Share

EP 6

Nakaupo si Charity sa swivel chair habang ginagawa ang bahay gawa sa red and yellow popsicle sticks habang nasa sahig naman yung iba.

Kinuha niya ang lollipop sa bulsa ng palda niya at kinain iyon. Napangiwi siya ng mapaso siya ng glue gun habang nilalagyan ang mga stick.

Kaya napasandal siya sa upuan habang tinatanggal ang glue sa daliri niya. Habang ginagawa ‘yon ay nakita niya ang pagsilip ng isang tao sa likod.

Nakasandal ito sa pintuan habang nakaawang ng konti ang pinto habang nakatitig ito sa apat na tao sa sahig.

Mukhang napansin nito ang pagtitig niya dahil sandali itong nakipagtinginan bago umalis na lang bigla.

Tumaas ang kilay niya sa ka-weirdo-han ng isang ’yon bago napailing at binalik ang atensyon sa ginagawa.

Ng matapos niya ang pagtapos ng tatlong bahay kahit na nagmamadali ay napabuntong hininga siya.

"Maayos na ba ’to, Abby?" tanong ni Craig at tinaas ang asong gawa sa clay

"Ayos na ’yan, Kuya. Mas maganda pa nga ang paggawa mo kesa samin" sabi nito kaya napatango-tango ito at si Apollo naman na mukhang nainggit sa nakuhang atensyon ng kapatid ay pinagyabang din ang ginawa.

Napatingin sila lahat sa pinto ng bumukas yun at nakita ang isang katulong na may dala-dalang pagkain.

"Pinapadala po ni Sir Keith. Kumain daw po kayo habang gumagawa" sabi nito "Salamat po" sagot ni Abigail kaya linapag na nila ang pagkain sa lamesa.

Kumuha sila ng tig-isang pagkain at tumaas ang kilay ng makita ang pagsilip muli ni Keith sa pinto.

Hindi niya alam pero tanga ba ang isang yan? Bakit kung makasilip ay parang babae lang nagkaka-crush sa kabilang section?

Kumain na muna silang lahat bago inayos na ang ginawa nilang mga bahay at hayop.

Kaya ng matapos ay niyakap ni Abigail ang tatlong kapatid habang ngumingiti na lang siya.

Dahil sa pagmamadaling ginawa nila ay naipasa nila ng maayos ang project kahit 95 lang ang grade na nakuha na ikinainisan pa ni Abigail kaya pumunta ito sa canteen para mag-stress eating.

Magisa siyang naglalakad sa hallway ng may biglang kumalabit sa kanya mula sa likod.

Ng lingunin niya ito ay grupo ng mga babae na isang taon ang agwat sa kanya.

"Ikaw si Charity, diba?" pagtanong nito kaya tumango siya "May kailangan ba kayo?" tanong niya at pinasok ang kamay sa bulsa ng jacket niya

"Close kayo ni Keith, diba? Pakibigay naman toh, o. Please? Ayaw kasi ng kapatid niya at sinungitan pa kami" sabi nito at inabot sa kanyaang maliit na paper bag na puno ng papel.

"Salamat, a" hindi man lang nito hinintay ang sagot niya at agad naglakad palayo kaya napatingin siya sa hawak.

Paano naman niya ito maibibigay kung hindi man lang nga sila naguusap ng ilang minuto.

Pero dahil isa siyang mabait na bata (mostly because she's bored) linibot niya ang campus para mahanap si Keith.

Susuko na sana siya ng mahagip niya itong nakaupo sa isa mga bleachers sa field. Bumuntong hininga siya bago naglakad palapit dito at umupo sa katabi niya.

"Pinapabigay nga pala sayo, Kuya" sabi niya at inabot dito ang pinapabigay "Hindi mo naman ako kailangan tawaging kuya. Tatlong taon lang ang agwat nating dalawa" sabi nito kaya napatingin siya

"Nagmumukha naman akong malandi niyan?" nakataas ang kilay na sabi niya kaya nagsalubong ang kilay nito

"Tanga ba sila? Lahat ng tao nagku-kuya" pagiling nito "Sorry pero hindi ganun ang pagiisip ng mga fangirls mo" sabi niya kaya bumuntong hininga ito

"Fine. Wag mo lang ako tatawaging kuya. We train together kaya kahit kung tayo lang ay walang kuyang mababanggit" sabi nito kaya bagot na tumayo siya

"Whatever. Kailangan ko ng umalis bago pa tayo ma-isyu ng wala sa oras" sabi niya at naglakad na palayo habang nakatitig lang sa kanya si Keith.

Ano naman kasi ang maiisip ng tao kung makita nila ang isang Grade 10 student na kasama ang isang college student?

Hinihiling niyang walang magagawang isyu habang nagaaral siya dahil ayaw niyang magkaproblema ng wala sa oras.

PRESENT

Napailing siya sa naalala at tumayo bago linigpit ang mga gamit at papeles. Naglakad siya patungong kusina para makita ang mga batang pinapapak na ang pizza.

"Bakit ka nakatunganga diyan? Umupo ka at kumain" sabi niya ng mapansin na nakatayo lang si Kent sa gilid.

Alam nitong ayaw niyang nakatayo lang tuwing kumakain kaya umupo ito.

Umupo siya sa harapan ng bata at binuksan ang pangalawang pizza.

