Limang buwan. Limang buwan na siyang buntis at medyo klaro na rin ang kanyang tiyan. Naging maayos ang pagsasama nila ni Vanadium sa mga nakalipas na buwan. Hindi man klaro kung ano talaga ang relasyon nila pero sa kinikilos pa lang ni Vanadium ay masasabi niya ng lagpas na ito sa pagiging mag-amo nilang dalawa.
Siya lang ngayon ang nandito sa bahay dahil nandoon pa si Vanadium sa kompanya. Malapit na rin naman ang alas sinco ng hapon kaya paniguradong ilang saglit lang ay nandito na iyon sa bahay.
Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng pag doorbell. Kumunot kaagad ang kaniyang noo dahil alam niyang hindi si Vanadium iyon. Marerecognize naman kasi agad ng scanner ang kotse nito at automatic itong bubukas. Nagpalagay kasi si Vanadium ng scanner sa gate nila para hindi na raw siya mapagod na pagbuksan ito ng pinto. Pati CCTV ay nagpalaga
Chapter XXVIIIsang linggo ng sunod-sunod na nakatanggap si Olivia ng kahon na pareho lang ang laman sa una niyang natanggap. Minsan ay makikita niya ang kahon sa sala, minsan sa kusina o kaya naman sa kaniyang kwarto. Kanina may nakita na naman siyang kahon na nakalagay sa hardin ni Isabel. Hindi niya ito binuksan at saka pinulot lang upang ilagay sa basurahan. Kahit anong gawin nila ay hindi ito mahuli-huli. Nagdagdag rin ng CCTV si Vanadium pero ganoon pa rin, wala pa rin silang ideya kung sino ang nagpadala sa kaniya ng mga iyon. Tila alam ng nagpadala sa kaniya ang pasikot-sikot ng bahay at hindi ito mahagip-hagip ng camera. Ilang araw na siyang hindi makatulog ng maayos sa takot na baka bigla na lang siyang pasukin sa sa kaniyang silid. Mabuti na lang at doon na palaging natutulog si Vanadium sa kaniyang silid kaya medyo napanatag ang kalooban niya.
Chapter XXVIII Matagal niyang tinitigan ang babaeng matamis na ngumiti sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at tila napako na ang kaniyang katawan sa sahig. Paanong nangyari? Kailan pa? Saan? Nanatili siyang nakatulala at hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya si Isabel. Nagising na lang siya nang biglang lumagapak sa kaniya ang kamay ng dati niyang amo. Hindi lang isa kun’di maka-ilang beses siyang sinampal ni Isabel na maski siya ay hindi na mabilang. Sobrang hapdi na nang magkabila niyang pisngi at wala siyang magawa kun’di tanggapin ito. Muntik pa siyang matumba mabuti na lang at nabalanse niya ang kaniyang sarili. Ilang saglit pa ay tumigil na si Isabel at masuyo siya nitong hinawakan sa kaniyang namamagang pisngi. “Masakit ba Olivia?”
