Share

Kabanata 14

Koronasyon

Mula nang dumating kami sa Emperyo ng malamig na Hari—ang kinikilalang si Haring Adem—lahat ng mga tao ay halos bigyan nila kami ng lubos na pagpupugay. Paulit-ulit ang mga katagang 'mabuhay' at sa pagtawag ng aming pagkakakilanlan.

Inaasahan kong kakaiba ang Emperyong ito ngunit mas hinigitan pa nito ang iniisip ko. Mas maayos, malaki, at matibay ang palasyo ng Koroteya. Walang eksaktong salita ang makakapagpaliwanag sa mga nakikita ko. At habang papasok kami sa palasyo, marami pang mga tagasunod ang yumuko at bumati sa amin.

Alam kong sa mga oras na ito ay wala pa akong nalalaman tungkol sa palasyo. Mapalabas man o mapaloob. Si Dera ay nasa likuran ko, nananatiling nakayuko. Si Harrion naman ay nasa likuran din ng Hari.

Kapagkuwan ay may sumalubong sa amin. Isang babae at lalaki. May mga sandata rin sila na nakalagay sa kanilang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status