Share

Chapter Thirteen

Angelica

Napatingin ako kay Monica nang marinig ko ang sigaw niya. Nakaupo na siya sa lupa at may bakas ng apoy sa paligid. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang abo ng ilang goblin na sumabay sa ihip ng hangin. Binaril ko ang malapit sa akin na goblin at nagtangka na lapitan si Monica pero bigla akong napatigil nang may mapansin na kakaiba. Katulad iyon ng naramdaman ko ng araw na biglang lumabas ang demon side niya.

“Bes?”

Tahimik lang siya at hindi umiimik. Natili lang sya na naka-upo at takip-takip ang kanyang tainga habang nakatulala. Hinawakan ko ang balikat niya ngunit mukhang maling desisyon iyon dahil muli siyang sumigaw. At sa pagkakataong ito, mas malakas ang pwersa na kumawala sa kaniya.

Mahahaba ang kuko niya at wala ring makikitang emosyon sa mga mata niya. May namuong itim na mist sa kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita na isang sphere iyon. Sa mismong blade ay may demonic symbols at itim na mist na nakapaligid at sa mismong handle naman ay may aura na paniguradong mas magpapalakas sa bawat atake ng sphere. Itinaas niya ang sphere at itinapat sa akin. Sa dulo nito ay nagkaroon ng isang malaking dark pentagram.

“Shit.”

Mabilis akong umilag bago pa man ako matamaan ng kung ano mang atake ang ginawa ni Monica. Kumawala ang isang malakas na pwersa at natupok ang puno nasa likod ko. Maging ang mga goblin na nasa paligid ay natupok ng atake at naging abo. Nag iwan din iyon ng malaking bakas ng apoy sa kinatatayuan ko kanina. Paglingon ko sa harap ko ay saktong nasa harap ko na si Monica at handa na umatake. Mabilis kong inilabas ang espada ko para sanggiin ang atake ni Monica. Wala pa ring emosyon sa mga mata niya at ang aura na inilalabas niya ay masyadong malakas.

“Bes, I know that you can hear me. Don’t do this!” Pagsusumamo ko at umaasa na babalik sa dati ang best friend ko. Wala ako nakuhang sagot sa kaniya at tila wala siyang narinig sa mga sinabi ko. Umatras siya  at gayun din ang ginawa ko.

“Monica, please! Wake up!” May tumulo na mga luha mula sa mata o habang nakatingin sa best friend ko. Muli niya akong sinugod at wala akong ibang magawa kung hindi ang iwasan siya. Bawat atake niya ay nag-iiwan ng malaking pinsala kaya naman ang mga malalapit na goblin ay nasasama na rin.  

Mariin akong napapikit nang dumapo ang blade ng sphere niya sa kanang braso ko. Nagdulot iyon ng matinding sakit at matinding pagdurugo. Nangitim din ang paligid ng sugat at gumagapang na iyon sa buong braso ko. Bigla akong naubo at nanlaki ang mga mata ko nang makita na may dugong kasama iyon.

Shit. Don’t tell me that her sphere has poison. The black mist must have a poison. Hinawakan ko ang sugat ko at ginamit ang lahat ng makakaya ko para patigilin ang pagdurugo at pansamantalang patigilin ang pagkalat ng lason.

Muling umatake si Monica at tuloy-tuloy pa rin akong umiwas ngunit mas mabilis ang naging kilos niya na siyang naging malaking kalugihan sa akin dahl nanghihina na ako. Ni hindi pa nga ako masyadong naka-rerecover sa nangyaring pakikipaglalaban noong nakaraang araw, pinupwersa ko na naman ang sarili ko ngayon sa pakikipaglaban sa sarili kong best friend.

“I am so sorry for this.” Mabilis kong ipinatama ang handle ng espada ko sa batok niya upang mawalan siya ng malay. Umaasa na sa oras na mawalan siya ng malay ay babalik na siya sa human form niya. At hindi naman ako nagkamali dahil nawala na ang sphere niya at bumalik na rin sa dati ang haba ng kuko niya.

