Ang isang tao na tulad ni Leon ay matatawag pa rin ba na isang tao?Minsang kinalaban ni Leopard ang 17 o 18 na tao ng mag isa, kaya nakilala siya sa laban na ‘yun at naging isa siyang makapangyarihang tao sa lugar! Gayunpaman, tinalo ni Leon ang 30 o 40 na tao ng mag isa lang, at si Leopard ay isa sa mga kalaban niya!Masasabing nakakatakot ang lakas ni Leon!Sa sandaling ito, natulala ang lahat sa katapangan at lakas ni leon!“Jess, nangyayari… ba talaga ito? H-h-h-h-hindi ako n-n-n-n-nananaginip, hindi ba…” Natakot at nanginig ang buong katawan ng boyfriend ni Jess sa nakita nito. Napagtanto niya na isa siyang tanga noong naalala niya ang plano niya na turuan ng leksyon si Leon! Mabuti na lang at mas mabagal siya sa mga tauhan ni Leopard, kung hindi ay siya ang unang hihiga ng walang malay sa lupa!“Babe, ma—masyado siyang bayolente! Dapat tayong lumayo para hindi niya tayo makita…” Namutla ang mukha ni Jess sa takot, at mabilis niyang hinila ang boyfriend niya sa isang tabi at
Akala ni Leon ay may dalang reinforcements ang kalaban. Humigpit ang puso niya at naging alerto siya, ngunit napagtanto niya na mukhang pamilyar sila.Tumingin siya ng mabuti at agad niyang nakilala ang mga ito, sila ay walang iba kundi ang anim na bodyguard ni Iris.“Miss! Pasensya na po at late kami, Miss. Pasensya po sa pagkakamali namin…”Lumuhod ang anim na bodyguard sa harap ni Iris at halata na nagsisisi sila.Ang lugar na ito ay isang publikong lugar na may maraming tao, at malabo na gagawa ng masama ang mga gangster dito. Bukod pa dito, hindi sila hinayaan ni Iris na lumapit masyado, kaya hindi sila nag ingat, at nagbantay lang sila sa paligid.Naalerto lang sila noong nakipaglaban na si Leon kay Leopard at sa gang. Mabuti na lang at na-protektahan ni Leon si Iris kahit na wala sila. Kung naging masama ang sitwasyon, sila ang masisisi dito!“Tumayo kayo! Hindi niyo ito kasalanan. Ako ang hindi pumayag na maging malapit kayo,” Ang sabi ni Iris at hindi siya nagalit sa mga
Nataranta si Leopard, at nanginig siya sa takot.Ang aura ng mga bodyguard na ito ay napakalakas, at may nararamdaman siyang true energy at nagpapahiwatig ito na lahat sila ay mga martial artist!Ang refinement fundamental nila ay maganda din, at si Shane ang pinakamalakas sa kanilang lahat! Si Leopard ay madaling matatalo sa harap ng mga mahusay na manlalaban na ito. Desperado ang puso niya, at wala siyang tapang para lumaban!“Hindi ko alam ang tunay na pagkakakilanlan mo, Miss Young. Hindi ko sinasadya na labanan kayo. Pakiusap, maawa kayo sa amin ngayon lang…” Namutl ang mukha ni Leopard, at mabilis siyang lumuhod sa harap ni Iris para magmakaawa.Isa rin siyang martial artist ng maraming taon at marami siyang naging kaaway. Kung nabali ang mga binti niya, siguradong mamamatay siya sa darating na panahon, at pati ang asawa’t mga anak niya ay magdurusa kasama niya!Ang kahihinatnan nito ay magiging masyado malaki para sa kanya.“Maawa sayo? Bakit ko naman gagawin ‘yun?” Tumin
“Sa kabilang palad, ang apat na lalaki na nakasalubong namin sa bundok ay talagang salot ng lipunan, at hindi sila pwedeng pagbigyan ng basta basta!”Laging may klarong linya si Leon pagdating sa pagtatanim ng sama ng loob. Hiniwa nga siya ni Leopard, ngunit at least ay may mga moral at prinsipyo si Leopard. May magkaibang pananaw lang sila pagdating sa pamamaraan nila, at ang pagkakaiba na ito ay hindi sapat na rason para patayin niya si Leopard.Sa kabilang palad, ang apat na lalaki na binugbog niya sa bundok kanina ay walang prinsipyo at moralidad. Ang mga tao na tulad nito ay magiging salot sa lipunan, at kailangan nilang parusahan ng malubha!“Sige. Susundan ko ang desisyon mo…” Tumango si Iris pagkatapos makumbinsi ni Leon.“Maraming salamat, Mister Wolf. Pangako na tatandaan ko ang kabaitan mo ngayong araw. Kung may kailangan ka pa, ako, si Felix Leopard Moneta, ay tutuparin ang salita ko at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka, kahit na dumaan pa ako sa daga
