Kung mayroon lang na two hundred pills, ang bawat tao ay mabibigyan ng portion na walo hanggang sampung pills.“Paano kung ganito, Ms. Shear, dahil kilala natin ang isa’t isa, bakit hindi mo ako bigyan ng eksepsyon at magbenta ka ng isang libo sa akin? Ayos lang ba ito?” Ang sabi ni Fane, bago siya tumingin kay Leon, inaasahan na ang pagkakaibigan nila ni Leon ay magbibigay sa kanya ng mas magandang kompromiso.Kinalaban niya sina Anson at Jacob sa bahay ni Xander para tulungan si Leon. Alam ni Cynthia na sina Leon at Fane ay magkaibigan at napatingin siya kay Leon para humingi ng apruba. Tutal, si Leon ang chairman ng Cynthion Group at siya ang may desisyon sa huli.Tumango ng konti si Leon at agad na ngumiti si Cynthia. “Mr. Poole, salamat at interesado kayo sa Cynthion Group. Tatanggapin ko ang alok mo!”“Mabuti!” Tuwang tuwa si Fane at tumingin siya ng nagpapasalamat kay Leon. Naisip niya na nagbigay ng eksepsyon si Cynthia para kay Leon, hindi niya alam na pumayag dito si Leon
“Ayos lang ito sa amin!”Natuwa ang mga madla. Alam ng lahat na ang pamilya Fields at pamilya Shear ay magka kompetensya, kaya hindi pwedeng nagtatrabaho si There para sa mga Shear ng sikreto; Kaya naman, ang mga tauhan ni Theodore ang pinaka mapagkakatiwalaan sa pag testing ng epekto ng Energy Nurturing Pills.“Theodore, bakit ka nandito? Hindi ka welcome dito!” Dumilim ang ekspresyon ni Harvey habang tumingin siya kay Theodore ng may sama ng loob, gusto niya lumaban para sa atake ni Theodore kay Cynthia noon.“Wala akong pakialam kung welcome ako! Ang mahalaga ay kung may lakas na loob ka para ipasubok sa mga tauhan ko ang pills!” Ang tanong ni Theodore.“Bakit naman kami tatanggi? Pero, kailangan din pumili ng iba para hindi ka gumawa ng pakana!” Ang malamig na sinabi ni Harvey.“Sige. Ayos lang ito sa akin.” Nagkibit balikat si Theodore.Alam niya na ang Energy Nurturing Pills ay hindi gagana at hindi mahalaga kung paano subukan ang pills. Kapag naging klaro na na hindi gumag
Sina Theodore at Jacob ay nagulat sa nakita nila at agad silang may naisip na konklusyon.“Harvey Shear, tingnan mo ang ginawa mo! Hindi lang sa hindi gumana ang pill, naging rason din ito para mawalan ng kontrol sa kapangyarihan ang tauhan ko. Dapat kang magbigay sa akin ng sagot ngayon!” Ang sigaw ni Theodore.“Hindi posible yun! Ang Energy Nurturing Pills na ginawa namin ay gumagana at hindi dapat ito magiging rason para mawalan ng kontrol ang kahit sino sa kapangyarihan nila! May problema siguro!”Nabigla at nalito sina Harvey at Cynthia sa sitwasyon. Nagsimulang maghinala si Harvey na nagpapanggap si Gordon upang suportahan ang sinasabi ni Theodore.“Harvey, nasa harap na ng lahat ang katotohanan! Ano pa ba ang masasabi niyo para sa sarili niyo?”“Tama!”“Nakikita natin lahat ito. Ang pills ay gumawa ng problema at rason ito para mawalan ng kontrol ang mga martial artist sa kapangyarihan nila!”“Hindi mga pills yun. Lason ito! Gusto niyo bang patayin kaming lahat?!”…Sum
Gayunpaman, isang miyembro ng pamilya Fields ang nagtest ng pill, at base sa relasyon ng dalawang pamilya, si Gordon ay malamang na hindi sinuhulan ng mga Shear.“Huminahon kayong lahat. Hayaan niyo kaming dalawa na subukan din ang pills.”Ang dalawang lalaki ay huminahon na at ininom ang pills sa kamay nila ng walang pag aatubili.Ang pills ay natunay sa mga bibig nila at naging pure force ng energy ito na nagreplenish sa katawan nila.Ang parehong lalaki ay mga martial artist na may parehong level ng power ni Gordon, kaya agad nilang napansin na ang pills ay gumagana na tulad ng sinabi.Dahil si Gordon ay malapit na mag breakthrough, nagawa niyang umabot sa susunod na power level niya ng swerte, habang ang dalawa ay hindi binasbasan ng ganitong pagkakataon. Gayunpaman, sapat na ito para patunayan na epektibo ang Energy Nurturing Pills.“Kamusta ang pakiramdam mo?” Ang iba ay binigay ang atensyon nila sa dalawang lalaki na uminom ng pills.“Oo, masasabi namin na ang Energy Nurt
