Share

Chapter 14

"NANDIYAN NA SILA," ngiting turan ni Aling Pacing nang matanaw ang magtiyahin na naglalakad papalapit sa sala.

"Ang aking apo!" ngiting bulalas ni Aling Mercedes ang lola ni Maya sa Ama.

Binitiwan ni Marilyn ang kamay ng pamangkin. Patakbong lumapit naman ang bata sa kanyang lola.

"Lola!" masayang sambit ng bata at yumakap ng mahigpit sa abuwela.

"I have something for you!" kinuha ng ginang ang isang kahon na nakalapag sa sofa, iniabot ito sa apo na nandidilat ang mga mata sa tuwa.

"Wow, it's a doll!" tuwang bulalas ni Maya at sinimulan na buksan ang kahon. "Thank you lola, i love you!" Malambing na sabi pa ng bata sabay mabilis na humalik sa pisngi ng kanyang lola.

Natutuwang pinagmasdan ni Marilyn ang maglola, naupo siya sa isang sofa.

"Kumusta naman ang aking apo?" tanong naman ng lolo nito sa Ama,kinarga nito ang bata at pinaupo sa kandungan nito.

"I'm fine lolo," ngiting sagot ng bata na nasa bagong manika nakatingin ang mga mata.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status