Share

Chapter 2

Chapter 2

"Napaka-hayop mo talaga! Papatayin kitang hayop ka!" Nanliliyab ang mga mata, ni Reynard sa labis na galit, malakas nitong sinuntok sa mukha si Mark.

Nagpapalitan ng suntok ang dalawa at walang gustong mag paawat. Pareho ang dalawa na may sugat at pasa sa kanilang mga mukha. Kanina pa kasi itong nagaaway at sinubokan na ring patigilin ng mga tao sa paligid pero ayaw pa rin magpaawat at tuloy pa rin sa pagsusuntokan.

"Go on! Patayin mo na ako, ngayon na!" Hamon ni Mark at mukha pang desidido na mamatay. Sinugod ni Mark si Reynard at mabilis naman itong naka-ilag.

Umigting ang panga ni Reynard at hinawakan ang gilid ng labi na may bakas ng dugo, dahil na rin sa lakas ng suntok ni Mark sa kaniya. Sumugod si Reynard at binigyan ng marahas at malakas na suntok si Mark. Sa kasamaang palad ay hindi ito nakailag at napuruhan. Hinawakan ni Reynard ang kwelyo ni Mark at bahagyang inangat palapit sa kaniya. "Fuck you! Anong ginawa mo sa kapatid ko, hayop ka! Anong ginawa mo?!" Nanlilisik ang mga mata ni Reynard at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Mark.

Matapang na hinarap ni Mark ang umaapoy na mga mata ni Reynard na may nakakalokong ngiti na animo'y nang-iinsulto pa ito. "Ginawa? Wala akong ginawa sa kaniya Reynard!" Napa-iling na tinig nito.

"Huwag kang magsinungaling sa'kin hayop ka! Binuntis mo ang kapatid ko! Tapos ngayon sinabi mo na wala kang ginawa sa kaniya? Ako ba'y niloloko mo, ha?!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tinig ni Reynard. Sa mga oras na ito ay gustong-gusto ni Reynard na patayin ang hayop na si Mark. Ang lalaking gumawa nito sa kaniyang kapatid.

"K-Kuya Reynard, Kuya." Patakbong tinig ni Lea nang makita ang kapatid na ngayon ay hawak si Mark sa kuwelyo. Bakas ang takot at pangamba sa tinig nito habang nakikita na umiinit ang panig sa kanilang dalawa. "K-Kuya please stop this. Please." Pagmamakaawa ni Lea at lumapit sa kapatid para awatin lamang ito. "Please h-huwag mo siyang saktan Kuya. Maging mahinahon ka sana K-Kuya." Sa pagkakataon na ito ay hinawakan ni Lea ang kamay ni Reynard para lamang pakalmahin ang kapatid.

Alam kasi ni Lea ang mangyayari kapag, hinayaan niya ito sa gusto nitong gawin. Kilala niya si Kuya Reynard na wala itong sinasanto na kahit na sino! Kaya nitong mapatay si Mark kapag nagkataon. Lalo na't marami ng pinatumbang mga kaaway ang kaniyang kapatid, at natatakot si Lea na baka mas malala pa ang mangyayari sa dalawa kapag hindi niya ito inawat. "Please K-Kuya umuwi na tayo please. H-Huwag mo ng gawin ito, parang-awa mo na." Umiiyak na pangungumbinsi si Lea kay Reynard.

Sa dalawa, si Mark ang labis na napuruhan ng sugat, dahil na rin sa bihasa talaga ang kapatid niyang si Reynard sa pakikipaglaban.

"Potangina! Umalis ka dito, Kristine!" Sigaw ng kaniyang kapatid sa kaniya at mukhang hindi gusto magpaawat. Nagulat nalang siya nang tinulak siya ng kaniyang kapatid. Muntikan pa siyang masampa sa matigas na sahig dahil sa lakas ng pwersa na pinakawalan nito.

Buti nalang talaga at nakahawak si Lea sa isang tabi at nagkaroon ng suporta upang hindi siya gaanong matumba. "K-Kuya please, tama na please! Huwag mo ng gawin ang bagay na ito." Mas lalo lang nasasaktan si Lea nang ayaw makinig ang kaniyang kapatid sa kaniya.

"Papatayin ko ang hayop na ito!" Nakatiim-bagang na banta ni Reynard at hinarap si Mark. "All of this people ikaw pa talaga?! Ikaw na matalik kong kaibigan? Tapos ikaw pa ang gagawa ng ganitong kahayupan sa kapatid ko?!" Asik nitong muli. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid kong gago ka! Sinisiguro ko sa'yo na mabubulok ka sa kulungan! I know what you did! Ni-rape mo ang kapatid ko!"

