”Elder Wick, kung magsasabi ako ng totoo, ang iyong myocarditis ay hindi tuluyang nagamot limang taon na ang nakalipas, at nagiwan ng nakatagong problema sa iyong kalusugan, itong mga problema na ito ang dahilan kung bakit bigla ka nagkaroon ng sakit sa puso! Hindi ito coronary heart disease!” Paliwanag ni Leon.Naliwanagan si Bernard. “Ganun ba, kaya mo ba akong pagalingin?”“Oo, nang ginamot kita gamit ang pressure point treatment kanina, ang lahat ng nakatagong problema sa kalusugan mo ay natanggal na. Bibigyan kita ng prescription. Gagaling ng tuluyan ang iyong kondisyon kapag ininom mo ito ng isang linggo.”Sumenyas si Bernard sa bodyguard para kumuha ng panulat at papel. Sinulat ni Leon ang prescription at binigay ito sa matanda.“Maraming salamat sa iyong kabutihan, binata. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang kabutihan mo… Ito, kunin mo ang cheke na ito. Isa lamang maliit na regalo bilang pasasalamat. Pwede mo na ring kunin ito bilang bayad sa konsultasyon. Pakiusap
Kahit si Hilmar ay hindi eksepsyon dito. Nawala ang galit niya kay Leon kanina at naging paghanga ito sa pambihirang medical skills at ethics ni Leon.Pagkatapos magdalawang isip ng ilang sandali, lumapit siya kay Leon at yumuko siya. “Mister Wolf, paulit ulit kong kinwestyon ang medical skills mo at gusto kong humingi ng tawad sa kawalang galang ko! Kahit kailan ay hindi ako naniwala sa alternative medicine, at naniwala ako na walang kwenta ito kumpara sa modern medicine. Tinuruan mo ako ng leksyon ngayong araw, at natuto ako ng marami mula sayo, kaya maraming salamat!”“Masyadong mataas ang tingin mo sa akin, Doctor Schwabe. Isa kang kilalang doctor sa larangan ng medisina, at marami pa akong kailangan matutunan para maabot ang lebel mo,” Naging mapagkumbaba si Leon at hindi niya isinapuso ang mga ginawa ni Hilmar kanina.“Ito ang business card ko, Mister Wolf. Tawagan mo ako sa susunod kung kailangan mo ng tulong.”Nilabas ni Bernard ang business card niya at binigay niya ito ka
Pagkatapos umalis sa trabaho, sumakay ng motorsiklo si Leon papunta sa pinakamalaking tiangge sa Springfield City.Ayon sa mga record na nasa alaala na minana niya, may pattern na tinatawag na Energy Convergence Circle na pwedeng gamitin para iconcentrate ang spiritual energy ng isang tao. Nagpapabilis ito ng gathering at refinement ng kanyang spiritual energy, dahil pwedeng magmultipy ang refinement niya sa kaunting pagsisikap lang!Ang bundok sa likod ng villa ay puno ng spiritual energy, kaya plano ni Leon na gamitin ang Energy Convergence Circle sa bundok upang makita kung bibilis ang kanyang energy refinement.Gayunpaman, kailangan niya ng jade para magamit ang Energy Convergence Circle.Ang natural jade ay puno ng spiritual energy, at ang epekto ng Energy Convergence Circle ay lumalakas sa dami ng spiritual energy sa loob ng jade.Pumunta si Leon sa tiangge para bumili ng ilang jade para isetup ang circle.…Sa labas ng Antique Flea Market, nagpark si Leon nang makita niya
”Makinig ka ng mabuti, Wolf. Isa itong babala! Lumayo ka na kay Marilyn! Kapag hinarass mo ulit siya, pangako ko na papatayin kita!” Ang babala ni Brody ng may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.Humigpit ang kamao ni Leon ngunit lumuwag agad ito.Mayaman ang mga Sullivan, at hindi sila ang tipo ng mga tao na dapat galitin. Dahil malayo pa si Leon sa pag abot ng tunay na kapangyarihan niya, ayaw niya muna makipaglaban kay Brody dahil mapapahamak lang siya.“Lumayas ka!” Suminghal ng malamig si Brody at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Leon.Hindi na nagsalita si Leon at tahimik siyang naglakad patungo sa tiangge.“Bakit mo siya hinayaan, babe? Bakit hindi mo siya binugbog? Walang kwenta si Leon at hindi niya na girlfriend si Iris. Iniwan na siya!” Ang sabi ni Marilyn ng hindi natutuwa.Sinampal siya ni Iris ng dalawang beses sa Civil Records Office noong nakaraan, at dahil alam niyang wala siyang kapangyarihan para maghiganti kay Iris, si Leon ang tanging paglalabasan niya