Mabuti na lang at ang sugat ay natutuyo na at mukhang gumagaling na ito kahit na hindi pa matagal simula nang masugat si Leon.“Sumara na ang sugat sa likod mo, Leon! Mabilis talaga ang pag galing mo!” Nabigla si Iris.Naaalala niya na sinaksak si Leon sa dibdib noong niligtas siya nito sa unang pagkikita nila. Sa oras na ‘yun, ang peklat niya ay gumaling na at nabalatan ito sa isang araw lang, halos walang naiwan na kahit anong bakas.Nang makita ni Iris na mangyari ito ng pangalawang beses, hindi siya makapaniwala!“Baka ito ay dahil medyo mas maganda ang takbo ng katawan ko kumpara sa mga normal na tao, kaya mas mabilis ang pag galing ko…” Agad na napagtanto ni Leon na ito ay dahl siguro sa pagrefine niya ng spiritual energy.“Siguro nga.” Tumango si Iris at hindi niya na ito pinag isipan ng masyado.Pagkatapos, tinaas niya ang makinis na kamay niya at dahan dahan niyang nilagay ang ointment sa likod ni Leon. Ang mga kamay niya ay kumilos ng taas at baba, sa buong lugar, at hi
Fashionable ang suot na dress ni Lily, at kahit na hindi ito high-end luxury-brand na damit, bagay ito sa nakakaakit na ugali niya at sa pagiging simple niya.Ito ang unang beses na nakita ni Leon ang kagandahan ni Lily. Hindi siya kasing seksi at nakakaakit tulad nila Iris at Ariel pagdating sa katawan niya, ngunit ang kagandahan niya ay malapit sa lebel ni Ariel!“Leon… may problema ba?” Namula ang mukha ni Lily nang mapansin niya ang mainit na tingin ni Leon at tumibok ng kabado ang puso niya. Yumuko agad siya para umiwas ng tingin sa mga mata ni Leon.Simula noong tinulungan siya ni Leon, nagsimula siyang magkaroon ng damdamin para sa matangkad at gwapong si Leon. Dahil ito ang unang beses na inimbitahan niya si Leon sa bahay niya bilang isang bisita, sinasadya niyang magbihis at magbigay ng magandang impresyon kay Leon.Ang reaksyon ni Leon ang patunay na hindi nasayang ang pagsisikap niya, at nakaramdaman siya ng kaligayahan sa puso niya.“Uhh, wala. Wala naman…” Bumalik sa
Nanood si Bowden mula sa likod habang naglakad si Lily palayo kasama si Leon, at humigpit ang kamao niya ng may poot sa kanyang ekspresyon.“Matigas talaga ang ulo mo, no? Dahil gusto mong mapunta sa gulo, mukhang dapat kong tuparin ang gusto mo!” May masamang tingin sa mukha ni Bowden habang nilabas niya ang phone niya at tumawag siya sa kanyang phone.Magkatabing naglakad sina Lily at Leon patungo sa bahay ni Lily.“Mahilig maghiganti si Bowden. May nagsabi sa akin na makapangyarihan ang pinsan niya. Ngayon at may sama ng loob siya sayo, kailangan mong mag ingat kapag nakasalubong mo siya sa susunod,” Ang paalala ni Liy.Ang pamilya niya ay matagal nang kapitbahay ng pamilya ni Bowden, at may alam siya tungkol sa family background ni Bowden dahil dating may magandang relasyon ang pamilya nila. Ngunit, sa mga nakalipas na taon, ang finances ng pamilya ni Bowden ay lumago. Dahil dito, minsan na lang sila bumabalik sa dating bahay nila dahil bumili sila ng dalawang bagong bahay sa b
Kuminang ang mga mata ni Serena ng makita niya ang nangyari, at tila may naintindihan.“Leon, may mga gusto lang ako itanong sayo, Iniisip ko kung okay lang sayo na sagutin sila?” tanong ni Serena.“Ano iyon?”“Sasagutin ko lahat ng tanong mo” ngumiti si Leon at sinabi.“Hindi ka na bata, May girlfriend ka ba ngayon?” sabi ni Serena na may ipinahihiwatig.Ng marinig ni Lily ang sinabi ng kanyang nanay, agad niyang nahulaan ang intensyon ni Serena. Namula ang kanyang mukha at tumingin paibaba para iwasan ang titig ng kanyang nanay, at hindi rin nangahas na tumingin kay Leon.“Wala…” umiling si Leon at hindi nagelaborate.Kahit wala siyang girlfriend, kaka-diborsyo niya pa lang.Ngunit, ang diborsyo ay hindi dapat ipagmalaki, dahil hindi naman itinanong ni Serena, hindi niya ito sinabi.“Hindi ako makapaniwala na ang pambihirang tao na katulad mo ay wala pang girlfriend. Maganda rin ang ugali mo!” Medyo nagulat si Serena, ngunit lalo pa siyang napangiti.Tinignan niya ng mabuti