After 3 days…
-Sembrano’s Palace-
Timothy’s POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Parang may hindi magandang nanagyayari ngayon. Parang may mali. Ako lang ba ang nakakahalata nito? O pati mga kapwa ko Royalties? Pero parang ang kalmado lang nila, parang hindi sila namomoblema katulad ko or talagang hinahayaan lang nila ang mga padating na problema? Pero may punto rin na huwag magsabi ng mga napapansin... dahil hindi din namin alam kung sino ang nagtatraydor sa grupo. Baka kapag may sinabihan ako, baka bigla akong patayin na hindi ko nalalaman.
Katabi ko ngayon si Ken. Kanina pa ako nandito sa Human Access Robot niya na kung saan ito na ang naging bahay niya. Ito kasi ang pinakamalaking asset ng Sembrano's Palace. Lahat ng armas na nakapalibot sa buong palasyo ay konektado rito. At kapag nagkadehado
-Sembrano’s Palace-Someone’s POVTok! Tok! Tok!Napabangon ako sa kama ko nang may marinig akong kumakatok. Nag-aalangan pa akong rumespondeng pagbuksan ang pinto dahil baka ‘siya’ na naman ang bumungad sa’kin at mag-utos ng kung ano-ano. Hindi ko gusto ang mga gusto niyang mangyari sa Mafia at hindi ko akalain na ang katulad niya ang magtatraydor sa Blood Organization. Siya ang pinaka pinagkaaktiwalaan ng King pero heto siya't sinisira niya ang tiwala na binibigay sa kanya ng nakatataas.Parang hindi na siya ‘yong dating nakilala ko. Marami na ang nagbago sa kanya pero hindi ko siya masisisi. Maraming buhay na rin ang nawala sa kanya at ginagawa lamang
-Hacienda Villareal-Third Person’s POV“Zyra, watch your footsteps,” paalala ni Zylan sa nagmamadaling si Alyana na pababa ng eroplano. Kakababa lang kasi ng eroplanong sinasakyan nila na ang nagmamaneho ay si Prince Ken at King Arthur—dalawang Royalties—ni hindi nila alam na ang mga ‘to ang piloto ng naturang sasakyan.Pinagplanuhan kasi ito ni King Arthur. Pinatulog lang naman niya ang totoong piloto ng sasakyan at sila ang pumalit sa puwesto ng mga ito. At ang sinama niya sa planong niyang ‘to ay si Ken dahil ito lamang ang marunong sa pagpapatakbo ng eroplano. Gusto kasi niyang masubaybayan ang mga galaw ni Alyana kahit pa na pinagbawalan na siya ni Zylan na makita pa ito. Pero sino nga ba ang pipigil sa mga desisyon niya? Wala. At, kailanman ay wala p
-Hacienda Villareal-Grey’s POV“Kambal, nahigitan ni Damon ang yaman natin. Paksyet!” mahinang bulong sa’kin ni Red habang manghang nakatingin sa buong Hacienda nila Damon. Kanina pa kami nag-iikot ditong apat nila Sean at Dominic dahil mag-uusap daw muna ang magkakapamilya para kay Yana.Ang ganda talaga parang paraiso ang lugar. Ang lawak ng buong Hacienda at malinis ang buong paligid. Kalahati lamang ito ng Sembrano’s Palace pero ang ikinaganda nito ay ang sariwang hangin na babalot sa’yo. Parang ito ang tinatawag na 'Home' talaga. Naghihintay sa'yo ang mga magaganda at simpleng kabuhayan na narito.Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang tapikin ako ni Sean at akbayan. “P
-Hacienda Villareal- Ken's POV Napaunat ako ng kamay ko nang makaramdam ng ngawit sa balikat. Magdamag kasi akong nakadisguise na nakapang security guard. At katulad ng nasa plano namin ni King, maglalagay ako ng mga tiny vider sa ilalim ng lamesa at iba pang parte ng bahay ng Villareal. Namataan ko naman si King na hindi kalayuan sa puwesto ko na nakapang disguise na magsasaka. Napansin kong tumango ito sa akin marahil ay pupunta sa aming van na naging hideout namin pansamantala sa pagmamanman dito sa lugar. Pasimple naman akong tumango sa kanya saka sumenyas ng code namin sa Blood Organization na tanging mga Royalties lamang ang nakakaintindi sa aming hand gestures. Mayamaya'y sumunod na ako sa van na sinakyan ni King. Bumungad sa akin ang sampung klase ng monitor na kung saan ay mga ipinapakita ay ang mga pinaglagyan ko ng tiny vider. Nakita ko naman sa kabilang monitor si Red na mag-isang
