Ang lahat ng ito ay sapat para patunayan na may problema kay Leon!“Iris, hindi! Tapat ang mga nararamdaman ko para sayo. Pangako na wala akong makasariling intensyon sa kapangyarihan ng pamilya mo, atg hindi ko gustong gamitin ang mga Young.” Ang tapat na sinabi ni Leon.“Ganun? Bakit pala hindi mo hinuli ang mga kidnapper noong niligtas mo ako? Bakit mo sila pinatay para patahimikin sila?” Ang tanong ni Iris, kinagat niya ang mga labi niya. Magulo ang puso niya, at hindi niya alam kung dapat niya pagkatiwalaan si Leon.“Kakasabi ko lang kanina. Hindi ko alam ang martial arts noon. Isang himala na noon at nakaligtas ako. Paano ako magkakaroon ng kakayahan para mahuli sila?” Ang mapait na sinabi ni Leon.“Sige, sabihin na natni na naniniwala na hindi mo alam ang martial arts noon. Paanong biglang umunlad ng mabilis ang mga kakayahan mo? Biglang naging pambihira pa ang mga kakayahan mo. Ibang iba ito kumpara sa pagkakaalam ng lahat. Kaya mo ba itong ipaliwanag?” Ang tanong ni Iris h
Umubo ng dugo si Leon habang lumipad siya palayo. Bumagsak siya sa sahig, at ang mga bote ng Energy Nurturing Pills sa kamay niya ay kumalat.“Dad, kayo—”Kumirot ang puso ni Iris nang makita niya na umuubo ng dugo si Leon sa atake ni Gilbert.Sa sandaling yun, halos nabigo siya na pigilan ang sarili niya na tingnan ang kondisyon ni Leon. Gayunpaman, naalala niya na si Leon ay isang sinungaling na ginamit siya.Sa huli, pinigilan niya ang sakit sa puso niya, hindi niya pinansin si Leon.Nanlalamig ang puso ni Leon. Ayos lang siya pagkatapos tanggapin ang atake ni Gilbert, ngunit mas masakit ang pagiging malamig ni Iris sa kanya.“Leon, dahil niligtas mo ang tatay ko noon, magbibigay ako ng awa sayo! Pero, kapag ginulo mo ulit si Iris sa susunod, wag mo akong sisihin kapag hindi ako nagpakita ng awa sayo!” Ang malamig na babala ni Gilbert.Isang kaswal na atake lang ang ginawa niya kanina. Kung seryoso siya, baka napilay na si Leon, kung hindi siya namatay!“Cough!”“Naaalala n
Professional talaga si Leon. Tila wala siyang ibang intensyon.Gayunpaman, biglang naisip ni Iris ang sinabi ni Ashwin.Noong nakuha ni Leon ang collaboration sa mga Shear, sinabi ni Ashwin na malaki talaga ana ambisyon ni Leon, at baka nakikipag tulungan si Leon sa mga Shear para agawin ang kumpanya!Ang mga salitang yun ay tugma sa pag aalala ng tatay at lolo niya!Hindi lang yun.Noon, tumingin pa si Cynthia ng mapanghamon kay Iris noong nasa bahay sila ni Xander na para bang magkaaway sila.Ang lahat ng ito ay sapat na para patunayan na si Leon ay hindi kasing simple na tulad ng ipinapakita niya!Bigla siyang naapektuhan sa sinabi ni Ashwin, at mas lalo siyang naghinala kay Leon!“Leon, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sa kumpanya, pero hindi ibig sabihin nito ay wala kang makasariling intensyon! Sa huli, kung hindi mo ako kayang bigyan ng makatwirang paliwanag, dapat na tayong maghiwalay!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Sige.” Ngumiti ng naiinis si Leon, namu
Kumirot ang puso ni Leon.Kahit na sobrang lungkot niya ngayon, hindi niya pwedeng ibunyag ang kahinaan niya sa harap nila.Kailangan niya ipakita ang dignidad niya bilang isang lalaki. Diretso ang tayo niya at umalis siya ng hindi tumatalikod.Nang makita na umalis ng desidido si Leon, naging magulo ang puso ni Iris. Nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay para sa kanya.“Dad, wala akong pakialam kung masama o hindi ang intensyon ni Leon. Marami pa rin siyang tulong sa kumpanya. Nagsikap siya ng sobra para sa atin. Wala akong masasabi sa pagpapalayas niyo sa kanya mula sa bahay, pero bakit niyo siya pinapalayas pati sa Elegante?” Ang hindi natutuwa na sinabi ni Iris.Kahit na galit na galit siya sa hinala na pagsisinungaling ni Leon, naisip niya ang mga tulong na ibinigay ni Leon sa kumpanya, at kahit kailan ay hindi niya balak na patalsikin si Leon.“Iris, kailangan mo putulin ang lahat ng koneksyon! Umabot na sa ganitong punto ang lahat. Kailangan mo siyang alisin sa buhay
Nalilito si Mason.“Wala naman.”Pakiramdam ni Leon na hindi niya pwede kausapin ang isang matandang lalaki na tulad ni Mason tungkol sa relasyon niya. Nagbuhos siya ng isa pang baso ng alak at ininom niya ang lahat ng ito.“Mr. Wolf, malakas ang whiskey na ito. Malalasing agad kayo kapag uminom kayo ng ganito,” Ang payo ni Mason.Alam niya na may iniisip na problema si Leon. Ngunit wala siyang magagawa kung ayaw itong banggitin ni Leon.“Kapag nalasing ako, bahala na. Makakatulong ito sa kalungkutan ko! Hindi ba’t maganda yun?” Ngumiti ng mapait si Leon habang nagpatuloy siya sa pag inom.“Uminom kayo ng mas mabagal. Sige na, iinom na rin ako!”Walang magawa si Mason habang tinaas niya ang baso niya para uminom kasama si Leon.Ring ring!Biglang nagsimulang mag ring ang phone ni Leon.Masama ang mood ni Leon. Hindi niya alam kung sino ang tumawag at wala siya sa mood para sumagot.“Mr. Wolf, nagriring ang phone niyo,” Ang sabi ni Mason.“Ayos lang, wag mo na itong pansinin
Kahit na magaling siyang uminom, ang mukha niya ay pulang pula pagkatapos uminom ng walang tigil. Ang mga mata niya ay para bang malabo mula sa pagkalasing.Gayunpaman, mabuti na lang at napagtanto ni Mason na hindi maganda ang sitwasyon, at inutusan niya ang mga tauhan niya ipalit ang beer sa whiskey, at hindi ito malakas. Kung hindi, lasing na lasing na sana si Leon1Creak!Sa sandaling yun, bumukas ang pinto sa kwarto. Nandito na rin si Cynthia.“Ms. Shear, nandito kayo.”Nakahinga na ng maluwag si Mason. Alam niya na tumawag si Cynthia kay Leon kanina, at alam niya na malapit si Leon sa mga Shear. Kaya naman, mabilis niyang binati si Cynthia.Ang mga mata ni Cynthia ay tumingin sa paligid at nakita ang magulong kwarto. Nakita niya na nakahiga sa mesa si Leon. Sinabi niya ng gulat, “Mason, anong nangyari? Anong problema ni Leon?”“Hindi ko alam ang mga detalye, pero alam ko na hindi maganda ang mood ni Mr. Wolf. Niyaya niya akong uminom sa oras na dumating siya dito, at hindi
Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”
Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si