Tumango si Walter at naging seryoso ang kanyang ekspresyon.“Kung narinig niyo na pangalan ng tatay ko, umalis na kayo agad!” suminghal si Duncan habang nakataas ang kanyang ulo.“Walter, ano na…” nagsimula ng magpanik si Bowden, at hindi na alam ang kanyang gagawin.Pinlano niya ang lahat ng maayos, ngunit hindi niya inasahan na ang isang katulad ni Duncan ay magpapakita. Mukhang may kakayahan ang tatay ni Walter, kaya hindi niya magagawang saktan ang lalaki.Ngunit, hindi siya papayag umalis ng walang nakukuha!“Mas magaling pa rin talaga si Mister Leonard. Mas mabuti pa siya kaysa sa taong walang kwenta!” ng makita niya ang pangyayari, Nagalak si Rizzy. Binigyan niya ng thumbs up si Duncan bago tumingin kay Leon ng may pangmamaliit.“Tama, lahat ng ito ay salamat kay Mister Leonard…” Tumingin si Serena at Lily kay Duncan ng may pagpapasalamat.Ang mga tao ni Walter ay mga taong tila hindi nila kaya, inilagay nila ang kanilang pagasa kay Duncan.Dahil sa pagpuri ng lahat sa k
“Ngunit, kapag may lakas ka ng loob na gumawa ulit ng kung ano, Sinisigurado ko sayo na pipilayan kita!” malamig na tinignan ni Walter si Duncan. Mayroon ding kislap ang kanyang mata na handang pumatay!Ang kanyang ekspresyon ay parang makamandag na ahas na handang umatake. Hindi maiwasan ni Duncan na manginig na parang bata.Alam niya na katapat niya ang isang taong galing sa underworld. Kaya nilang gawin lahat, kaya hindi lang siya tinatakot nito.“Magaling, sobrang galing. Tatandaan ko ang sampal na iyon. Tingnan natin!” natakot si Duncan. Matapos ang mga masasakit na salita, nagmadali siyang tumayo sa gilid, at hindi nangahas na harapin ang kabilang grupo.Masyadong mabilis ang pangyayari. Pakiramdam ni Serena, Lily at ng iba ay parang nabuhusan sila ng maraming na tubig. Mabilis silang nalubog sa depresyon. Ang maliit nilang pagasa kanina ay natupok.“Mister Leonard, wag kang umalis. Hindi mo dapat iwan ang aking tiyahin at mga pinsan ng ganoon na lang…” ninenerbyos na hinawa
“Leon, wala kang kwenta! Nandito ang mga taong ito para sayo, pero nagtatago ka lang sa likod na parang duwag. Lalaki ka ba?!” Galit na galit na minaliit ni Rizzy si Leon. Pakiramdam niya ay dinamay lang ni Leon ang pamilya ng kanyang tiyahin, kaya sobra ang pagkagalit niya.“Hindi ako nagiging duwag! Gusto kong kumilos kanina, pero may nauna na sa akin. Anong magagawa ko?” napilitang ngumiti ni Leon at nagsimulang harapin ang grupo.Akala niya ay maaayos ni Duncan ang problema ng walang dugo na dumadanak, at hindi niya planong agawin ang pagpapakitang-gilas ni Duncan.Ngunit, hindi niya inasahan na palabas lang pala si Duncan. Maganda siyang tignan, pero wala pala siyang silbi!Matapos dumating sa punto na ito, tinawag pa siya ni Rizzy na duwag.Pakiramdam niya ay sinisiraan siya ni Rizzy!Matapos iyon, itinabi niya ang kanyang pagkainis. Tinignan niya si Bowden at sinabing “Bowden, ako ang dahilan kung bakit ka natanggal sa trabaho. Wag mo ng guluhin pa si Lily at ang kanyang p
Nagaalala pa rin si Lily.Kung tutuusin, karamihan sa security guard sa kumpanya ay regular lamang na tao. Kumpara sa mababangis na itsura ng tauhan ni Walter, hindi sila magkapareho ng lebel.Ng hinarap ni Leon ang ilang bodyguard, nasa delikadong sitwasyon na siya. At nagkaroon pa siya ng mga sugat. Parang hindi makatotohanan na matatalo niya ang mga tauhan ni Walter!“Walang ng pero!”“Wag kang magalala, ang mahihinang minnows na ito ay walang magagawa sa akin!” nagmamalaking ngumiti si Leon.“Bata sino tinatawag mong minnow?”“Gusto mo bang mamatay?!” galit na galit ang mga tauhan ni Walter habang nakatitig kay Leon.“Ano ngayon kung tinawag ko kayong minnows?! Kayong mga basura ay hindi man lang minnows sa mga mata ko!” tinignan ni Leon ang mga lalaki ng may pagmamaliit!“Gusto mo talagang mamatay!” galit na galit si Walter habang itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin si Leon sa mukha.Smack!Isang malinaw na sampal ang narinig. Napigilan ni Leon ang sampal bago s
