Chapter 44 PAGDATING nila sa Pilipinas ay diretso na silang mag-ina sa bahay bakasyunan na ipinatayo ng kanyang ama. Kahit na ayaw na niya ay hindi niya iyon napigil. Baka na lang daw may isang araw na gustuhin niya ulit na umapak ng Pilipinas, hindi siya mawawalan ng masisilungan. And it was quite true. She misses him. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita at sa cellphone lang nag-uusap pero ngayon babawi na siya. Matagal pa bago may sumagot sa kabilang linya pero nakahabol sa huling segundo. “Yes, baby?” parang humahangos na sagot nito. “Hi. Looking for Mr. Bola.” biro niya rito kaya natawa ito. He’s alive. He normally laughs more often than before. “Speaking, Miss Madison. How may I help you? May I help you take your clothes off?” pilyong tanong ni Jace na nagpatawa sa kanya. “Yan ang iniisip mo eh di ka pa masyadong magaling.” natatawang sabi niya pero matutuwa siya sa response nito. He is becoming the same old Jace she met before, the humorous guy. “Eh kaya ko nama
Chapter 45 Natigilan si Jace nang marinig ang maliit na boses na iyon ng isang batang lalaki. Papa… Iyon ang sabi. Saan iyon galing dahil sa huling pagkakatanda niya ay si Lhauren ang bunso ni Charles Madison, yun ay kung hindi nag-ampon ulit ang matanda ng isang bata. He was so damn afraid to look at the place where that little voice came from. Alangan naman sa tyan ni Lhauren iyon galing ay di pa naman nga niya tinataniman. Nag-uumpisa pa lang dapat siya. Tumikal siya nang kaunti sa labi ng dalaga saka niya pinormal ang sarili. He looked at her teary eyes. Kanina ay hindi naluluha ang mga iyon tapos ngayon ay naluluha na. Bakit? “S-Sabihin mo sa akin na hindi ako namamalik-tainga.” demmit for his stuttering. Mayroon bang salitang malik-tainga? Mayroon at siya ang nagpauso nun. Mata lang ba ang pwedeng magmakali ng tingin? Syempre ay tainga rin pwedeng magkamali ng pandinig. Ngayon lang siya nagkanda-utal-utal sa buong buhay niya dahil kakaibang kaba na gumuhit sa dibdib niy
Chapter 45.1NAKATITIG lang si Lhauren sa mag-ama niya. Nakikita niya ang labis na pagmamahal sa mukha ni Jace habang pinagmamasdan si Jadon.Hindi na halos nito maitikal ang mga mata sa bata, at halatang hindi makapaniwala sa nakikita.Natutuwa naman siya dahil ang bilis na kinilala ni Jadon si Jace. Saglit lang iyon na umiyak. At hindi niya inasahan na magsasalita iyon ng Papa kanina. She forgot that Jadon was inside the fence.“Sinong kasama niyo rito?” tanong nito kaya napakurap siya.Karga pa rin nito ang anak nila.“Yaya Betchay left, same as kuya Anton. Pinabisita ko sila sa family nila rito. We’re safe here naman so no need to worry.”Nabuksan naman nito ang gate dahil sinabi naman niya ang code, kaya nakapasok ito nang walang hirap.Ngumisi ito bigla, “Pwedeng gumawa ng isa pang ganito?” tanong nito kaagad kaya natatawa siya, pero tumango na rin siya.“yes!” agad na sabi ni Jace.Pumasok ito sa loob ng fence at doon kinalong ang anak nila. Duda siyang hihiwalay ito k
Chapter 48“HI, baby,” namamalat na bati ni Jace sa kabilang linya nang tawagan nito si Lhauren. Nasa park silang mag-ina dahil naglalaro si Jadon, kasama ang ilang batang sing-edad din nito.“Hi, we’re here at the park. Jadon loves it here,” aniya rito at natawa naman ito.“Papauwi na dapat ako kaya lang may nakapagsabi sa akin na pumupunta rito si William Zamorra sa dating pasugalan. Nag-o-operate pa rin pala iyon kaya lang nagsara lang dahil umalis daw yung lalaki.”“Okay. Don’t mind us here. We’re okay lang naman. I’ll order our food later, so that when you come home, dinner is ready na. I’m sorry ha. I can’t cook for you pa. Nahihiya ako. Wala kasi si ate Bachoy.”“Sus,” mabilis nitong sabi, “Naiintindihan ko naman. Mahirap mag-alaga ng bata. Tamo nga si Royce di na malaman kung paano ang gagawin sa limang anak. Isa pa, pagkakataon ni Betchay na pasyalan ang mga pamilya niya. We can always order our food. It doesn’t matter. Kahit tuyo at panis na kanin ayos lang."Natawa siy
