Share

Chapter Sixteen

 

Christmas Eve

 

Nagtatalo ang inis at lungkot sa puso ni Christelle habang nasa tapat siya ng bahay nila. Suot ang isang itim na hoodie, jeans at sneakers, nakakubli sa dilim ang dalaga habang pinagmamasdan ang pamilya na nagdidiwang ng bisperas ng Pasko kahit wala siya.

Nagkuyom ang mga kamay niya sa galit, habang nakikita ang ngiti sa mukha ng mga magulang at mga kapatid, pati na ng ilan pa nilang mga kamag-anak na naroon. Nang tumakas ang isang butil ng luha mula sa mga mata niya ay agad niya itong pinunasan gamit ang likod ng kaliwang kamay, bago huminga nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang pamilya sa loob ng bahay nila.

"I guess they'll be fine without me..." bulong ni Christelle sa sarili habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata.

Noong mga sandaling iyon, tinanggap na nang tuluyan ng dalaga na hindi na talaga siya hahanapin ng sariling pamilya dahil tila hindi naman siya kailangan ng mga ito. In just a few minutes, she came to term
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status