Hindi nila inaasahan na matatalo ni Leon ang walo o siyam na mga lalaki ng mag isa. Wala pa siyang kahit isang galos!Hindi ito kapanipaniwala!Mas lalong nabigla si Bowden. Kinuskos niya ang mga mata niya at hindi siya makapaniwala!Alam niya na si Leon ay isang katrabaho ni Lily. Hindi niya inaasahan na ang isang office worker na tulad ni Leon ay mahusay din sa pakikipaglaban!Nabigla talaga siya!Biglang tumahimik ang buong lugar. Sa sobrang tahimik ay kayang marinig ang pagbagsak ng isang karayom.“A-Ang lakas!” Si Lily ang unang nagsalita. Kumikinang ang kanyang magandang mga mata.Ang gwapo ni Leon sa pagpapasikat nito kanina. Tumingin si Lily kay Leon ng may respeto.“Oo, ang galing ni Leon!” Nasabik sina Serena at Jared na makita ang pambihirang kakayahan ni Leon.“P-Paano nangyari ito?” Tinakpan ni Rissy ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay. Hindi siya makapaniwala,Si Leon ang basura ng Manson Company dati. Hindi siya lalaban kahit na bugbugin o pagalitan siya
Galit na galit si Walter, at may malupit na tingin sa kanyang mukha.“Oh?”“Edi bibigyan kita ng kalahating oras. Tawagan mo na ang sino mang kailangan mo. Tingnan natin kung ano talaga ang kakayahan niyo!” Ngumisi si Leon.Nasa isang lipunan sila na may batas. Kahit na bugbugin siya ng mga tauhan ni Walter, wala silang magagawa sa kanila. Pwede lang silang turuan ng leksyon ng mga ito.Gayunpaman, mukhang ayaw matuto ni Walter ng leksyon. Kung naalala ni Walter ang sama ng loob na ito at naghiganti siya sa susunod, ang sama ng loob ay baka mapunta rin sa pamilya ni Lily.Magiging malaking problema ito!Pambihira ang lakas niya, kaya hindi siya natatakot sa paghihiganti mula kay Walter, ngunit ang pamilya ni Lily ay mga normal na mamamayan lang. Hindi nila kakayanin ang paghihiganti ni Walter.Ang pinakamagandang paraan para harapin ito ay ang tawagin ni Walter ang lahat sa sandaling ito. Pagkatapos, matatalo na ni Leon si Walter hanggang si Walter ay mapuno ng takot at mawalan
“Sa tingin mo ba ay walang makakatalo sayo dahil lang may alam ka sa martial arts?! Kalokohan!” Nilait siya ni Rizzy.Kahit na nakita niya na mahusay makipaglaban si Leon, walang kwenta ito. Kung tumawag si Walter ng mas marami at mas malakas na mga tauhan, hindi kakayanin ni Leon ang dami ng tao.Bukod pa dito, ano naman kung masolusyonan talaga ito ni Leon ang problema.Hindi na kailangan ng lipunan ang martial arts. Ang pera ang tunay na kapangyarihan!Ang kahit sinong walang kapangyarihan o pera na tulad ni Leon ay makukulong lang kapag may aksidente siyang napilay sa mga kalaban niya!Sa huli, naisip niya na walang alam si Leon!“‘Yun ay…”Ang pamilya ni Lily ay tila nabuhusan ng malamig na tubig.Alam nila na tama si Rizzy. Walang kapangyarihan si Leon, hindi magiging madali para harapin nila ang problemang ito.Kapag hindi natapos ni Leon ang problema, mapupunta sa panganib ang sarili niya. Paano siya makakatulong sa pamilya nila?“‘Wag kayong mag alala, may paraan ako
”Dad, dumating na kayo!” Masayang lumapit si Duncan.Habang nakatingin sa pulang galos sa mukha ni Duncan, mukhang sinampal siya. Nagalit si Anthony, “Duncan, sino ang may lakas ng loob para sampalin ka?! Walang hiya sila!”“Siya ‘yun!” Tumuro ng galit si Duncan kay Walter.Pagkatapos ng ilang sandali ng pahinga, ang mga tauhan ni Walter ay hirap na tumayo.Hindi nila inaasahan na haharapin nila ang mga tauhan ni Anthony.“Turuan niyo sila ng leksyon!” Ang sigaw ni Anthony. Sumenyas siya sa mga tauhan niya na sumugod kay Walter at sa iba.“Anthony, ako si Walter!”“Binabalaan ko kayo, ang boss ko ay…” Nabigla si Walter. Bago pa niya masigaw ang pangalan ng boss niya, may isang lalaki na jumampas ng baseball bat sa ulo niya.“Sino si Walter? Hindi ko pa narinig ang pangalan niya dati!”“Bugbugin niyo sila!” Ang sabi ni Walter ng nanunuya.Hindi pa gaano kalaki si Walter sa underworld, at hindi siya gaanong sikat. Narinig niya na ang tungkol kay Anthony noon, ngunit hindi siya