Pansamantala akong gumawa ng barrier sa paligid naming upang hindi kami maatake ng natitirang goblins. Bakit ba kasi hindi sila nauubos?

“Bes? Bes, gumising ka please.” Marahan kong tinatapik ang pingi niya at ilang sandali lang minulat na niya ang mga mata niya.

******

Monica

“Bes?” sambit ko nang makita si geca pagmulat ng mga mata ko. Nakita ko na umiiyak siya at napansin ko rin ang sugat sa braso niya. “Ano ang nangyari?”

“Hindi na importante iyon. Nag mahalaga, bumalik ka na.”

Sandali, ano ba talaga ang nangyari? Nag natatandaan ko lang ay may kumuha na goblin ng kwintas ko at pagkatapos noon ay wala na akong maalala. Tinignan ko ang paligid at may mga bakas ng apoy. May mga goblins pa rin pero mas kaunti na sila. Nasusunog sila sa oras na tumama sila sa barrier na nakapaligid sa amin.

“Ang sakit ng batok o. Ano ang nangyari?” napahawa ao sa bato o at tumingin kay Geca. Alanganin lang siya na tumingin sa ain at nag peace sign.

“I have to do that. Sorry.”

“Okay, I trust you”

“Let me heal it first.” Itinapat niya ang palad niya sa batok ko at ilang sandali lang ay nawala na ang sakit na raramdaman ko. Kasabay noon ay ang pagkasira ng barrier na gawa ni Geca. Lumitaw ang demon na nakaharap naming kanina.

“This is trouble.” Napatingin ako kay Geca dahil sa sinabi niya. What does she mean?

“Ah, the power that this half-breed has is not a joke indeed. No wonder the seven Prince of Hell wants you.”

Nagulat ako nang may humabot sa akin at hinawakan ang leeg ko bago ako inangat sa ere.

“Should I bring you to them or should I just kill you?”

“Let her go!” Lumitaw muli ang baril sa kamay ni Geca at itinapat iyon sa demon.

Tulad ng ginawa niya kanina, sunod-sunod niya itong binaril. Pero may humarang na pwersa sa mga bala at nalaglag lamang iyon. Iwinaksi ng lalaki ang kanyang kamay at tumalsik si Geca. Nakita ko na lang siya na tumama sa pader at nanghihinang bumagsak.

“Bes!”

“What are you gonna do now, half-breed?”

“Kill you, I guess?” hirap kong sabi dahil naka-angat po rin ako sa ere habang sakal niya ako. Madiin kong hinawakan ang kamay niya gamit ang dalawa kong kamay at nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas na puting apoy doon. Mabilis na umakyat ang apoy sa kaniyang balikat kaya naman nabitiwan niya ako.

“Damn this white flames!”

Nang humupa ang apoy sa braso niya, nakita ko na may paso ito at hindi iyon basta-basta dahil makikita na masyadong matindi iyon.  Bago pa siya makalapit sa akin ay may pumulupot nachain sa binti niya at nakita ko na may kakaibang mga simbolo iyon. Umusok muli ang balat niya at galit na tumingin kay Geca na nasa likod niya.

“Sleep well, bastard.” Pagkasabi noon ni Geca ay binaril niya muli ang lalaki sa sintido.

“Hear my plea,

bring this creature back

to the place where he belong”

Muling nagbukas ang isang tila portal sa kung saan nakatayo ang lalaki at may mga kamay na humila sa kaniya pababa. Nang magsara na ang lagusan, napa-upo si Geca sa tapat ko. Kasabay noon ang matinding pagbuhos ng ulan.

Nanatili lang kaming naka-upo marahil dala na rin ng pagod. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

“What the heck?”

Napatingin kami nni Geca sa nagsalita at tila nabuhayan kami nang makita namin na si Kuya Azrael iyon.

