Share

KABANATA IV

Third Person POV

“Please welcome, Miss Sanchez!”

Isang babae ang lumabas sa entablado na naka-bodycon dress na talaga namang bumagay sa kaniyang balingkinitang katawan. May suot pa itong killer heels, ang kaniyang make-up ay tama lamang sa kaniyang mala-anghel na mukha. Ngunit, sa loob nito ay wala lamang. Hindi nababakasan ng kaba at nakangiti itong humarap sa entablado.

Maraming ilaw na galing sa camera ng mga media at photographer. Iba’t-ibang klaseng media personality ang dumalo sa kaniyang press conference sa gabing ito.

Ang press conference na ito ay napapanuod hindi lamang sa bansa nila, kundi pati na rin sa ibang bansa. Inaabangan ng karamihan dahil hindi lamang sa impluwensya ng Sanchez Family, kundi sa babaeng nakatayo ngayon sa entablado at nakangiting nakaharap sa kanila ngayon.

“Okay, we can start now,” Pag-uumpisa ng kaniyang manager para simulan na ang mga katanungan sa kaniya.

Nagsimula na silang mag angatan ng kamay para makapag-tanong na sa kaniya. Napiling magtanong ang babaeng nasa harap lamang niya.

“What is your real name, Miss Sanchez?”

“I’m sorry but I can’t answer that,” sagot nito sa kaniya na hindi man lang nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

“Why? It’s that too precious to know your name?” tila ba nang-iinsultong tanong nito sa babae na binigyan lamang siya ng maiksing tawa. Maiksing tawa na bibigyan ka ng kilabot sa iyong katawan.

“No, Dear. I have a personal reason why I don’t want to expose my name,” malambing man ang boses nito ay mararamdaman pa rin ang lamig sa bawat salita niya.

“Can I have a last question?”

“Yes. What is it?”

“All of a sudden, why you introduce yourself with us? This is your first exposure in media,”

“Ow, regarding on that. Maybe, this is the time to introduce myself. And besides, my mother is busy right now. As the only daughter of the successful businesswoman, she wants to protect me,”

Hindi na muli pang nagtanong ang babaeng reporter sa kaniya. Kaya naman sumunod naman na nagtanong ang lalaking nakaupo sa pangatlong hilera.

“Miss Sanchez, what school are you attending now?”

“Uhm…Sorry, but I can’t answer that too. Hope you guys don’t mind, please ask me a relevant topics, not my personal information.”

“I’m sorry,” Ngumit lamang ang babae sa kaniya.

“So, who’s next?” her manager ask them.

“Me,” sagot ng babaeng nakaupo sa hulihan.

“Yes, go ahead.”

“Thank you, Sir,” usal nito,

“Well…Miss Sanchez, I wanted to ask if you have any business that you want to introduce with us,” malumanay na sunod na tanong nito.

"Yes, I have. That's why I did this press conference, and I have some important announcement,"

“Ow, that’s great. Can you share us some information about that?”

“Yes, of course. I want to introduce our Orphanage for the abandoned child, a child that there is no house to call home. For the parent that can't raise a child, instead of aborting, please let them live and let us take care of them," marahan at malumanay nitong pagkakasabi.

“Wow, just wow. That’s really great. But, Miss Sanchez that’s not a business, right?” nagtataka nitong tanong sa kaniya.

“Yes. I know, but I can say this is my free business – a project to be exact,”

Ang lahat ay namangha maging ang mga nanunuod sa kaniya, sa isip ng mga ito ay hindi biro ang kaniyang gustong gawin. Ang gumastos sa mga batang hindi naman siya ang nag-ere. Ngunit, ang tanging nasa isip lang ng babaeng ito ay tumulong at mabigyan ng bahay na uuwian ang mga batang pinagkaitan ng tirahan.

“That’s an awesome project, Miss Sanchez. I think Mrs. Sanchez is proud of you,”

“Of course, she is. She’s always proud of me,” taas-noo niyang usal na may ngiti sa kaniyang labi.

"You're absolutely the perfect daughter that probably every mother's want; you’re a kind-hearted and a drop dead gorgeous woman,"

“I think, no. We have a different perspective, and strategy to be a good daughter. Also, we are all beautiful in our own way,”

“I think, this is the end of our press conference for now,”

Yumuko ang babae sa kanila bilang pamamaalam. Inalalayan siya ng kaniyang manager pababa ng entablado. Marami pa rin ang ilaw na tumatama sa kaniyang mukha. Naiirita na siya rito, ngunit wala siyang magawa kundi tiisin. Nasa isip nito ay saglit na lang naman at siya’y makakabalik ulit sa kaniyang komportableng suot.

