Chapter 26Nahahapong napaupo si Lhauren sa silya matapos niyang mag-assist sa isang operasyon. She's now a licensed nurse here in Canada. Halos ng kasama niya sa ospital na ito ay mga Pilipino. Gusto niya iyon kasi isang Pilipina na naman siya, at binibigyan niya ng pagkakataon ang mga kapwa niya pinoy na naghahanap ng swerte sa ibang bansa, kaya kung may ibang lahi man doon, kakaunti lang. Halos lahat ay mga Pilipino, simula sa mga duktor hanggang sa mga janitor at elevator staffs.She personally requested her adopted father to build this hospital. Sabi niya, ang ibibigay nitong mana sa kanya ay ipatayo na lang ng ospital. But what is she expecting from her dear Daddy? May ospital na, lahat pa ng mana ay kanya. Ganoon siya kamahal ng matanda kahit hindi siya totoong anak.Narito na rin ang Daddy niya na retirado na. Iyon ang kaisa-isang tao sa mundo na mula noon at magpa-hanggang ngayon ay mahal siya at dinadamayan siya.Sa isang iglap ng pamamahinga ay bumalik ang lahat ng alaa
Chapter 27 "JACE!” Lhauren smiled upon seeing the man as he entered the abandoned place. Nabitin sa ere ang pagluha niya at napuno ang puso niya ng tuwa. Here she is. He came to save her. He came for her. Halata sa mukha nito ang pagod pero wala naman ni isang pasa sa mukha kahit na ang daming lalaking dumukot sa kanila ng kanyang ate Leica. Napangiti siya habang umiiyak dahil nakasunod ito at nandito na para iligtas siya. Parehas sila ng ate niya na umiiyak at nagsusumamo iyon na unahin ang pagligtas dun dahil may bomba sa ilalim ng upuan nila. "Jace, help me first! May bomba sa upuan ko. Help me first, please." iyak ni Leica kaya napatingin doon si Jace. May bomba rin sa ilalim ng upuan niya pero hindi niya masabi na unahin siya nitong iligtas. Mahal niya ang ate niya pero bakit nakikipag-unahan iyon sa kanya? Napaiyak na yumuko siya nang pakatitigan siya ng binata. Alam niyang siya ang uunahin nito pero biglang sumakit ang dibdib niya nang makita niyang mas inuna nitong lapi
Chapter 28 Payapa naglalakad si Lhauren sa ospital. Tahimik ang lugar dahil hatinggabi. Unang beses na mag-duty siya na panggabi. Pang-umaga lang talaga ang gusto niya dahil gusto niyang kasama si Jadon at ang Daddy niya, pero hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya at naisip niyang mag-duty sa gabi. Hawak niya ang chart at naglalakad sa pasilyo. Magra-rounds siya sa isang pasyente na nasa isang private room pero napatigil siya nang makita ang pangalan ng pasyente. Leica Arguelles Hindi nagawang humakbang ni Lhauren. Makailang ulit niyang binasa ang pangalan na iyon ng tao, hoping it would change into something new but it didn’t. Muling sumakit ang puso niya pagkakita niya sa pangalan na iyon ng tao pero inisip niyang baga nagkataon lang na kapangalan ng ate niya ang pasyente, tapos ay kaapelyido naman ni Jace ang lalaki. Fool. That’s so imposible. Si Jace at Leica ay magkasamang umalis noon nang makidnap sila. Talagang malaki ang posibilidad ngayon na mag-asawa na an
Chapter 29KULANG na lang ay kapain ni Lhauren ang kanyang kaluluwa na parang tumalsik, nang hawakan siya ng pasyente sa pulsuhan."Stop that!" puno ng angas at galit na utos nito sa kanya. Napakislot pa siya dahil sa boses nitong maawtoridad at namamalat.Parang lubog iyon."Ah," napangiwi siya sa tindi ng pagkakahawak nito sa kanya na para bang mababali agad ang buto niya sa simpleng hawak lang nito, at nalingon niya ang lalaki sa kabila ng takot niya.She blinked.This man has those captivating eyes, yun lang ay nangangalumata ito kaya parang hindi kaakit-akit na tingnan, pero hindi maitatago na maganda ang brown nitong mga mata, na parang nagpapaalala sa kanya ng mga mata ng ama ng anak niya.Si Jace.Ang pagkakaiba lang ay matatalim ang mga mata ng lalaking ito kung tumitig, samantalang si Jace ay cool. Cool sa kahambugan.She inhaled deeply.Kaagad naman na napakurap ito nang mapansin yata na nasaktan talaga siya, kaya lumuwag ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.The ma