"Really? Can you hear yourself now, Reynard?" Puno ng insulto na wika ni Mark. Sarkastiko pa itong tumawa sa narinig mula kay Reynard. "Rape? I did not rape her! Siguro hindi pa sinabi ng kapatid mo sa'yo kung ano ba talaga ang tunay na nangyari ng gabing iyon?" Sa sinabi ni Mark ay napapakurap-kurap naman si Reynard. Tila may bagay na ngayon lang niya na realize.

"Putangina! Tumahimik ka!" Pero hindi ito naniwala at nagpadala. Bagkus ay nagtitimpi nitong sininghalan si Mark. Wala sa kanila ang gustong magpatalo o magpatinag.

"Come on, Lea. Sabihin mo sa kapatid mo ang totoong nangyari ng gabing iyon!" Hamon ni Mark kay Lea. Do'n lang napansin ni Lea na nakatingin na pala si Mark sa kaniya. Natigilan si Lea sa uri ng emosyon na nakita niya mula kay Mark.

Mga mata na nagpapasakit sa kaniyang puso.

Mga mata na ayaw niya muling masilayan.

"Itikom mo ang bibig mong hayop ka!" Umalingawngaw ang tinig ni Reynard. Pero si Mark ay walang ginawa kundi ang tumawa lang. "I didn't force her Reynard, kusa siyang lumapit sa akin. Hindi mo pa ba alam ang ginawa ng kapatid mo, Reynard? Pumunta siya sa kwarto ko, and she crawl in my bed, begging to fuck her! Hahaha!"

Alam ni Lea na hindi gano'n ang nangyari. Hindi niya 'yun ginawa. Dare lang nag kaniyang ipinunta at pinaramdam sa kaniya ni Mark na wala siyang kawala ng gabing iyon at pinilit na gawin ang bagay na iyon.

Lalo lamang dumilim ang mukha ni Reynard sa labis na pagtitimpi at labis na galit. "Napaka-hayop mo talaga!" Malakas na sigaw ni Reynard at kasabay no'n ay ang malakas na pagsuntok niya sa mukha ni Mark. Sanhi upang mapasalampak ito ng upo sa sahig. "Halika ditong hayop ka!" Tinangka pa sanang susugurin ni Reynard si Mark nang kusa ng kumilos si Lea at inawat ang kapatid.

"K-Kuya please. Tama na!" Mahigpit niya itong niyakap. Malakas na napamura si Reynard at ramdam ni Lea ang pagkadurog ng kaniyang puso lalo na ng nagpupumiglas ito mula sa kaniyang yakap. "P-Please K-Kuya tama na po. Tama na…"

Napaka-sakit at napaka-hirap sa kaniya.

Bakit ba kailangan pang humantong sa ganito?

"Halika ditong hayop ka! Papatayin talaga kita!" Matinis na sigaw ni Kuya Reynard, at ang mga mata nito nanlilisik sa galit. "Bitawan mo ako Kristine! Papatayin ko ang hayop na iyan! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo Mark! Lumapit ka dito at ng magkasubukan tayong dalawa! Hayop!" Patuloy na sigaw ni Reynard at kasabay ang mahinang pag-hagolhol ng iyak ni Lea sa bisig ng kapatid.

Patuloy lamang umiiyak si Lea at napatingin siya sa gawi ni Marknna nakaupo pa din sa sahig.

Sumilay lamang ang nakakalokong ngiti sa labi ni Mark, habang pinupunasan nito ang bakas na dugo sa gilid ng labi nito na tila natutuwa pa ito sa nangyari.

*******

"Look, Mom! This is for you." Natigilan si Lea mula sa paghuhugas ng plato nang marinig ang malambing na tinig ng kaniyang anak. Bahagyang binitawan muna ni Lea ang ginagawa at hinarap ito.

Nakasuot ng blue polo si Steven at brown na short. Napansin kaagad ni Lea na may hawak na bulaklak ang anak.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Lea habang pinunasan ang sariling mga kamay sa suot niyang damit.

"Wow! Para sa akin ba ito, Steven?" Bahagyang yumuko si Lea nang sa gano'n ay magpantay sila ng height.

"Oo naman po, Mommy. Para po iyan sa'yo." Nilapit ni Steven ang bulaklak na kinuha para sa kaniyang Mommy, at malugod naman na tinanggap iyon ni Lea.

Kulang na lang matunaw ang puso ni Lea sa labis na saya dahil sa simpleng ginawa ng kaniyang anak.

