ng dalawa. Ngayon naman ang dalaga ay wala ng palag dahil sa tali na nakapulupot sa kamay at paa niya.
"Hooh! Nagawa din"
"Langya! Ang kulit!"
" Petengene! Nagkabukol ako!"
"Ba-bakit niyo ako tinali?" aniya ng dalaga at napapanguso pa. Napasinghap naman ang mga lalaki at ang isa pa’y napahilamos sa mukha dahil sa pamumula sa inis.
"Kasi ang kulit mo! At para sabihin ko sa'yo, hindi ito kuwarto mo!" aniya ng lalaking humila kanina ng paa ni Alyana. Napatingin naman ulit si Alyana sa buong silid at muling napangiti.
"Pe-pero— Waaah! Hala ! O'nga no? Hihihi sorry! Akala ko ka—”
"Tsk, kalagan niyo na 'yan. Kumain muna tayo bago mag-usap— at ikaw, sumunod ka sa baba nang makapag-breakfast but clean yourself first," tumayo naman ang kaninang nakaupong lalaki na nagmamasid lamang sa mga nangyayari. Natawa naman ang katabi nito kanina na nagbabasa lamang ng libro saka sumunod sa sinasabing pinuno ng grupo. Oo, siya ang pinuno ng mga 'to, at siya rin ang may-ari ng hinihigaan ni Alyana.
Naiwan naman ang tatlong lalaki na nag-aalinlangan pang kalagan si Alyana. Paano ba naman, mukhang may balak pa itong tumalon dahil inuumpog ang ulo nito sa malambot na kama. Nagkatinginan na lamang ang tatlo at alinlangang tinatanggal sa pagkakatali ang dalaga. Ayaw naman nila mapagalitan ng nakakataas sa kanila, hirap kaya maparusahan.
Tila parang wala sa katinuan ang dalagang si Alyana sa itsura niya ngayon. Talagang bagong laya sa kulungan ang reaksyon ng kanyang katauhan.
Ngingiti-ngiti habang inuumpog ang ulo nito, hindi yata 'to galing sa bahay nila, kundi sa mental hospital.
Napalabi ang tatlo at nagpipigil sa paghagalpak ng tawa sa kanilang nasasaksihan. Hindi nila mawari na sa ganoong kagandang dalaga na nasa harapan nila ay may ganoong ipinapakita. Oo, maganda si Alyana. Natalo niya pa ang isang model, celebrity, Beauty queen at iba pang naiisip niyong magagandang babae sa telebisyon. Dahil simple lamang si Alyana ngunit nagpapakita ng angking ganda. May makinis na maputing balat at mapula-pula ang mga ito, mahabang hita, balingkinitang katawan, mauumbok na dibdib, may mapupungay na mata na animo'y nang-aakit, may mahahabang pilik-mata, katamtamang kapal ng kilay na bagay sa kanyang malalim at brownish na mata, matangos na ilong, mapula-pulang labi tila malambot na parang sa marshmallows, hugis pusong mukha na may matambok na pisngi. Kulang sa depinisyon ang salitang ganda sa katauhan ni Alyana, masasabi mong dyosa siya ng kagandahan... pero sa utak, talo siya d'yan.
Sa huli ay kinalagan nila ang dalaga. Napahinga naman nang matiwasay ang tatlong lalaki na mabuti na lang dahil hindi na nagtalon pa ang dalaga. Ngumiti lamang ito sa kanila. At ang tatlo? Parang nakakita ng multo sa panlalaki ng mata nila. Paano ba naman ang ganda ng ngiti ng dalaga, sobrang tamis, at bagay na bagay sa kanya dahil may tinatago pa pala ito na malalim na biloy sa kaliwang pisngi. Ang dalaga ay kahit pinagkaitan ng matinong pag-iisip bilang normal na dalaga ay bumawi naman ito sa itsura na parang anghel na nakatapak sa lupa at ngayon ay nasa harapan nila.
Tumayo naman si Alyana mula sa pagkakahiga sa kama. Nagtungo rin ito agad sa walk in closet ng nagmamay-ari ng kanyang pinagtulugan. Kumuha siya ng overshirt, hanggang tuhod nga niya 'yon dahil sa matangkad din ang nagmamay-ari ng naisuot na damit. Kumuha din siya ng boxer kulay itim at brief din. Hindi na alintana ni Alyana ang mga damit na kinuha niya, bakit pa? Hindi naman niya alam mga 'yon basta, kuha lang siya ng kuha, damit din naman 'yon. Ang tatlo naman hindi napansin ang ginagawa ng dalaga. Nakatitig lamang ang mga ito sa mukha ng dalaga na ngayon ay patungo sa banyo. Tila natauhan naman sila nang nagsara ang banyo at dali-daling lumabas ng kuwarto. *** "Na saan na ang babae?"
