“Tumira ako kasama ang pamilya mo ng tatlong taon, Marilyn. Kahit na wala akong nagawa para tanggapin mo ako, at least ay nagsikap ako para sayo. Pero tinatrato mo ako sa paraan na sa tingin ko ay wala kang konsensya! Ang sampal na ito ang paraan para bumawi ako sayo! Simula ngayon, putol na ang relasyon natin!” May malamig na tingin sa mukha ni Leon, at ang ekspresyon niya ay tila walang pakialam sa halip na galit siya.Sa isip niya, gumawa siya ng klarong linya kay Marilyn, at simula ngayon, silang dalawa ay estranghero na lamang at wala na silang kinalaman sa isa’t isa!“Paano mo…”Nabigla si Marilyn. Tinakpan niya ang pisngi niya at tumingin siya kay Leon na tila hindi siya makapaniwala.May panahon na binugbog at nilait si Leon ng mga Manson, bukod pa sa may buhay siya na mas malala pa kaysa sa isang aso.Ngunit sa huli, naintindihan na ni Marilyn na ang pasensya ni Leon ay hindi senyales ng kahinaan. Ngayon at nagliyab na ang loob ni Leon, kaya niyang labanan sina Marilyn at
Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, nagdesisyon si Iris na hayaan si Leon na makisama sa meeting, dahil ang presensya ni Leon doon ay hindi masyado makakaapekto.Pagkatapos kumain ng hapunan, bumalik si Iris sa kwarto niya para magpahinga.Tulad ng kagabi, tahimik na umakyat si Leon sa tuktok ng bundok habang dala ang jade. Nilabas niya ang mga ito, nilagay niya ito ayon sa set pattern, at nilagay niya ang 18 na piraso ng white jadeite sa lupa. Hindi nagtagal, naset up na ang Energy Convergence Circle.Ang susunod na hakbang ay ang paganahin ang core ng circle, at gagana na rin ang circle pagkatapos.Tila walang mangyayari kung hindi papaganahin ang core, at walang makakatuklas ng misteryo na nakatago dito.Naglakad si Leon papunta sa core at umupo siya sa lupa. Pagkatapos ay nilabas niya ang huling piraso ng clear jadeite tablet at nilagay niya ito sa core ng circle.Umihip ang hangin, at hindi nagtagal ay gumana na ang Energy Convergence Circle, ang spiritual energy sa tuktok
“Hindi…. ka natuto kung paano…. Magmaneho?” Nagulat si Ariel ng marinig niya iyon. Umirap siya at sinabing “Kung ganun bakit hindi mo palitan ng motorsiklong iba ang kulay? Hindi ka ba nahihiyang gumamit ng pink na motorsiklo?”“Hindi ko binili itong motorsiklo, binigay ito ni Iris sa akin…” nagkibitbalikat si Leon.HIndi lang basta basta nagbibigay ng regalo sa lalaki si Iris. Isa itong pagtrato na walang sinumang lalaki ang makakakuha. Kaya mapilit si Leon sa paggamit nito.“Kaya pala!” napaisip si Ariel at napagtanto kung bakit iyon ang gamit ni Leon na motorsiklo.“Ano bang mayroon sa kulay ng motorsiklo ko at lagi mo pinapansin Miss Summers?” Nagtatakang tanong ni Leon, iniisip niya kung pinagsasabihan siya nito dahil wala lang siya magawa.“Dahil pwede ko gawin lahat ng gusto ko! Sino ka para pigilan ako?” Namula ang magandang mukha ni Ariel at pinandilatan ng matindi si Leon bago tumalikod at mayabang na naglakad.Kung ibang tao ang nasa posisyon ni Leon, Hindi niya ito pa
Ipinakita ni Ariel ang kanyang pagkainis.Ang Elegante Group ay nasa mundo ng fashion business, kaya maraming magagandang babae ang nasa loob ng kumpanya, para kilalanin si Ariel bilang pangalawa sa pinakamagandang babae sa kumpanya ay isang patunay sa kanyang kahusayan sa lahat ng aspeto! Kung pagbabasehan lang ang kanyang itsura at kagandahan, iilan lang ang mga taong mas higit pa sa kanya sa kabuuan ng Springfield City!Masyado pang malayo si Michael sa katayuan kung ikukumpara kay Ariel!Higit sa lahat, Ang gusto ni Ariel sa lalaki ay yung dominante at may paninindigan. Si Michael sa kabilang-palad, ay isa lamang lalaking may magandang itsura at kulang sa pagkalalaki para sa kanya.Nakalipad na sa langit ang mga baboy bago pa siya magkagusto kay Michael!“Oo, tama…” nahihiyang napangiti si Michael. Tinignan niya si leon, na nakatayo sa tabi ni Ariel at nagbago ang kanyang ekspresyon ng may naalala siya. “Hindi ba si Mister Wolf ito sa president’s department?”Nagulat si Leo