”Ikaw na naman, Wolf? Para kang isang lamok na ayaw lumayo sa amin! Binabalaan kita kanina na ‘wag mo nang harassin si Marilyn. Naghahanap ka ng gulo!” Nagalit si Brody at tumitig siya ng malupit kay Leon.“Walang humaharass sa kanya. Sinabi ko na sa inyo na bibili ako ng gamit. Hindi kayo makatwiran!” Tumingin ng malamig si Leon. Hindi niya inaasahan na makasalubong niya ang mga ito sa tiangge na isang malaking lugar.“Hindi ako naniniwala sa kalokohan mo! Pumunta ka dito sa oras na pumasok kami sa tindahan. HIndi pwedeng nagkataon lang ito! Bakit ka ba sunod ng sunod? Ito ba ay dahil ayaw ni Iris ng isang walang kwentang basura na tulad mo?” Tumingin si Marilyn kay Leon ng may panghahamak sa kanyang mukha.Umaasa sila ni Brody na makita nila ulit si Leon para maturuan nila ito ng leksyon, ngunit dahil sa pagsunod ni Leon sa kanya, halata na may masamang intensyon si Leon sa kanya!“Wala akong oras para makipaglaro sa inyo!”Hindi pinansin ni Leon sina Brody at Marilyn at dumire
”Darling, bakit hindi tayo tumingin sa isa pang tindahan kung wala tayong mahanap dito?” Ang mungkahi ni Marilyn.Umiling si Brody. “Hindi, ito ang pinakamalaki at pinakasikat na tindahan dito. Kung wala masyadong high-quality products dito, malamang ay wala rin sa ibang mga tindahan. Masasayang lang ang oras natin pag pumunta tayo doon.”“Ano pala ang dapat nating gawin?” Lumubog ang puso ni Marilyn. Kakakuha niya lang nga marriage certificate nila ni Brody noong nakaraang dalawang araw, at ito ang unang beses na opisyal siyang dadalhin ni Brody sa bahay nila para makilala ang mga elder nila. Bukod pa dito, isa itong mahalagang okasyon dahil isa itong birthday party.Kailangan nilang dalawa na makahanap ng magandang birthday gift para meron silang magandang first impression. Ang mga substandard na produkto ay hindi sapat!“Bakit hindi tayo tumingin sa raw jade stones doon? Kapag may nahanap tayong maganda, pwede tayong kumausap ng isang master craftsman na uukit ng finished produc
”Seven hundred thousand!” Mas lalong sumama ang ekspresyon ni Leon.Kung tama ang kanyang nararamdaman kanina, halos sigurado siya na may malakas at puro na energy na lumalabas galing sa raw jade stone na ‘yun. Higit sa sapat na ito para iset up ang isang Energy Convergence Circle!Determinado siya na hindi sumuko sa isang magandang piraso ng jade!“Eight hundred thousand!”Patuloy si Brody sa pagtaas ng presyo.“Nine hundred thousand!” Kinagat ni Leon ang ngipin niya.“One million!” Tumingin si Brody kay Leon ng may mapanuko sa ekspresyon.“‘Yan ay…” Naging maputla ang mukha ni Leon. Ang kanyang pera ay 1.4 million lamang. Maliban sa 7,000 dollar medical expenses na binayad niya para kay Serena at ang 300,000 dollar security deposit na binayaran niya, meron na lamang siyang 1.3 million.Saan siya makakakuha ng pera para labanan ang alok ni Brody?“One million?”“Ang malit na piraso ng raw jade stone ay umabot ng one million sa isang bidding war? Nababaliw na ba ang dalawang
Dinala siya ni Brody sa ganitong sitwasyon, at gagastos siya ng higit sa isang milyon ng walang magandang rason!Ang ganitong halaga ng pera ay hindi maliit na halaga para sa kanya, at naramdaman niya na kumirot ang puso niya pagkatapos makatanggap ng malaking gastos.“Pinagtripan ng lalaking ‘yun yung kawawang lalaki!”“Kawawa naman siya. Gumastos siya ng higit sa isang milyon para lang magmukha siyang tanga sa huli!”“Siguradong galit na galit siya kung ang piraso ng raw jade ay walang kwenta sa huli!”Napagtanto ito ng lahat at nagsimula silang tumingin kay Leon ng may awa at panlalait. Naisip nila na si Leon ay isang malaking tanga!Pinigilan ni Leon ang galit sa kanyang puso. Baka nga niloko siya ni Brody, ngunit sa huli ay nagtagumpay siyang nakuha ang piraso ng raw jade stone na ito. Ang tanging bagay na magagawa niya ay ang umasa na ang jade ay magbibigay sa kanya ng gusto niya. Tutal, ang mabigo siya ay ang pinakahuling bagay na ayaw niyang mangyari! Magiging isang tanga