Makita lamang ang anak na si Steven ay buo na ang araw ni Lea.

Inamoy ni Lea ang kinuha na bulaklak ng anak, at hindi mapigilan ni Lea na mapangiti. "Wait a minute, parang galing ito sa mga tanim ko sa labas ah?" Makahulugang tinig ni Lea at humarap sa anak. Labis na namula ang mukha ng anak na si Steven. Marahil ay nahulaan ito ni Lea kung saan galing ang bulaklak.

"Hmm, hindi kaya Mommy." Bahagyang napakamot si Steven sa sariling buhok animo'y nahihiya.

"Parang oo, eh. Halika ka nga dito." Hinawakan ni Lea ang anak at bahagyang kinandong at kiniliti ito.

"Hahaha! Mommy it tickles!" Hagikhik na tawa ni Steven at pinugpog niya ng maliliit na halik sa pisngi si Steven. "Stop, Mommy. Hahaha!" Napakasarap pakinggan ng tawa ng kaniyang anak. Kaya nitong iwala ang kaniyang pagod. "Mommy. Hahaha!" Patuloy na tawa pa din nito at kusa namang tumigil si Lea sa pag ki-kiliti dito.

Tumayo na si Steven sa isang tabi. Samantalang si Lea ay nanatili pa din sa harapan ng anak. "Thank you so much, baby. Ilalagay ito ni Mommy sa flower vase para tumagal. Gusto mo ba iyon?" Malambing na tanong ni Lea. Tumango naman ang anak bilang sagot.

Natigilan si Lea nang bigla siyang yakapin ng kaniyang anak. "What's wrong, baby?" Nag-aalala niyang tanong sa anak. Umangat ng tingin sa kaniya ang anak.

"I love you, Mommy." Kulang nalang matunaw ang puso ni Lea sa simpleng binigkas ng anak. Lalo na't pinaparamdam ng anak kung gaano siya nito kamahal.

"I love you too, sweetheart." Kusa ng humiwalay si Lea sa yakapan nilang dalawa. At hindi mapigilan ni Lea ang mapangiti habang pinagmamasdan ang nag-iisang pogi niyang anak.

He's Steven. Siya ang naging bunga no'ng may nangyari sa kanilang dalawa ni Mark Samuel five years ago and he's already 5 years old. Meron itong kulay itim na buhok. Bilugang mukha. May maputi at makinis kutis. At may mamula-mulang labi. Nakuha rin nito ang brown na mata at makapal na itim na kilay mula kay Mark.

Kamukhang-kamukha ni Steven si Mark, parang magka-replica ang dalawa sa paraang hugis ng itsura at kanilang tindig.

Anim na taon na rin silang kasal ni Mark. Yes. Nagpakasal silang dalawa at kasalukuyan na nagsasama sa iisang bubong.

Simula no'ng malaman ng mga kapatid niya at mga magulang niya ang nangyari sa akin tungkol sa maagang pagbubuntis ay napagkasunduan kaagad ng bawat pamilya na ipakasal silang dalawa ni Mark. Dahil na rin iyon sa gusto ng mga magulang nila. Tutol si Mark sa naging plano ng mga magulang nila tungkol sa pagpapakasal at pagsasama nila.

Saksi siya sa mga araw na ilang beses na humadlang si Mark sa kanilang pagpapakasal, pero kinalaunan ay wala na rin itong nagawa dahil sa pagbabanta ng kaniyang ama.

Ngayon na anim na taon na silang nagsasama ay na wala siyang naramdaman na pagmamahal mula sa kaniyang asawa. Naging malamig at naging marahas ang pakikitungo nito sa kaniya, at pati na rin sa anak nila.

Lahat ng masasakit na salita ay binato nito kaniya na para bang walang kapake-pakealam at siya ay kasuklam-suklam.

Sinasaktan siya nito, hindi lamang sa emosyonal na pamamaraan, kundi pati na rin sa pisikal na pamamaraan.

Makagawa lamang siya ng pagkakamali at kapalpakan ay sisigawan at sasaktan na kaagad siya nito.

Tinitiis niya lamang ang pananakit na binibigay nito sa kaniya.

Alam niya kasi na ginagawa lang nito ang mga iyon para gumanti.

Alam niya ring ginagawa nito sa kaniya ang bagay na iyon, dahil ayaw nito sa kaniya.

Alam ni Lea na siya ang dahilan kung bakit natali si Mark sa kaniya kahit alam niyang hindi gusto ni Mark ang makasal sa kaniya at nagdusa sa marriage nila.

