Share

Kabanata 39

Ang Bundok Nilayen

Walang makikitang araw sa buong kapaligiran. Tanging ang nagkukumpulang mga kulay abong ulap, at paunti-unting paghulog ng mga niyebe sa mga punong luntian lamang ang unang nasilayan mula pa kaninang umakyat ang araw hanggang sa kami'y nasa loob ngayon ng karwahe.

Samut-sari ang pakiramdam. Naroon ang pag-aalinlangan, pag-aabang at ang kagustuhang matuto. Napasulyap ako kay Senyora Valleri. Nakatuon ang kanyang mga mata sa labas, malalim ang iniisip. Hindi ko makuhang magtanong sa kanya.

Basta na lamang niya akong binilinan na mayroon kaming pupuntahan, sinabihan pa niya ako na kailangan kong maghanda ng mga gamit. Mga kalahating minuto pa ang nagdaan, tumigil ang aming sinasakyang karwahe sa isang paarkong daanan. Bumaba kami at tiningnan kung saan kami tumigil.

Mula rito ay makikita ang kahoy na tulay. Hindi iyon kalayuan kung titingnan ngunit hindi rin natitiyak sapagkat sa katapusan niyon ay ang kumakalat na hamog. Sa ilalim ng tulay ay sapa, luntian ang kulay n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status