Share

KABANATA V

Angelica’s POV

“Sis, hintayin mo naman ako,” habol hininga na sabi ni Venuz sa 'kin habang nagmamadali maglakad.

“Ang bagal kasi,” naiirita kong sabi sa kaniya. Paano naman kasi, alam naman niyang nagmamadali ako dahil may kutob ako na hindi magiging maganda ang araw ko ngayon.

“Ito na.”

Sumakay na siya sa sasakyan. Papasok kasi kami ngayon, sa amin na siya natulog dahil lunes ngayon at tinatamad daw siya umuwi sa kanila kahapon.

Pinaandar ko na ang sasakyan pagkaupo na pagkaupo niya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko, pero wala na akong oras para intindihin pa iyon. Ayaw ko sana pumasok pero hindi pwede dahil may kailangan akong gawin.

Kalahating oras lang ay nakarating din kami agad sa eskwelahan. Wala naman nakakita sa amin dahil private park ko ito, siniguro kong walang iba na makakakita. Agad akong bumaba sa sasakyan at gano’n din si Venuz, kaya nga lang ay naduduwal itong bumaba.

“Hanep, akala ko ‘yong kaluluwa ko naiwan na sa bahay niyo,” sabi nito sa akin na hawak-hawak ang kaniyang ulo.

“Hindi na talaga ako uulit pa pag ikaw ang driver, sis!” turan pa nitong muli na mukhang nahimasmasan na.

“Tapos ka na? Tara na.” Hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin at nauna na akong lumakad sa kaniya.

Pinasok ko ang silid na pagmamay-ari ko sa eskwelahan na ito. Walang sinuman ang may alam ng opisina ko maliban na lamang kay Venuz. Umupo agad ako at sinimulan nang magtipa sa aking kompyuter.

Habang busy ako sa ginagawa ko ay may bigla namang kumatok. Tinignan ko sa aking monitor kung sino ito, may mini CCTV kasi akong inilagay sa pinto na naka-connect sa aking computer. Malawak ang kayang masakop ng camera nito, kahit pa kasing liit lamang ito ng normal na nunal ng tao. Matagal ko rin itong binuo dahil hindi biro ang lawak na makukuha nito.

“Saan na naman kaya pumunta ito at ang tagal naka-sunod sa akin,” tanging usal ko sa isipan ko ng makitang si Venuz ang kumatok. Agad kong pinindot ang botton sa ilalim ng aking lamesa na naka-konekta sa pintuan.

“Sis, tapos ka na ba diyan?” aligaga nitong tanong sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.

“Sis, kasi si Alexa may binubully na naman sa cafeteria.”

“Ano gusto mong gawin ko?”

“Sis naman, e.” Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Ayaw mo talaga ako samahan?”

“Ano ba kasing mapapala ko doon, sige nga sabihin mo Venuz,” samandal ako sa aking upuan at maigi siyang tinignan habang naka-krus ang aking mga braso sa dibdib.

“Sige. Ganiyan ka naman, e. Sabagay, para ka nga palang walking-stone sa tigas ng puso mo.”

Bigla itong nag-walk out at binalibag pa ang pinto ko paglabas niya. Napabuntong hininga na lang ako sa naging akto nito.

**

This Person POV.

Paglabas ni Venuz ng silid ay napa-kuyom ito ng kamao. Saglit itong huminto at mariing pumikit, bigla niya na-realize na mukhang sumobra siya sa kaniyang naging reaksyon. Nakalimutan na naman niya mag-isip muna bago sumugod at magalit.

Ganoon na lamang kasi ang lambot ng kaniyang puso pag may nakikita siyang inaapi. Pumihit ito pabalik at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Nagtaka siya kung bakit hindi ito naka-lock at napangiti rin agad, napagtanto niyang kilala na talaga siya ng kaniyang kaibigan.

“Oh, anong ginagawa mo ulit dito? Mamimilit ka pa rin ba?” napasimangot siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan na busy pa rin na nakatutok sa kaniyang kompyuter.

“Ito naman, wag ka na magalit. Sorry na,” pagsusumamo niya sa kaniyang kaibigan.

“Tara na,”

Agad na nanlaki ang kaniyang mata sa narinig, tila ba nabingi ito.

“Hala, totoo ba?”

“Ayaw mo? Edi sige, wag na,” babalik na sana ito sa pagkakaupo nang hatakin niya ang braso nito ng marahan.

Pagkalabas nila ng silid ay lihim na may pinindot na botton si Angelica mula sa kaniyang likuran, botton ito para ma-lock ang kaniyang silid.

Nadatnan nila ang cafeteria na maraming nagkukumpulan, para itong may pinalilibutan sa gitna.

