“Ikaw pala ang nagsimula nito, Joseph!”Nagalit si Iris at tumingin siya ng malupit kay Joseph.Hindi inaasahan ni Joseph na mapupunta sa ganito ang sitwasyon, at namutla agad ang mukha niya!Gayunpaman, nanatili siyang kalmado dahil sa karanasan niya sa pagharap sa mga nakakatakot na indibidwal!“Miss Young, dahil biglang binawi ni Miss Cameron ang statement niya kahit na pinatunayan niya na ang istorya ko kanina, halatang lahat ng sinasabi niya ay hindi pwedeng paniwalaan! Lagi niyong hinaharap ang lahat ng sitwasyon ng walang kinikilingan bilang president ng kumpanya natin, kaya paano kayo makakasiguro na ito ay kasalanan ko base lang sa mga sinasabi ni Miss Cameron?” Ang katwiran ni Joseph.“Mahirap ba ito para tanggapin mo?”Ngumiti ng malamig si Iris.“Tama! Isa ako sa mga nakatatanda sa kumpanya, at sa mga nakalipas na taon, nagsikap ako sa kumpanya ng hindi man lang humihingi ng puri! Pero, ang batang ito, ay isang baguhan na secretary! Walang kwenta siya! At bukod pa di
“Masusunod!”Ang mga security guard na binugbog ni Leon sa galit kanina, nagalit agad sila kay Joseph nang malaman nila na si Joseph ang nasa mali.Hinuli nila si Joseph at Donald at hinila nila ito na parang aso na dapat ikulong!Nang makarating sila sa eksena, ang mga emosyon ni Lily ay nagkagulo at nahirapan siyang kumlama.Hindi niya inaasahan na si Leon ay ang tagapagligtas ni Iris, at mas nagulat pa siya na walang pagdadalawang isip na sinisante ni Iris ang isang company executive na tulad ni Joseph para magbigay ng hustisya kay Leon!Kung alam niya lang na si Leon ay may ganitong kakayahan at suporta, hindi na sana siya natakot kay Joseph at tinulungan niya sana si Leon!Sayang at ngayon niya lang ito nalaman!“Patawad, Mister Wolf. Patawad at hindi ko binayaran ang kabaitan mo kahit na niligtas mo ako… Alam ko na ngayon na nagkamali ako, at gusto kong humingi ng tawad sayo…”Napuno ng konsensya at pagsisisi si Lily, yumuko siya at humingi ng tawad kay Leon.Suminghot n
“Ayusin mo ang ugali mo!”Nakakaakit na gumulong ang mga mata ni Iris kay Leon at nakita niya ang sugat sa kamay nito. Habang nag aalala, tinanong niya, “Kamusta ng pala ang sugat sa kamay mo? May infirmary dito sa kumpanya. Dadalhin na kita doon.”Nagdalawang isip si Leon ng ilang sandali dahil ang sugat sa kamay niya ay maliit lang at hindi seryoso.Gayunpaman, ang paglilinis ng sugat sa infirmary ay makakatulong para hindi mainfect ang sugat.“Maraming trabaho na naghihintay sayo pagkatapos mo maging absent sa opisina kahapon. Ako na lang ang magdadala sa kanya sa infirmary!”Nag alok ng tulong si Ariel.“Ikaw?”Tumingin ng kakaiba si Iris kay Ariel. Kung tama ang pagkakaalala niya, tila hindi natutuwa si Ariel kay Leon dahil sa nangyari nitong umaga.Bukod pa dito, si Ariel ay isang proud na babae na hindi pinapansin ang ibang lalaki, kaya hindi inaasahan ni Iris na si Ariel ang mag aalok na tumulong na dalhin si Leon sa infirmary.“Naniwala ako sa kasinungalingan ni Josep
Umiyak si Lily. Ang ekspresyon niya ay puno ng pagsisisi at konsensya.Nabigla si Leon, at hindi niya inaasahan na may malungkot na istorya si Lily.Bilang isang ulila noong bata siya, ang karanasan niya ay hindi rin maganda tulad ng kay Lily. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Lily, at pamilyar din siya sa kawalan ng pag asa na naranasan nito tuwing may mga pagsubok…Pareho silang ipinanganak ng may masamang sitwasyon sa buhay!Gumaan ang loob ni Leon sa sandaling ‘yun, naintindihan niya at may simpatya siya sa sitwasyon ni Lily.Oras na ng uwian, kaya ang eksena nila Leon at Lily ay agad na kumuha ng atensyon ng ibang mga katrabaho nila.“Tingnan mo!”“Ang babaeng nakaluhod sa sahig ay si Lily, hindi ba> Ang president’s secretary? Pero, kanino siya lumuluhod?”“Ewan ko. Hindi ko pa siya nakita dati.”“Kakaiba ito. Ano ang ginagawa nila?”…Nagkwentuhan ang mga nasa paligid habang ang iba ay nakatingin ng kakaiba kela Leon at Lily.Nabigla si Leon sa nangyayari. Ayaw n