Sa buhay, na siya ang kasama nito.

Na sinira niya ang buhay nito.

Na sinira niya ang pangarap nito dahil sa pagpapakasal nilang dalawa.

Alam din naman ni Lea, na hindi siya mahal ni Mark. At tanggap niya ang bagay na iyon.

Tinitiis niya na lamang ang sakit at kirot sa kaniyang puso.

Hindi niya rin naramdaman na mahal nito ang kanilang anak na si Steven. Umiiwas din si Mark kay Steven, ni hindi nga niito magawang lapitan at mahalin ang anak gaya ng ibang mga ama sa kanilang mga anak.

Sinasaktan din ni Mark si Steven dahil akala ni Mark ay anak ni Lea si Steven sa ibang lalaki at pinaako lang ni Lea kay Mark si Steven.

Napakasakit sa parte niya na husgahan ng sariling asawa, ang kaniyang asawa na nag-iisang lalake lang na gumalaw sa kaniya. Lalo na ang sarili nitong anak na dugo't-laman.

Masakit.

Sobrang sakit.

Simula no'ng nagbubuntis siya sa kanilang anak ay hindi niya nararamdaman ang presensya at pagmamahal nito sa kaniya. Sa kanilang dalawa ng anak niya.

Parati siya nitong sinisigawan at sinasaktan. Dalawang beses rin siyang dinugo sa paraan ng pananakit nito sa kaniya, pero nagpapasalamat na lang siya dahil naging matatag ang kaniyang anak sa kaniyang sinapupunan.

No'ng kabuwanan niya sa panganganak ay tinulungan at dinala niya ang sarili sa hospital, dahil hindi siya nito tinulungan.

Bugbog sarado na ang katawan niya at isipan niya.

Bugbog sa sakit, at pananakit nito sa kaniya.

Hindi na kumuha pa ng katulong si Mark, dahil sinabi nitong kaya niya daw lahat ng mga gawain sa bahay. Lahat ng mga gawain ay lahat naka-toka sa kaniya. Paglalaba, paglilinis, pagluluto at kung ano-ano pa, pero hindi siya nag-reklamo.

Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ay unti-unti na rin siyang napamahal sa kaniyang asawa, kahit malamig ang pakikisama nito sa kaniya.

Kahit gano'n ay kaya niyang tiisin lahat ng sakit at pananakit nito sa kaniya.

Mahal na mahal niya ito.

"Mommy ayos ka lang po ba?" Inosenteng tanong ng kaniyang anak dahilan para siya'y mabalik sa realidad. Umiling si Lea at ngumiti sa anak, pagkatapos ay ginulo ang malambot nitong buhok.

"Ayos lang ako sweetheart. Sige na maglaro ka na lang muna, hmm? Tatapusin lang ni Mommy ang paghuhugas." Isang matamis na lamang na ngiti ang sumilay sa labi ng anak at tumakbo na ito palabas ng kusina.

Naiwan si Lea sa kusina at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi pa nga siya tapos ay narinig na niyang sumisigaw ang kaniyang asawa.

"Lea! Lea!" Sumiklab na naman ang pakiramdam na kaba at panic attack sa kaniyang dibdib.

Mabilis na iniwan ni Lea ang ginagawa para puntahan lamang si Mark. Ayaw niya kasing mapagalitan dahil sa mabagal siyang kumilos.

Dumanak ang malamig na pawis sa palad ni Lea habang tinatahak ang daan palabas ng kusina. Bigla siyang natigil nang makita ang pares ng mga paa na humarang sa kaniyang dinaraanan.

"M-Mark." Tawag ni Lea sa asawa sa nauutal na boses. Puno ng galit at disgusto itong nakatingin sa kaniya. Para siyang hinahabol ng isang daang kabayo sa bilis ng tibok ng puso niya.

"B-Bakit? Bakit mo pala ako tinawag?"

"What's this, huh?" Pagalit at nakakatakot na tinig ng kaniyang asawa. Pinakita ni Mark ang hawak nitong damit, at gano'n na lang ang gimbal na lumukob sa dibdib ni Lea nang makita kung ano iyon. "Pinalabhan ko ito sa'yo dahil sinabi ko sayo na gagamitin ko ito ngayon sa mahalagang meeting na dadaluhan ko sa kompaniya! And now, you ruined it?!" Gano'n na lang ang takot at kaba sa dibdib ni Lea ang bakas na mantya sa damit na hawak ng asawa niya.

Bakit?

Papaanong na-mantsahan iyon?