Pilit na sumiksik si Venuz habang hawak niya si Angelica para makita nila kung ano ang nangyayari.

“Ang isang katulad mo ay hindi nararapat sa eskwelahan na ‘to. Do you know that?” Maarteng sabi ni Alex sa walang laban na babaeng nakaupo na basang-basa na dahil sa pagbuhos niya ng juice dito.

Para namang nagpantig ang tenga ni Venuz ng marinig niya ito, susugod sana ito ng hawakan siya sa kamay ni Angelica at saka sinenyasan pa-iling.

“Pero…”

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla na lamang napunta si Angelica sa harap ni Alexa na hawak-hawak na ang kaniyang pisngi. Ang lahat ay nagulat sa nangyari  at kahit si Venuz, nanlalaki ang kaniyang mata sa bilis ng pangyayari. Hindi niya akalain na ganito kabilis kikilos ang kaibigan niya.

“Oh my god.”

“Hala, bakit niya ginawa iyon?”

Rinig ni Venuz na sabi ng ibang estudyante sa gilid niya, hindi niya na lamang ito pinansin at bumaling na lang muli sa kaniyang kaibigan na nakatingin sa kaniya at sumenyas lang ito nang pagtango sa kaniya. Naintindihan naman niya ito kung kaya’t nanahimik na lang din siya.

“How dare you?!” malakas na sigaw ni Alexa sa kaibigan niya.

“Stand up.”               

Hindi pinansin ni Angelica ang sinabi ni Alex at binigyan pansin lamang ang babaeng nakaupo na may pagtatakang nakatingin sa kaniya.

“Hihilain ba kita patayo o magkukusa ka?” malamig na sabi ni Angelica sa babae na agad din tumayo at nilapitan ni Venuz para alalayan.

“Hey! Are you that deaf?! I am talking to you,” halos lumabas ang litid ng ugat sa leeg ni Alex sa pagsigaw nito kay Angelica.

Hindi pa rin ito pinansin ni Angelica. Akmang hahablutin ni Alexa ang buhok niyang hanggang siko na agad naman niyang nahawakan ang kamay nito ng hindi man lang nakatingin. Nagulat man siya sa ginawa ni Angelica ay hindi niya ito pinahalata. Pumiglas siya sa hawak nito na agad naman binitawan kung kaya’t na-out of balance siya at muntik na matumba, buti na lamang at nasalo siya ng dalawa niyang alipores.

“You! ano bang ginagawa mo rito, ha? Are you pretending to be a hero? Come on, it does not suit you. Masyado kang pabida,” may diin na sabi ni Alexa.

“Kaya nga.”

“Kung sabagay, parehas silang weirdo.”

“Tama, parehas na nerd. Sino pa ba magtutulungan? Edi kapwa panget niya.”

Rinig na rinig ito ni Angelica kung kaya’t napa-angat ang sulok ng kaniyang labi at marahan na tinignan sa mata ang mga babaeng nagbubulungan sa gilid niya. Nakaramdam ng panlalambot ng tuhod at pagtaas ng balahibo ang mga ito, at bigla na lamang ito napatakbo.

“Hoy, bingi na nerd!” Malakas na sigaw ni Alex sa kaniya. This time ay nilingon na siya ni Angelica.

“Puwede ba, ang kalabanin mo naman ay iyong kaya ka. Masyado kang napapaghalataan na mahina. Napatol ka kasi sa walang laban sa ‘yo,” malamig at walang bakas ng emosyon sa mukha ni Angelica nang sabihin niya ito.

“Aba’t, sino ka para sabihin sa akin ‘yan?” taas kilay na sabi ni Alexa sa kaniya na nakahawak pa sa kaniyang baywang.

“Ang tapang mo naman masyado,”

“Alam mo ikaw na nerd ka, bida-bida ka talaga.”

“Akala yata niya ikina-cool niya na ‘yon. Ha, in your dreams – nerd.”

Nagsasalitan pang sabi ng dalawang alipores ni Alexa, samantalang wala naman pake dito si Angelica. Nakatingin lang ito sa kanila na tila ba walang kagana-gana sila na kausapin.

“Mas okay pang kausapin ang mga baliw kesa sa mga ito, e,” usal ni Angelica at natatawa na lang sa kaniyang isip.

“Tapos na ba kayo? Kasi kung oo, aalis na kami,” agad na sabi Angelica at sumenyas pa ito ng saludo sa tatlo at saka umalis kasama si Venuz at ‘yong babae na inapi nila Alexa kanina lamang.

Napatulala na lang si Alexa rito at hindi na hinabol pa, ang ibang estudyante naman ay nakasunod lang ang tingin sa kanilang pag-alis.

“May araw ka rin sa akin,” inis na usal ni Alexa sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status