Nagulat si Ariel at nablangko ang kanyang isip.Hindi sumagi sa kanyang isipan na totoo ang sinasabi ni Michael, Naging girlfriend siya ni Leon ng wala siyang kamalaymalay!“Tigilan niyo na ang kalokohang yan! Walang nangyayari sa aming dalawa at hindi ko siya boyfriend!” galit na pinagsabihan ni Ariel mga tao at ginawa niya ang kanyang lahat para maging kalmado.Sa wakas, sumagi sa kanya na mali ang pagkakaintindi ng mga tao na magkarelasyon sila ni Leon, dahil sa insidente kung saan napilitang alisin si Joseph sa kumpanya. Ngunit, hindi siya ang gumawa noon at siya lang ang sumalo para sa kapakanan ni Iris!Nabigla din si Leon, Hindi niya lubos isipin na ang maliit na bagay kung saan sangkot si Joseph ay nauwi sa maling pagkakaintindi ng mga tao. “Nagkakamali kayong lahat. Hindi ako ang boyfriend ni Miss Summers at hindi ako interesado sa kanya…” Kinaway ni Leon ang kanyang kamay ng paulit-ulit para tangkaing ayusin ang maling pagkakaintindi ng mga tao.“Ano? Sinabi mo bang hi
Hindi maganda ang kalagayan ng loob ni Leon pagkatapos niyang makuha ang napakasakit na tapak galing kay Ariel, kaya normal lang sa kanya na mabuwisit kay Michael at nagkibit-balikat bago umalis.“Wag ka mayabang, bata! Hintayin mo! Hindi pa tayo tapos!” galit na galit si Mchael haabang pinapanood niya ang likod ni Leon habang naglalakad ito palayo.Hindi matanggap ni Michael na isang probinsyano na tulad ni Leon ang nakakuha sa puso ni Ariel, lalo na isang taon niya na itong nililigawan para lang tanggihan!…Isang high-level meeting ang gaganapin sa conference room nitong hapon, puno na ito ng tao ng dumating si Leon kasama si Gracie. Halos lahat ng may matataas na posisyon sa kumpanya ay naroon, pati na ang sales director na si Michael.Hindi inasahan ni Michael na pwedeng sumali sa meeting si Leon, kaya paminsan-minsan ay tinitignan niya ng masama si Leon.Mayamaya, nakarinig sila ng yapak na galing sa high heels at pumasok si Ariel sa conference room kasama si Iris.Tumahim
”Pangalawa ang Westpraise Group, na may hawak ng twenty-two percent ng sales channels at pangatlo ang Uniqpeace Enterprises na mayroong fourteen percent… Ang natitirang twenty percent ay hawal ng ilang small- to medium sized na distributor at agents…” Mahusay na pinaliwanag ni Ariel habang naka-hover ang cursor sa screen at pumipindot ng sa ilang grupo ng data.Bilang manufacturer, kailangan ng Elegante Group ng mga distributor na bahala sa wholesaling, promotions at iba ibang integrasyon ng resources bago makarating ang mga produkto sa merkado.Samakatuwid ang distributor ay mahalagang koneksyon, at mayroong dalawa posibleng sales route para sa Elegante Group.Ang una ay makipag-kooperate sa tatlong pangunahing distributors, ngunit ang tatlong pangunahing distributor ay magkakatunggali, ang Elegante Group ay maari lamang pumili sa isa sa kanila para sa kooperasyon.Ang pangalawang route ay makipag-kooperate sa mga small- at medium-sized na distributor at agents. Marami sila at me
Ngunit, may napansin si Leon na kakaiba.“Iri— I mean, Miss Young… Ang Wick Group ang nangunguna pagdating sa shares ng sales channel bakit hindi natin ikunsidera ang kooperasyon sa kanila” Nagtatakang tanong ni Leon. Parang narinig niya na Wick Group dati, ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig o kailan.Pagkatapos magtanong ni Leon, tumahimik ang buong conference room.Binaling ng lahat ang kanilang atensyon sa kanya at tinignan siya ng kakaiba na parang tumitingin sa isang tanga.“Mukhang wala kang pinagaralan bago pumunta dito, Mister Wolf. Paanong hindi mo alam ang pinaka-basic na kaalaman?” nangaasar na ngiti ang lumabas sa mukha ni Michael.“Basic na kaalaman? Tungkol saan?” naguguluhan si Leon.“Pinapahiya mo ang sarili mo Leon! Ako na magsasabi sayo!” galit na tinitigan ni Ariel si Leon at sinabi, “Ang lahat sales channels ng Wick Group pagdating sa cosmetics ay high-end at luxury good! Maraming kilalang pangalan sa mundo ng cosmetics at luxury goods ay