"Magdi-dinner pa ba kayo? Anong gusto niyo? Rice or noodles? I could cook carbonara or fried chicken if you want" sabi niya kaya nagkatinginan ang dalawa

"Kahit ano na lang po" sagot ni Kath habang nakangiti kaya tumingin siya kay Kent "Ikaw? Anong gusto mong kainin?" tanong niya

"Kahit ano, Miss King" sagot nito kaya tumango ulit siya bago kumagat ng pizza.

Hays. Ang sarap talaga ng pagkain. Mawala na ang lahat sa mundo basta wag lang ang pagkain. Sigurado siyang hindi siya mabubuhay ng matagal.

"Tita?" tumingin siya kay Kath ng tawagin siya nito "Bakit?" tanong niya "What's your work po? Tita Abby is a writer and attorney. How about you po?" tanong nito

"I'm a businesswoman. Gaya ako ng daddy niyo kaya always busy ako sa work" sagot niya

"Wala po kayong asawa?" tanong naman ni Carter kaya nakangiting umiling siya

"Wala pa akong oras para diyan, e. Kakabalik ko lang galing Philippines a week ago kaya busy pa ako sa pag-expand ng company dito" pagsisinungaling niya.

Really, Charity? Expand your company? May iee-expand pa ba toh na ang laki-laki na nga, e!

"Pagkatapos natin kumain may ipapakita ako sa inyo" nakangiting sabi niya kaya nagkatinginan ang dalawa na may magkaparehas na pagningning sa mata.

Ilang oras ang nakalipas bago makarating si Keith sa sinend ni Charity na address.

Pagpasok palang ng gate ay sinalubong na agad siya ni Kent "Its nice to see you again, Kent. Yung mga bata?" sabi niya

"Idadala kita sa kanila" sabi nito kaya sinundan niya ito papasok ng bahay. Tumaas sila sa second floor at sa harap ng puting pinto.

"Salamat, Kent" yumuko lang ito bilang tugon kaya pumasok na siya ng kwarto.

Napansin agad ni Keith ang mga paintings na nakadikit sa puting pader at sa gitna ng silid ay si Charity na nakaupo sa unahan ng canvas habang ginuguhit si Kath na nasa harap niya at tinitingnan naman ito ni Carter ng puno ng pagmangha.

"Tapos na" sabi niya kaya masayang linapitan ito ni Kath "Maganda ba?" tanong ni Charity kaya nakangiting tumango ito.

Tinitigan niya itong tatlo na pagguluhan ang sketch na ginawa ni Charity bago siya napansin ni Kath dahil sa pagliwanag ng mukha nito.

"Daddy" pagtawag nito sa kanya at patakbong pumunta sa kanya kaya awtomatiko niya itong binuhat.

"Salamat sa pagbantay sa kanila" sabi niya kaya tumango si Charity "Aalis na ba tayo, Daddy?" tanong ni Kath kaya tumango siya

"Bakit? Ayaw mo pa ba?" tanong niya pero imbes na sumagot ay tiningnan nito si Charity "Tita, can I keep the drawing?" nahihiyang tanong nito kaya nakangiting tumango siya

"Oo naman, sweetheart" sagot nito bago mahinang tumawa "Pero kailangan ko pa kasing pinturahan siya bago ko ibigay sayo" nagliwanag ang mukha nito sa naging sagot niya "Thank you, Tita" sabi niya.

Sinamahan niya ito hangang sa labas ng gate kung saan niya nakitang tahimik na sumakay ang kambal sa kotse.

"Charity, salamat ulit. Baka hindi ko na makita ang mga anak ko kapag wala ka dun" sabi niya kaya pinagkrus ni Charity ang braso at bumuntong hininga

"Hindi mo ba iniisip na hanapin ang nanay nila?" tanong niya ulit "Sinagot ko na yang tanong mo, Charity. It won't change anything if you ask it again" magkasalubong ang kilay na sabi nito na ikinailing niya

"Ang baba talaga kahit kailan ng pasensya mo" pagiling nito "Charity, naisip mo din ba ang nangyari satin ten years ago?" napatigil ata ang paghinga niya ng sandaling yun bago umiwas ng tingin

"Kai, mga bata pa tayo nun. I was nineteen to be exact" sagot niya kaya napaharap sa kanya si Keith ng magkasalubong ang kilay

"And I was twenty-four. Nasa legal na tayong edad. Heck, pwede na nga tayong magpakasal sa edad na yun" sabi niya

"Wala akong pakealam kahit nasa legal na tayong edad. A mistake is a mistake. Walang makakabago nun" pagiling niya kaya napasuklay ng buhok gamit ng daliri si Keith

"Yun nga, e. Para sakin hindi yun pagkakamali. We both wanted it. Hindi tayo nun lasing. We did the deed ng walang halong alak kaya saang banda doon ang pagkakamali?" naiinis niyang sabi

"Kai, gaya nga ng sabi nila, ang lahat ng pagsisisi ay nasa huli" sabi niya at bumuntong hininga

"Wag mo ng ibalik ang nakaraan, Keith. Sampong taon na ang nakalipas, baka sapat na yun na oras para kalimutan ang lahat bago ako makulong, diba?" sabi niya kaya hindi siya nakaimik

"Fine. Whatever you want, Charity" sabi nito at sumakay na ng kotse kaya mariin na napapikit si Charity ng umalis na sa harapan niya ang kotse.

Pero bumalik naman ang alaala ng mga pangyayari nung gabing yun ten years ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status