Sa kanyang biyahe para ihatid si Lily, ang kalsada ay puno ng mga sasakyan at tao dahil oras na ng rush hour at uwian na ng mga tao mula sa trabaho.Nang makarating siya sa intersection na may traffic light, nagpreno si Leon para iwasan ang mga dumadaan. Ang malambot na dibdib ni Lily ay dumiin sa likod ni Leon at may magandang karamdaman na dumaloy sa kanyang katawan.Nabigla si Leon at agad niyang napagtanto na ang dibdib ni Lily ay dumikit sa likod niya. Kahit na may damit na nakapagitan sa mga balat nila, naramdaman niya ang malaki at malambot na dibdib ni Lily.Saglit na namula ang pisngi ni Lily, at sinubukan niyang umatras para lumayo kay Leon.Ngunit, iba ang plano para sa kanya ng pisika. Habang mas umaatras siya, mas lalong dumiin ang dibdib niya sa likod ni Leon tuwing pumepreno si Leon.Hindi ito pinag isipan masyado ni Leon noong una, pero hindi maitatanggi na isa siyang normal na lalaking puno ng sigla.Habang dumadalas ang pagpreno at pagtama ng dibdib sa likod niy
“May kaunting kaalaman si Mister Wolf sa medisina, kaya inalok niya na bisitahin ang nanay natin para makita kung may magagawa siya para makatulong.” Ang paliwanag ni Lily habang namumula ang mukha.“Isa ba siyang doctor?”Nabigla at nalito si Jared. Bilang katrabaho ni Lily, si Leon ay isang secretary, kaya bakit biglang inilarawan siya na parang isa siyang doctor?“Hindi ako isang doctor, pero may medical skills ako na ipinasa sa akin ng mga ninuno ko.”Ngumiti si Leon at nilagay niya ang fruit basket sa cabinet sa tabi ng hospital bed.“Edi isa kang peke!” Kumunot ang noo ni Jared at sinabi niya, “Lily, maraming mga professional doctor sa hospital, pero walang kahit sino sa kanila ang kayang gumamot ng sakit ni mom. Sa tingin mo ba ay may magagawa ang isang pekeng doctor?”“Mag ingat ka sa sinasabi mo, Jared! Wala kang galang! Sinusubukan tumulong ni Mister Wolf!” Pinagalitan ni Lily ang kapatid niya at ngumiti siya kay Leon na tila humihingi ng tawad. “Mister Wolf, walang ala
”Ano sa tingin mo ang kondisyon ng nanay ko, Mister Wolf?” Ang kabadong tanong ni Lily.“Medyo komplikado ito, at hindi madali para sa akin na ipaliwanag ito. Pero, sa kabutihang-palad, maliit na problema lang ito ng pamamaga. Naniniwala ako na babalik ang kalusugan niya kapag binigyan ko siya ng pressure point treatment at pinainom ko siya ng herbal medication sa mga susunod na araw,” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Ang treatment na natanggap ni Serena ay may kaugnayan sa paggaling ng kanyang spinal cord, at halos magaling na ito. Ang mga kasamang komplikasyon na kasama nito ang mas nagpalala sa sitwasyon.Ang mga komplikasyon na ito ay hindi malalang problema kung ito ay magagamot sa oras, ngunit magiging malala ang kahihinatnan nito kapag hinayaan lang ito. Maaari lang siyang maparalisa, ngunit ang pinakamalala ay mapupunta sa panganib ang buhay niya.“Kaya mo siyang gamutin? Magandang balita ito!” Natuwa si Lily.Noong una, balak niya na subukan ang mga bagay ng hindi umaasa sa
Ang ward ay isang ordinaryong ward na may tatlong kama. Maliban kay Serena, may dalawang mga pasyente na nakahiga sa dalawang kama.“Iho, nakalagay sa mga kautusan na, hindi dapat magsinungaling!”“Matagal nang nasa hospital si Missus Summers at walang kahit sino sa mga sanay na doctor ang kayang gumamot sa kanya! Pero ikaw, isa kang batang lalaki, at hindi ka rin isang propesyonal na doctor. Paano mo naman siya magagamot?”“Tama! ‘Wag mong sabihin na isa kang doctor dahil lang may natutunan ka na ilang medical skills. Sino ang mananagot kapag may nangyaring masama sa treatment?”…Umiling ang dalawang pasyente, at hindi sila naniniwala sa medical skills ni Leon.May hinala na si Jared sa mga motibo ni Leon, at nagduda siya lalo pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng dalawang pasyente!“May punto sila, Lily. Hindi natin pwedeng isugal ang buhay ni Mom!”“Pero…”Naniniwala si Lily kay Leon kanina, ngunit ngayon at nakasasalay dito ang buhay ng nanay niya, hindi mahirap para ma