Natakot ang kaniyang kalamnan dahil tiyak na sasaktan na naman siya nitong muli.

Alam niyang paparusahan siya nito.

Ayaw na niya.

Takot na takot na siya.

"P-Pero, Mark. Wala naman iyan k-kanina, hindi ko alam kung paano nagkaroon ng mantsa i-iyan. H-Hayaan mo, aayusin ko na lang." Gumagaralgal ang kaniyang boses habang nagpapaliwanag.

"Aayusin?!" Puno ng pang-uuyam na tinig nito. Nanlambot ang kaniyang tuhod. "Ako ba'y ginagago mo?! Paano mo ito aayusin ha?! Paano?! That's bullshit, Lea!" Malakas na asik nito at inis nitong binato ang damit.

Nanginig ang buong katawan ni Lea. Ngayon na nakita niya ang mukha ng asawa sa malapitan. Ang mga mata nito na umaapoy sa galit na para bang sinapian ito ng masamang espiritu.

Napasinghap si Lea nang marahas na hinablot ni Mark ang kaniyang buhok, at nilapit nito ang kaniyang katawan sa katawang nito. Damang-dama ni Lea ang matinding kirot na pag-kakahawak nito sa kaniyang buhok, at tiniis niya na lang iyon.

"M-Mark, nasasaktan ako. Please, bitawan mo ako." Impit na napadaing si Lea. Hinawakan niya ang kamay ng asawa na nakahawak sa kaniyang buhok upang subokan na ialis iyon doon. "B-Bitawan mo na ako, Mark. Hindi ko naman sinasadya eh. Patawarin mo na a-ako." Pagsusumamo niya habang patuloy sa paglagaslas ang preskong mga luha sa kaniyang pisngi.

"Talagang masasaktan ka, Lea!" Hinigpitan nitong muli ang pagkakahawak sa buhok niya, habang siya ay walang ibang ginagawa magawa kundi ang magpaalipin sa mga ginagawa nito sa kaniya. "Di'ba sinabi ko sa'yo na ayaw ko ng papalpak-palpak ka?! Lahat ng mga kapalpakan mo, ito ang makukuha mo sa akin!" Asik nito at pinaglulumpo-lumpo ang kaniyang ulo. "You know what?! Salot ka talaga sa buhay ko! Wala ka na lang ginawang tama sa pamamahay kundi bigyan ako parati ng sakit ng ulo at problema! Alam mo kung anong maganda?!" Dinuro siya nito.

Parati nitong pinapamukha kung gaano siya kamalas sa buhay nito.

Kung gaano siya ka pabigat sa buhay nito.

"M-Mark please, bitawan mo na ako. A-Aray!" D***g niya dahil sa sakit nang bigyan siya nito nang malakas na sampal at malakas na pagtulak. Sanhi na mapa-salampak siya sa malamig na tiles.

Damang-dama niya ang sakit at kirot, na nanunuot sa kaniyang laman, pero lahat ng iyon ay tiniis niya kahit na parang tinatarak ang kaniyang puso sa sakit dahil sa ginawa ng kaniyang asawa sa kaniya. Galit na nakatayo ang kaniyang asawa sa harapan niya.

Walang pagbabago.

Nasasaktan siya lalo kapag nakikita niya itong masaya sa tuwing nakikita nitong umiiyak siya at nasasaktan.

"M-Mark."

Bawat hakbang na ginagawa ng asawa palapit sa kaniya ay nagbibigay horror sa kaniya. Hindi siya mapakali dala ng takot at panic na kaniyang nadarama.

Takot na mas malala pa ang gagawin nito sa kaniya.

"P-Please Mark, h-huwag." Pagmamakaawa niya nang lumuhod ang asawa sa kaniya at pumantay sa kaniya ng tingin. Pero hindi ito nakinig o nagpapakita man lang atuloy ng awa nang siya'y mariin nitong hinawakan sa panga. Ang kuku nito ay tumatarak sa kaniyang balat at malamang sa malamang ay magiiwan iyon ng marka.

"M-Mark, tama na please." Napapahikbi siya.

"Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon Lea?" Walang gentleness sa boses nito. Palagi nalang itong galit sa kaniya.

"I will make your life, miserable like a fucking hell, sweetheart." At saka marahas nitong binitawan ang kaniyang panga. Napapabuwal siya ng iyak nang marinig ang mala-demonyo nitong tawa. Tumayo ito at iniwan siyang umiiyak.

Bakit Mark?

Bakit?

Ano bang nagawa kong kasalanan para ganituhin mo ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status