Third Person's POVHalos lumipad na sa takbo ng bilis ang sasakyan na chevy van na high tech ni Ken na nagngangalang Access x01. Hindi naman malaman ni Floyd kung saan siya hahawak dahil sa bilis ng takbo na tila one way to heaven na. Napasimangot naman si Arthur nang wala na siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga Villareal dahil sa nag-aalert ang sasakyan."Intruder. Three meters. Woman in a black coat. Identification... can't identify. No Access. An intruder has a gun."Napatingin naman si Ken sa side mirror ng sasakyan at nakita ang sinasabi ng Access x01. Naglabas naman ng Barrett 50 Cal si Ken saka pinasok ito sa isang maliit na tunnel sa likudan."Access x01 connect the Barrett 50 Cal to your weapon. Aim the bullet at the motor of the woman chasing us. Don't stop until you distract her vehicle," ani Ken kasabay ng pagpindot nito sa mga button na nasa dash
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POV“Kung gano’n… sinadyang ipaiwan ako rito ni King? The one and only me? At ang tanging gagawin ko lang daw ay magmanman sa palasyo? Parang… sasagap ng tsismis? Aba matinde!” inihulog ko ang buong katawan ko sa kama. Sobrang dali naman ng pinapagawa sa akin. Basta raw ay umaktong normal lang ako, natural lang na emosyon ang ipapakita ko sa bawat nandito sa palasyo.Pabor naman sa akin 'yon dahil kahit papaano eh malakas ako makasagap ng balita rito. Yun nga lang, siguradong may nagmamanman din sa akin kaya need ko ng matinding pag-iingat.Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ibinalita sa akin ni Ken kanina. Sobrang nakakabigla ang mga rebelasyong nangyayari sa buhay ng King. Parang pang telenobela lang!(Flashback)
-Hacienda Villareal-Ken’s POV“King, anong plano mo at gusto mong isama pa si Alyana?” Sabi ko at patuloy na ine-encode ang mga passcode ng mga device na nakadikit sa bawat dingding ng Hacienda. Nandito pa rin kami kay Access x01 na medyo malayo sa Hacienda para hindi kami mahalata na nag-eespiya kami sa mga Villareal.Bawat nilagay naming Tiny Vider ay may mini round camera. At ngayon ay nakikita namin ang bawat nangyayari doon dahil sa mga screen monitors na naka-organize sa Van na ito na ginawa ko. “May ipapagawa ako sa kanya para mas mapadali ang pagmamanman,” ani ni King saka nag-aasemble ng baril sa tabi ko.Wala na nga pala rito sina Judy Lyn at Floyd. May pinagawa si King kay Judy, iyon ay ang makipagsanib puwersa ang da
Felicity’s POVAgad akong tumungo papalabas ng library at pumunta sa tahimik at walang katao-taong lugar dito sa isang silid. Doon malaya kong kinontak ang isang taong nakakaalam ng lihim ko. Si Dr. Ethan Alonzo—ang taong nagpaanak sa’kin, seventeen years ago. Tumingin muna ako sa buong paligid para masiguro kong walang makakarinig sa’kin bago ko siya kontakin.Kanina pa ako kinakabahan sa mga sinasabi ni Agustin at ni Zylan. Maling-mali na bumalik ang babaeng iyon sa aming pamilya dahil mayroon kaming kasunduan. Kasunduan na kung saan ay three years lang sa amin ang babaeng bata na pinangalanan kong Zyra. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang kasunduang binigay sa akin ng Doctor. Pero noong mawala si Zyra sa puder namin, nabunutan ako ng tinik sa aking konsensya. Alam kong maling-mali ang naidulot kong kasaki