Share

Katotohanan

Malakas na kalabog ang maririnig nang sinara n'ya ang pintuan ng kotse.

"May problema ba?" bungad na tanong ni Mando.

Sumakay s'ya sa kotse na hindi nagsasalita. Madilim ang mukha at hindi maipinta. Batid ni Mando na may nangyari na hindi maganda. Hindi na ito nangulit bagkus ay tahimik nito na iuwi ang amo. Pagdating sa malaking bahay ay tumuloy si Xian sa bar na labis na ipinagtaka ni Mando dahil hindi iyon ang na kaugalian ng amo. Naupo si Xian sa malaking upuan habang kaharap ang isang bote ng alak. Blangko ang kanyang isipan subalit ang kanyang mukha ay napuno ng emosyon. Hinahanap ng kanyang mata si Mando. Ang akala n'ya ay sumunod ito.

"Paki-tawag si Mando at pakisabi na naghihintay ako rito sa bar," saad n'ya sa katulong.

Sakto kasi na nakabukas ang pintuan at napadaan ito. Hindi nagtagal ay pumasok ang kaibigan.

"Ang akala ko ay kailangan mo mapag-isa kaya hindi na ako sumunod pa sa iyo," sabi nito.

Umiling si Xian bilang tugon saka tumungga to ulit ng alak.

"Ano ang inii
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status