Share

Kabanata 100

Halos tumalon din ang puso ni Ariel. Nakatulong na rin si Leon na makuha ng kumpanya ang isang oportunidad para makipag partner sa Wick Group, kaya sayang kung ang presyo ay naging isang problema.

“Elder Wick, sir, kung hindi po kayo kuntento sa presyo, pwede po namin ito bawasan ng ilang percentage points. Pero, pwede lang po namin ito babaan ng five percentage points. Ito lang po ang kaya naming ialok…” Ang sinabi ni Ariel ng puno ng sinseridad at inilabas niya ang huling alas niya.

“Hindi, nagkakamali kayo. Hindi ko sinabi na masyadong mataas ang presyo. Sa tingin ko ay masyadong mababa ito.” Ngumiti si Bernard at umiling siya.

“Mababa po… ito?” Nabigla si Ariel at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

Matagal na siyang nasa trabaho, at sa lahat ng negotiation na pinuntahan niya, ang mga kliente ay laging nagrereklamo tungkol sa masyadong mataas na presyo at lagi nilang sinusubukan na ibaba ang presyo.

Ito ang unang beses na nakilala niya ang isang tao na nagsabi na mabab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status