Sumakay na ito ng kaniyang limousine na nanghihintay sa kaniya, sakay nito ang kaniyang kaibigan at ang kaniyang ina.

“Sa wakas naman, baby. Pumayag ka na humarap sa media,” bungad na sabi ng kaniyang ina.

“Ma, I’m not a baby anymore,” walang emosyon nitong sinabi.

“Ito talaga, proud lang saiyo si tita, sis!”

“Tigilan mo ako, Venuz,” at saka ito sumandal at pumikit. Gusto niyang magpahinga muna dahil parang pakiramdam niya ay mas nakakaubos ng enerhiya ang kaniyang ginawa kani-kanina lamang kesa sa kaniyang self-exercise.

**

Kinabukasan…

“Sis, ano hanggang ngayon pagod ka pa rin?” tanong ni Venuz kay Angelica na wala sa wisyo, kanina pa kasi niya ito dinadaldal pero tila wala itong naririnig.

“Yes,” maikling sagot lang nito sa kaniya.

“Haynako. Hindi ka naman nakipagbugbugan pero ‘yong pagod mo, grabe. Nag-introduce ka lang naman sa – asdfghjk,” hind na nito natuloy ang sasabihin niya nang salpakan siya sa bunganga ng panyo sa bibig.

“Alam mo ikaw, ang ingay mo talaga,” walang gana nitong sabi.

Tumayo si Angelica para pumunta sa kaniyang mini-pantry, kumuha siya nang inumin at makakain. Nakatambay ngayon sa kwarto niya si Venuz dahil linggo ngayon at wala silang klase.

Bumalik ito na may dalang softdrinks at burger na siya mismo ang gumawa, nagdala na rin siya ng mga chips.

“O, pagkain mo,” walang emosyon niyang sabi rito.

“Thank you, sis. Oo nga pala, tignan mo itong nasa website ng school natin.”

“Bakit anong meron?” nakakunot-noo siyang nagbabasa sa cellhpone ni Venuz, “Ang corny kamo nila,” dugtong na usal nito pagkabasa sa ibang mga komento tungkol sa press conference na naganap kahapon.

“Yieee, sis! Dalaga ka na,” panunukso ni Venuz sa kaniya kaya’t nahampas siya nito ng unan sa mukha.

“Aray ko naman, sis! Sakit kaya,” nakanguso pa ito na tila batang inagawan ng lollipop.

“Nako, Venuz. Tigilan mo ako.”

“Hala, ano ka diyan? Sexy mo nga kagabi, sis! Grabe. Sana ganoon ka rin araw-araw,” tumawa ito at nawala rin agad nang tingnan siya nito ng matalim.

“Ito naman, pero seryoso nga. Hindi lang sa website natin pati na rin sa ibang site, halos ganoon ang statement nila, sis. Nakakaloka ‘yang ganda mo,” naiirita man sa kaniya si Angelica ay kinuha nito ang kaniyang cellphone at muling nagbasa.

“Ano ba mapapala nila pag nakita ako? Manahimik nga sila,” usal ni Angelica sa kaniyang mga nababasa.

Naiinis siya sa mga komento ng mga ito na tila obsess na obsess ito sa kaniya, at gusto pa siya makita ulit.

“Diba…Sabi sa ‘yo, e. Grabe kahit naman siguro ako mahuhumaling ako sa ganda mo ng gabing iyon, sis!” umiiling pa ito habang kinukuha ang kaniyang cellphone, “Sana all, maganda!” sabay sigaw nito na nang-aasar.

Masaya siya para sa kaniyang kaibigan, dahil kahit hindi niya lubos na pinakilala ang sarili ay napakita niya ang kaniyang tunay na gandang mukha. At nasa isip niya, ‘yon nga lang ay talagang nakakatakot, lalo na pag-bwisit ito. Kahit pa natatakpan ng malaking salamin ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin nababawasan ang mga nakakakilabot na tingin nito.

"Isa pa talaga, Venuz," 

Nanahimik na si Venuz at nag-sign pa na isini-zipper ang kaniyang bibig at saka nag-thumbs up pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status