Chapter 46 Playing the song: Every Woman in the World - Reyne Tulad nang unang beses na pamunta siya sa mansyon ng mga Arguelles ay ganoon din ang kaba na nararamdaman ni Lhauren ngayon, habang sakay sila ng kotse. Hindi na mabitiwan ni ang anak na kahit nagda-drive ay kalong ang bata. Kagabi ay parehas sila nitong yakap at walang tigil sa kalalapirot sa dibdib niya kahit tulog. But she noticed that she woke up from time to time. Para itong binabangungot na ewan, pero nang yumakap sa kanya ay naging payapa na ang tulog. Naaawa siya rito na sobra habang pinagmamasdan niya kagabi. Iniisip niya kung anong kahayupan ang ginawa rito ng kapatid niyang hilaw pero tapos na iyon dahil patay na si Leica. Ibinalik niya ang isip sa kanyang mag-ama. Siya ang naiilang sa pagmamaneho nito habang nasa harapan si Jadon. Bawal iyon kung tutuusin pero ano bang bawal sa isang Brandon Jace? “Give me Jadon. Huhulihin ka ng pulis. You're violating the rules.” tinangka niyang kunin ang bata na tahimi
Chapter 47 AYAW na ipahalata ni Jace ang tensyon na nararamdaman niya sa sinabi ng kanyang ate Sidney pero ngayon ay narito siya at masinsinan na nag-uusap sa labas ng bahay. Nasa labas sila ng gate, nakatayo sa may van ni Royce. Naroon ang dalang mga papeles ni Sidney. “Please don’t tell this to Lhauren, ate,” aniya sa kapatid. “That’s what I’m doing. Baka nerbyosin yung bata kapag nalaman ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na Tita na ako, sa dami ng babae mo noon, si Lhauren lang pala ang mabubuntis,” natatawang sabi nito sa kanya habang kinukuha ang envelope. “Aw. That’s so wrong. Binuntis hindi nabuntis. That makes a huge difference, Ate.” “Oo nga pala. Eto na. Tingnan mo itong mabuti.” Sinunod niya ang sinabi nito nang mabuksan niya ang envelope. Dalawang tao ang nakita niya, parehas na William Zamorra, tapos ay naka-zoom na pirma ng nagpakilalang anak ni Amor, match sa pirma ng isang deed of absolute sale. “Gusto kong isipin na mali ang itinuro mong lugar kasi hindi mo n
Chapter 49.1His phone rang. Kampante pa siya na nagmamaneho, makauwi lang. Nakita niya na si Charles ang tumatawag sa kanya kaya agad niyang sinagot. International call pa iyon.“Daddy,” aniya.“Lhauren is in danger!”Iyon lang ang salita na narinig ni Jace ay para siyang sinilaban sa galit. Wala siyang isinagot liban sa pag-apak niga nang mabilis sa silinyador ng kanyang sasakyan, matapos niyang ikambyo.He was honking.pinalilipad na ni Jace ang kanyang pick up kahit na wala naman itong pakpak. Wala siyang pakialam kung gabi na at maraming sasakyan sa kalsada.Ramdam niya na hindi ligtas ang mag-ina niya at kinumpirma iyon ng kanyang future in-law, at hindi siya mapapanatag hangga’t hindi siya nakakauwi.“Jace!” untag ni Charles sa kanya.“Aabot ako, Daddy! Isinusumpa ko ‘yan!” aniya at wala siyang panahon na magtanong kung anong nangyayari.Maluha-luha siyang naiisip ang mag-ina niya. Isipin pa lang niyang umiiyak ang mga iyon ay alam niyang papatay siya sa galit.Hayop
Chapter 49.2NOOOO!!! Malakas na hiyaw ni Lhauren sa kanyang isip. Hindi siya tumanda para lang manghina at panoorin ang kanyang anak na mahuhulog sa hagdan, dahil sa hayop na lalaking palagay niya ay may tama sa utak.They deserve a happy life better than this. Buong lakas si Lhauren na nagpumiglas. Hindi niya alam kung alin ang uunahin niyang kunin, kung ang baril ba o si Jadon, pero si Jadon ang kaisa-isang dahilan kaya siya nanlalaban. Aanhin naman niya ang kamatayan ng lalaking ito kung mawawala rin ang anak niya sa oras na mahulog sa matarik na hagdan.She has to save her child’s life. Hindi porke at agent ang kanyang mapapangasawa ay parati na lang siyang aasa. She has to stay strong and be brave.Buong pwersa siyang nanlaban, at nang lumuwag ang pagkakahawak ni William sa kanya ay agad niya itong kinagat sa braso.“Aray!” daing nito dahil buong galit niya ay ibinuhos niya.Nakakuha siya ng pagkakataon na pumihit at itinulak ito. Halos tumimbuang ito at hinanap ang balans