Chapter XXIXMahigit tatlumpung minuto munang nag-antay si Olivia bago niya narinig ang ingay sa labas ng pinto. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong bumukas at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng babaeng may dala-dalang pagkain.Kumunot ang noo ni Olivia dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Parang nakita niya na ito pero hindi niya mawari kung kailan, paano o kung saan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa inilapag nito ang dala-dala niyang pagkain na nakalagay sa food tray. Kaagad siyang napatayo mula sa pagkaka-upo at unti-unting lumayo sa may kama. Doon kasi nilagay ng babae ang kanyang pagkain.“Remember me, ma’am?” idiniin pa nito ang salitang ma’am na para bang sa salitang ‘yon ay maalala kaagad ni Olivia ku
Chapter XXXNaalimpungatan si Olivia dahil sa marahang pag yugyug sa kanyang balikat kasabay din ng pagbulong malapit sa kanyang mukha. Napaungol muna siya bago dahan-dahang minulat ang mga mata. Kaagad na bumungad sa kanya ang pagmumukha ni Vanadium. Biglang nagising ang kaniyang diwa at nanlalaki ang matang tiningnan ang kaharap. P-Paanong…?Dahan-dahan siyang bumanngon habang nanatiling nakatitig kay Vanadium. Inalalayan naman siya ng huli upang maka-upo siya ng maayos. Nang maka-ayos ng upo ay ilang segundo niya muna itong tinitigan bago makapagsalita.“A-Adi?” hindi makapaniwalang tanong ni Olivia sa lalaking kaharap na masuyo siyang tiningnan. Kaagad na napansin ni Vanadium ang pamamaga ng mukha ng dalaga kaya nag-aalala niya itong hinawakan. Napaigi
Chapter XXXIHindi alam ni Olivia kung ano ang eksaktong nangyari pero namalayan niya na lang na may nagbabarilan na sa second floor pati na rin sa paligid niya.Pagkatapos kasing patayin kanina ni Isabel ang kaniyang cellphone ay may biglang pumasok na mga kalalakihan. Hindi niya alam kung sino ang mga ‘yon pero alam niyang kakampi nila ito kasi kaagad sila nitong pinalibutan upang protektahan. Napahinga siya nang maluwag ng wala nang putukan na narinig. Wala siyang ideya kung may namatay ba at wala na siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ngayon ay hindi siya natamaan ng bala pati na rin si Vanadium.“Adi…” tawag ni Olivia kay Vanadium.Lumingon naman kaagad sa kanya ang lalaki. “Yes baby?”
Chapter XXXII “Stressed ba siya lately?” “Yes doc.” “Mmm… kaya pala.” “Why doc? Is there a problem with the baby in her womb? How about Olivia?” bakas ang pag-alala sa boses ni Vanadium. “As much as possible sana, ipapa-iwas mo sa kanya ang mga bagay o lugar o kaya ay tao na nagiging dahilan ng stress niya. There’s nothing wrong naman with her and the baby, Mister. Mahina lang ang kapit ni baby kaya dapat total bed rest lang talaga siya until lumakas na ang kapit ni baby sa kaniya. Huwag mo muna siyang papagurin dahil baka maging dahilan pa ito upang mag bleeding siya. Thankfully nadala mo kaagad siya sa ospital kundi baka maging mas malala pa ang
Chapter XXXIIIHalos apat na araw silang nanatili sa ospital bago i-discharge ng doctor si Olivia. Pauwi na sila ngayon sa bahay dahil ngayon din daw darating si Clara. Masaya si Olivia at excited na siyang makitang muli ang kanyang alaga. Masaya siyang hindi pala ito tuluyang nawala sa kanila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Isabel sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya rito dahil hindi niya pinatay ang kanyang anak.Bumuntong hininga si Olivia dahil sa kanyang nasaksahin ilang araw na ang nakalipas. Hindi niya man maamin pero alam niya sa sarili niya na naaawa siya kay Isabel. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sinapit ni Isabel sa kamay ng kanyang kapatid pero paniguradong nagdulot ito ng trauma sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya ulit saka inalis sa isip si Isabel. Sinabihan na rin kasi siya ng doctor na huwag mag-isip ng
Chapter XXXIVNang makapasok ang dalawa ay kaagad na ngumisi ang lalaking nakapula.“Akin na ang bracelet na gawa sa loombands Wolastik. Bakit ka kasi nakikipag pustahan sa gwapong katulad ko. Sabi ko naman sa’yo ’diba. Dadalhin ni chong parekoy Ruther si pareng Zirco?” nagmamayabang na saad nito.Umismid lang naman ang tinatawag na Wolastik at saka masama ang mukhang hinubad ang loom bands na bracelet. “Inggitero ka talagang Hermes ka. Ang mahal kaya ng bili ko dyan tapos hihingin mo lang? Tsk.” para itong batang natalo sa laro at hindi maipinta ang mukha.Ngisi lang ang naging sagot ng tinatawag na Hermes ng binata saka ito dumila sa kaniya.