"Hayup! Nauna pa siyang magpakilala!" sambit ng isang lalaking brown ang buhok, napahagalpak naman ng tawa ang kambal. "Hello milady! I'm Sean Schawzrr and you can call me... Babe," kasabay nito ang pagkindat. Ginagaya naman siya ng dalaga sa pagkindat ngunit hindi niya magawa kaya natawa sa kaniya si Sean. " I'm Red Gaizer Collins ... your future husband," sambit ng may kulay pulang buhok sabay kindat din kay Alyana. Napapalakpak naman ang dalaga nang nakakaya na niyang kumindat. "Ehem. I'm Grey Daizer Collins at your bed— este at your service pala" sambit naman ng binatan
"Hindi naman kami si Yaya mo, Manong guard, Hardinero pa, at ang Mommy mo, Yana.'Di ka na nila masasaktan diba guys?" pagpapanatag na loob ni Sean sa dalaga na sinabayan ng apat. "Oo nga!" "Panigurado!" "Of course!" "Exactly..." "Oh, diba? Kaya, 'wag ka na umiyak, sayang luha mo, sige ka! Baka 'di na tubig lumabas d'yan sa mata mo! Baka... dugo na! Hala 'wag na iiyak!" pananakot ni Sean kay Alyana na ito namang mabilis na pagpunas ng dalaga sa kanyang mata at ngumiti nan
KASALUKUYANG NAGLALAKAD sina Alyana at Dominic sa isang park. Hawak-hawak ng binata ang kamay ni Alyana dahil baka biglang mawala sa paningin niya ang dalaga. Natatawa na lamang siya sa inaakto ng dalaga dahil panay turo nito sa lahat nang makikita nilang bagay-bagay sa paligid. Inaakalang taga-bundok ang dalaga ng mga taong nakakapansin sa kaniya. Tinuturo niya 'yong mga estilo ng buhok ng tao, tapos titingin siya sa sarili niyang buhok, bakit daw magkaiba? Pati na kay Dominic, bakit daw kulay brown. Mga lumilipad na balloons, saranggola, at mga kalapati, napapabilib naman ang dalaga sa mga nakikita na unang beses niya pa lang nasilayan. Pati na ang mga sasakyang jeep, taxi, at tricycle, hindi nagpatinag si Alyana na kamanghaan ang mga ito at ipagkumpara sa mga hayop.na napapanuod
Kahit kakakilala lang ni Dominic kay Alyana, feeling nito ay matagal na silang magkakilala. Sobrang gaan ng pakiramdam niya kay Alyana. Ito ang kauna-unahang babae na tiningnan niya sa buong buhay niya. Mailap kasi siya sa babae. Parehas sila ni Zylan na suplado sa mga babae. Para sa kanila, hindi importante ang mga babae dahil nakakasira lamang ito ng kanilang buhay lalo pa sa kanilang organisasyonorganisasyon. Baby, you're all that I want ♪ When you're lyin' here in my arms ♪ I'm findin' it hard to believe ♪ We're in heaven ♪
"Who are you?" Napaturo naman si Alyana sa kanyang sarili nang tanungin siya ng lalaking katapat niya ngayon. May mga matatalim itong tingin at malalamig na mata na nanlilisik na parang apoy. Nakakatakot. "Yes, you..." "He-he-he HELLO! I'm Alyana Dem— "She's none of your business... Boss" Biglang sabat ni Zylan na ikinagulat ng lahat. Hinawakan pa nito ang kamay ni Alyana na nagpapahiwatig na wala kayong pakialam sa kanya. Alam kasi nila na hindi nakikisingit si Zylan sa usapan at hindi nagsasalita kahit pa na kinakausap. Kilala kasi it
After two weeks.. "Yiee... Talaga? Aalis na tayo? " "Oo naman Yana! Basta 'wag ka makulit do'n ah? Para 'di magalit si Damon" "Opo! Hihihi" "Ayos! Tara na!" Napagdesisyunan na ng lima na ituloy ang naudlot na lakad sana nila noong nakaraan. Medyo magaling naman na ang dalaga at kaya na nito maglakad nang maayos. Papunta sila ngayon sa Mall na pagmamay-ari ng lima. Oo, sa kanilang lima, isa ito sa kanilang mga business na ipinag-isa. Ibibili na nila si Alyana ng mga
KINABUKASAN. Ala singko y media ng umaga ay nagising ang limang kalalakihan para sa paghahanda sa araw na iyon. Dapat maayos ang dapat ayusin sa gawaing bahay bago makapag-umpisa ng aral-aralan nila kay Alyana habang tulog pa ang dalaga. Sina Grey at Red ay magkatulong sa paglilinis sa mga sahig ng kanilang bahay. Si Sean at Dominic naman ang nakatoka sa kusina, si Sean ang nagluluto samantalang si Dominic naman ang nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Si Damon naman ang nag-aayos ng mga materylas na gagamitin sa pag-aaral ni Alyana. Halos isang oras din sila naghahanda bago nagising ang dalaga. Kahit na papunas punas pa ang dalaga sa kaniyang mata ay iginaya na siya ni Red papunta sa kinauupuan nito lagi sa lamesa na katabi nila ni Grey at katapat naman nila sina DOminic at Sean, nasa ulunan naman ng lamesa si Zylan. “G