Share

Ika-dalawampu't walong kabanata

Ikalawa at huling gabi na ng pananatili namin dito ni Heinrich sa kanilang mundo. Kaninang pagkagising namin at pagkaayos ay sa ibang bayan naman nila kami bumisita, at ng nangyari kahapon ay nakihalubilo rin kami sa kanilang mga mamamayan, at bago sumapit ang dilim ay bumalik na kami sa kastilyo at naghanda para sa pag-alis at pagpunta sa mundo ng mga witch kung saan doon gaganapin ang pagpupulong.

Katulad nang mga nakaraan ay hindi rin naging maayos ang pagpapahinga ko kagabi at nanumbalik din sa aking isip ang mga problemang kinahaharap nang mag-isa na lamang ako sa silid.

Kailan ba matatapos ang mga gulong ito at mga hiwaga? Hindi ko man gustong mapagod at sumuko ay baka bigla na lamang mangyari iyon ng hindi inaasahan.

Sa dalawampu’t anim na taon kong nabubuhay ay iilan lamang ang mga masasayang alaala na mayroon ako. Kasama ko man noon si ama at ang iba pa ay hindi naman iyon gano’n kasaya dahil sa mga hinaharap na suliranin. Ang buong araw ko noon ay n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status