“Two hundred pala!” Ang sabi ni Gilbert ng nakasimangot.May higit sa tatlumpung mahusay na martial artist sa isang makapangyarihang pamilya na tulad ng mga Young at ang two hundred pills ay mauubos sa isang iglap lang. Gayunpaman, dahil ito ang patakaran ng Cynthion Group, sumunod lamang si Gilbert.“Gusto ko rin ng two hundred first-grade Energy Nurturing Pills!”“Ako rin.”Habang sinabi ni Gilbert na ang two hundred first-grade Energy Nurturing Pills, ang iba ay sumugod papunta sa entablado.Mayroon lang na three thousand first-grade Energy Nurturing Pills at dahil sina Fane at Gilbert ay kumuha ng one thousand at two hundred ng mga ito, konti na lang ang natira para sa iba.Tama si Fane na ang kahit sinong magdalawang isip ay mawawalan ng pagkakataon na bumili nito.“Sandali lang! Simula ngayon, ang bawat customer ay maari lang bumili ng one hundred first-grade Energy Nurturing Pills at one hundred second-grade Energy Nurturing Pills, at umaabot ito na total na two hundred p
“Mr. Collins, Mr. Lowe, basta’t pumayag kayo na bumili, papayagan ito ng Cynthion Group,” Ang sabi ni Harvey ng nakangiti.“Mabuti.” Gumaan ang loob nila Jacob at Anson.Sa isang iglap, ang first at second-grade Energy Nurturing Pills ay naubos na at dahil limitado lang ang supply nito, ang karamihan sa mga tao ay nakula lang ang second-grade Energy Nurturing Pills at ang ilan sa mga taong nakatayo sa dulo ng linya, nabigo sila na bumili ng kahit ano.Si Jacob ay hindi nagawang bumili ng first-grade Energy Nurturing Pills at nagawa niya lang na makuha ang two hundred-grade Energy Nurturing Pills, kaya maganda pa rin ito kumpara maraming hindi nakakuha ng kahit ano.Malapit nang tumawa si Fane nang makita ang mga madla na nag aagawan sa pills. Habang ang iba ay nag aagawan sa first-grade Energy Nurturing Pills, bumili siya ng one thousand pills. Nagpapasalamat siya sa tagumpay niya dahil kay Leon, na siyang nagbigay ng impormasyon kay Fane tungkol sa launch nito ng mas maaga.“Sir,
Ang lahat ng businessman at mga babaeng ipinanganak na mayaman ay pumunta para sa mga alchemical pills na tulad ng Beauty Pills at Life-Prolonging Pills, at dahil ang testing ng Energy Nurturing Pills ay nakatulong na gumawa ng pundasyon ng tiwala sa mga produkto ng Cynthion Group, ang madla ay agad na nag agawan sa mga natitirang pills.Ang mga natitirang alchemical pills ay hindi kasing mahal ng presyo ng Energy Nurturing Pills at binenta ito ng ilang hundred hanggang sa one thousand para sa bawat pill. Dahil maaga gumawa si Leon para sa mass production, ang ibang pills ay hindi nagkaroon ng parehong problema sa supply na tulad ng sa Energy Nurturing Pills. Gayunpaman, ang launch ng mga natitirang pills ay nagbigay ng kasabikan ng mga madla.Sa likod ng madla, nanatiling nakatayo si Gilbert at tumitig siya sa entablado ng may madilim na ekspresyon.Ang Four Major Families ay dati pang may kompetisyon, at bawat isa sa kanila ay sinusubukan umangat sa tuktok, kasama na dito ang mga
Si Harvey at ang iba ay busy pa rin sa pagbebenta ng alchemical pills sa entablado at wala nang kahit sino sa backstage.“Cynthia, ano ang kailangan mo?” Ang tanong ni Leon.“Ikaw ang chairman ng kumpanyang ito, kaya naisip ko na dapat kong ipaalam sayo kung gaano kalaki ang kinita natin ngayong araw. Gumawa ako ng calculation at kumita tayo ng sale ng higit sa 260 million at higit sa 130 million ng profit. “ Ngumiti si Cynthia at sinabi niya ito.Kahit na ang pamilya Shear ay may mga ari-arian na may halagang billion-billion at ang one hundred million na profit ay wala lang kumpara doon, ito ang unang pagsubok ni Cynthia sa pagpapatakbo ng isang business at tuwang tuwa siya na ang kumpanya nila ni Leon ay gumawa ng malakiing profit sa unang araw nito.“Ano? Higit sa 130 million na profit? G-Ganun kalaki?!” Nabigla si Leon. Tulad ni Cynthia, ito ang unang beses niyang subukan na magsimula ng isang business at ang tagumpay nito ay nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan ng isang buhay na