Share

Chapter 234

Sean’s POV

NAKAHANAY kami ng isang linya ngayon dito sa Bloody South. Nakapalibot sa amin ang sampung blood armies. Dapat ay natutulog na kami sa mga oras na ito pero dahil nga sa ginawa ng cyborg na ‘yon, heto kami’t mapaparusahan o kung ano pa man ni Prince Ken. Katabi ko si Dominic at si Damon este si Mr. Villareal sa katauhan ni Damon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na alam ko na ang totoo nilang katauhan ni Aldrin na ito namang totoong si Damon.

Alam kong nasa peligro silang mag-ama. At ang nakabantay sa kanila ay si Alyana o mas kilalang si Agatha na dati nitong pangalan. Hindi ko lang maunawaan kung bakit ginagaya nito ang kilos ni Arthyrn sa dati nitong pagkatao at mas lalong ginaya rin ang pangalan niya. Para saan? Para ba mamanipula niya ang mga taong nasa paligid noon ni Arthyrn? Kaming Ice Breakers?

Aminado ako noong una ay nahiwagahan ako sa pagkatao niya. Nainis lang ako sa parteng nagiging papansin na siya. Tapos kapag hindi pinansin ay magpapakita ng emosyon na ka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status