Chapter 30 HINDI malaman ni Lhauren kung paano hihingi ng tawad sa pasyente na nasaktan niya. Umiral lang naman ang kapirasong katangahan niya dahil sa pagkakaalala niya sa taksil niyang ex. Kung makapagsabi naman kasi ang ate niya na malandi siya, yun pala ay iyon ang malandi. At ang mas masakit ay iyong mas nasaktan ang Daddy niya nang malaman ang ginawa sa kanya ni Leica. Charles was so disappointed, and that disappointment made the old man speechless. Umiyak lamang iyon nang magsabi siya ng nangyari. Pero pinanindigan nun ang sinabing hindi na kailanman kikilalanin na anak si Leica. Charles waited for an explanation from Leica but that woman never came back. Iyon na ang ultimatum na palugit ng Daddy niya, tapos ay wala na. “I’m really sorry,” muling hingi ng paumanhin ng dalaga sa agent. Oh God. Paano na naging agent ang ganitong itsura? Well, baka sumabak ito sa pagiging undercover. Kung pintasan ng mga kasamahan niya ay ganun na lang, tao pala ito ng kanyang Daddy. “A-A
Chapter 31WALANG nagawa si Charles kung hindi ang tingnan ang sasakyan ng anak na umalis sa parking ng ospital.Iyon na raw ang susundo kay Jadon sa Mall.His Lhauren grew up so fast. Proud na proud siya sa bunsong anak. Mula noon, hindi siya nagkamali sa kabaitan na nakita niya rito kaya kahit na may mga hirap at pasakit itong pinagdaanan, ang biyaya ng Diyos ay narito pa rin.And she had a blessing that is incomparable, Jadon Ridge. Hindi niya alam pero sa tagal ng panahon na nakilala niya nang palihim si Brandon Jace Arguelles, buo ang paghanga niya roon bilang isang napakagaling na agent, kaya nang masaktan nun si Lhauren dahil kay Leica, gumuho rin ang mundo niya, pero ang mga katanungan sa isip niya ay hindi nawala.Sinarili niya ang lahat dahil ayaw na niyang dagdagan ang pagkalito at hirap ng kalooban ng anak na naiwan sa kanya.He loves Lhauren so much like his own daughter. Ang labis niyang ipinagtataka ay ang mga duda ni Jace kay Leica tapos malalaman niya ay magkasa
Chapter 32Tahimik si Lhauren na nakamasid sa mga ginagawa ni Lantz sa bar counter. Ang daming babae ang nakapalibot dito habang nagpapakitang gilas ito.Siya naman ay nasa isang mesa, at nakatanaw sa kanya ang kanyang Kuya Anton sa may di kalayuan.Nai-enjoy niya ang panonood kay Lantz at sa mga babaeng kilig na kilig dito, pero siya ay di magawang kiligin.She sighed and glanced at her wristwatch. Maya-maya ay uuwi na rin siya dahil alam niyang hinihintay siya ni Jadon.Muli siyang tumingin kay Lantz at nagtitilian na ang mga babae. May nakita na siyang umuusok at iba’t iba ang kulay ng mga ilaw sa counter. Nakatingin sa kanya ang lalaki at nakangiti.Nagpapansin ang mga kababaihan kay Lantz, lagi naman, at hindi naman siya makaramdam ng selos. Hindi niya talaga magawang magkagusto sa lalaking mula at sapol ay itinuring niyang isang best friend.Lantz is a very good sport anyway. Kahit na manatiling kaibigan ang tingin niya rito, hindi ito nagbabago sa kanya.Maya-maya ay ini
Chapter 33KAARTEHAN, iyon ang tamang salita na maglalarawan sa ginawa ni Agent Bola. Ngayon ni Lhauren nakukumpirma na ang lalaki ay babaero dahil naghahanap talaga ng magandang tagapag-alaga.Kung hindi lang masama, ipalilipat na niya ng ospital ang lalaki. Napakaarte naman pala bakit dito pa dinala-dala ng kanyang Daddy?Wala siyang panahon na magpalit ng damit. Nakapaghugas na siya ng kamay at nag-disinfect. Kinuha niya ang tray na may bagong mga karayom.“What did Doctor Gachalian say?” tanong niya sa naka-duty na nurse.“Wala po si Doc, nagra-rounds pa. Mukhang hindi naman mapapasunod ang pasyente kahit ng doktor.”My God. This bola is so hardheaded.Naiiling na nagmartsa siya at nakita ang dalawang gwardiya sa may pinto.Walang katok o paalam na biniksan niya ang pinto dahil naiinis talaga siya. Oras na dapat niya kay Jadon.She found the man lying. Nakabaling sa kabila ang mukha nito at hindi niya alam kung tulog, hanggang sa tumingin ito sa kanya.Hindi ito tulog.