“Ano nangyari?”

“Demons.” Maikling pakli ni Geca.

Napatingin sa akin si Kuya Azrael bago tumingin ulit kay Geca. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa ming dalawa.

“Kuya, nakakahilo.” Saway ko.

“Wait, alam mo na?”

“Na hindi kayo tao? Yes ngayon, pasok muna tayo dahil for hindi mo kami gusto magkasakit, hind iba?”

Napa-iling na lang sya bago kami inalalayan papasok. Ako naman ay hawak-hawak pa rin ang bag ko kung saan nakalagay ang libro. Nang makapasok at mapag-palit ng damit, nag-aantay na si Kuya Azrael sa amin sa sala. Sa table ay may mainit na Hibiscus Tea. Umupo na kami at namuo ang katahimikan sa paligid. Maayos na ang lahat at tila walang nangyaring paglalaban sa paligid.

“I just came from a mission and this happened?” biglang sabi ni Kuya Azrael kaya nagkatingin kami ni Geca.

“Wala bang magsasalita kung ano ang nangyari?” dagdag pa ni Kuya

“Well,”alanganing tumingin sa akin si Geca. “mahaba ang kuwento kuya eh.”

“Might as well simulan niyo na. Para matapos na agad.”

“Eh ano po kasi- pagdating po namin ng bahay, paniguradong nandoon na ang demon na iyon. Magulo na ang bahay at paalis na sana kami nang may demon na nagdala sa amin sa isang cabin sa kakahuyan. Hinanahanap po niya sa akin ang libro na nakita ko sa bahay noong nakaraan. Tumakas naman po kami kaya lang nasundan pa rin kami rito.”

“May mga goblins na lumabas at ayun na nga po, nahablot ang kuwintas ni Monica.” Nakita ko na napahawak si Geca sa braso niya at umiwas ng tingin sa akin.

Ako ba ang may gawa noon? Nakita ko na iyon kanina at muntik nang mawala sa isip ko kung hindi iyon napag-usapan ngayon.

Tumayo si Kuya Azrael at lumapit kay Geca para alisin ang kamay niya na nakahawak sa braso niya. Inangat din niya ang sleeves ng jacket ni Geca. Tumambad ang isang sugat at nangingitim ang paligid nito. Mapapansin din na parang kumakalat na iyon. Napatingin ako kay Geca at nakita ko na may luhang pumatak sa mata niya.

“I’m sorry.” halos bulong na sabi o at napayuko na lang  ako dahil sa hiya. Hindi man niya sabihin ay alam kong ako ang may gawa noon.

“No, it’s not your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo. Something must have happen kaya nawala ka sa kontrol. Hindi naman ka naman basta-basta mawawala sa kontrol kahit na mawala ang kuwintas. It must be one of the seven prince of hell.” sabi ni Kuya Azrael sa akin bago guluhin ang buhok ko.

“As for now, I guess I need to bring Raphael here. He will treat your wounds so that you can recover quickly. And please, don’t ever try to do reckless things in the next few days or weeks, is that clear?” dagdag pa niya.

“Opo.”

“Nga pala, Monica. Since your parents is still recovering, you will stay here. Let’s just say that I will be your guardian for a while. Aside from that, I need to monitor the two of you.”

Umalis na si Kuya at paakyat na sana ng hagdan ng tumigil siya.

“And before I forgot, I guess you should read the book. Tutal naman ay nasa iyo na, basahin mo na. It will be a great help when it comes to managing your powers and abilities- as well as spells and pentagrams. You can ask me or Geca if you have some questions.”

Nang mawala si Kuya ay inakap ko si Geca at napa-iyak na lang. I can’t help but to blame myself. Maybe if I was powerful enough, this would not have happen.

“Wag mo akong iyakan, bes. Buhay na buhay pa ako. Mabuti pa, tara na sa kwarto ko. Paniguradong marami pa akong kailangan ipaliwanag at ikuwento sa iyo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status