Share

KABANATA X

Tahimik akong nakaupo sa sofa ng bahay na aking binili noon na ngayon ko na lang ulit nadalaw, ilang taon na rin pala ang lumipas mag mula ng huling punta ko rito. Parang kalian lang, ang bilis ng panahon.

“Ito kasi si Trixie, e. Hindi ko tuloy nabili ‘yong dapat kong bibilhin.”

“Aba, ang tagal mo kaya kumilos. Mahiya ka naman sa amin, ikaw na lang kaya inaantay namin.”

“Oh, dito pa nagtalo. Pumasok na nga tayo.”

Naririnig ko na ang mga boses ng mga inaabangan ko sa pintuan pa lang. Biglang bumakas ang pinto at nasubsob pa sa sahig pagkapasok si Jasper. Saglit silang natigilan ng mapansin na nila akong lima. Daig pa nakakita ng multo sa gulat.

"Aba't babaita ka, saan ka nanggaling?" tanong ni Trixie sa akin nang maka-recover sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status