“’Yon na ‘yon? Sure na kayo diyan?” Umiling si Rico. “Guys naman! Akala ko ba ipapanalo natin ‘to? E, kahit nga konting emosyon lang sa pagbigkas ng mga linya niyo ay pinagkakait niyo pa. Bagsak tayong lahat, gusto niyo ‘yon? We’re about to make a film, everyone. Hindi tayo magro-roleplay on the spot sa classroom!”Nameywang pa ito at nilibot ang tingin sa buong cast pero alam kong ako talaga ang pinatatamaan niya. Kinginang project ‘to, kung hindi lang ‘to sixty percent ng grades ko ay hindi ko na ‘to bibigyan ng panahon, e.Napayuko ako at napakagat-labi. Nakaka-guilty na wala akong talent sa pag-arte kahit na hindi ko naman talaga kasalanan na hindi ako marunong. Although, they can’t blame me for this. Pinagpilitan nilang ako ang gumanap sa female lead kahit na ayoko ‘di ba? Then, they have to bear with me because I was forced to agree to this.“From the top! Hindi tayo magsisimulang mag-taping hanggat hindi pa stable ang emotions sa lines niyo.”We’re currently here at Villantura’s
We went to their kitchen with the little boy clinging onto him, tugging the hem of his shirt as they walked together. He’s still sniffling but he’s calmer than earlier. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha nito ngunit sa nakikita ko’y sinusubukan naman ng batang patahanin ang sarili sa pamamagitan ng pagkagat ng kaniyang labi. Cute.Naabutan namin si Mrs. Villantura na naglalabas ng tray mula sa loob ng kanilang malaking oven. May iilang tray rin ng cookies na nakalapag sa counter island kaya amoy na amoy ang bagong bake niyang pastry sa buong kusina.“Oh? Tapos na kayo mag-practice?” bungad nito nang malingunan kami.“Not yet. Kukuha lang kaming pagkain, ‘Ma,” iling ni Aven.Hinubad ng ginang ang suot nitong oven mitts, palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng kaniyang anak at kalaunan ay napatingin ito sa batang nakahawak pa rin sa laylayan ng damit ni Anastacio.“Adi, what did I tell you? Kuya’s busy now, so you can’t play with him today. Why won’t you play with your Kuya
Hinintay ko siyang tumanggi o mangatuwiran man lang pero ilang araw na ang lumipas simula no’ng nag-practice kami sa bahay nila at kagaya ng palagi niyang ginagawa, he acted like nothing happened. Sinubukan ko siyang pakiramdaman ngunit mukhang wala talaga itong balak magpaliwanag. I mean—he doesn’t have to explain, I just want him to at least deny what his mother revealed that day. I don’t wanna believe all of that because there’s something grumbling inside my stomach whenever I think about it. Nakakakiliti, and I don’t like the way it makes me feel.Ang tingin kong tutok sa gurong nagtuturo sa harapan, ay kalaunang nalipat sa katabi ko nang bigla itong magsalita.“You’re doing it again,” he said lowly.Sinong kausap nito? Is he talking to himself? I was about to say something sarcastic to mock him when he suddenly looked my way. I met his gaze and just stared at him, waiting for what he would say next.“You’re making it awkward for the both of us. Stop it.”My brows immediately colli
“From the top.”I frowned, “Are you kidding me? E, kauulit lang—”Umiling siya, “Nope. Again. From the top,” ulit niya.Halos mangangalahating oras na kaming ganito. Konting bulol, uulit. Paminsan-minsan kapag natatagalan akong bigkasin ang mga salita dahil iniisip ko pa kung ano ba dapat ang ilalabas kong emosyon, few moments after that, uulit na naman. Para bang… sinusubukan niya talagang saidin ang pasensiya ko.“You know what?” Marahas kong binagsak sa desk ko ang script ko, “I’m done.”Padabog akong tumayo at akmang magwa-walk out na nang kumalansing na naman ang bakal na nakakabit sa mga palapulsuhan namin. Right, I almost forgot about these stupid handcuffs. I shouldn’t have act calmer earlier. That way, I can at least find a way to escape. Smart-*ss, alam na alam niya talagang tatakasan ko siya.Nanatili lang ang kaniyang tingin sa script niya, walang pakialam kahit anong maktol ko. Kahit nga siguro magpagulong-gulong ako dito ay hindi niya pa rin ako pakakawalan. It seems like
Akala ko talaga buong buhay ko ay talino at ganda lang ang meron ako, but turns out, kaya ko rin palang umarte. Well, naging maayos at mabilis lang naman siguro dahil time-pressured kami? Hmm, that could be the reason. Halos one week and two days lang ang taping namin and Dexter said na baka matagalan ang editing and such kaya as much as we can, minadali talaga namin pags-shoot. The due date will be this upcoming Monday and we still have almost three days for the finishing touches. “And cut!”Agad akong lumayo kay Anastacio nang sumigaw si Rico kasabay ng palakpakan ng lahat. Kung kanina’y pagod at pagkairita ang makikita mo sa mga mukha nila, ngayon naman ay saya. Kahit ako rin naman ay masaya dahil sa wakas ay natapos din. I’m so glad that Rico was satisfied—finally.“That was pretty good, wow! For someone who doesn’t know how to act, your acting skills are superb!” manghang ani ni Rico at inakbayan ako. “Aayaw ka pa, kaya mo naman pa lang gampanan ‘yong role. Congrats, Cindy! Your
After the film awarding, nagkayayaan ng victory party. Hindi naman engrande, ‘yong deserve lang namin. MagK-KTV bar na lang raw para hindi na masyadong marami ang ligpitin pagkatapos naming magsaya. Wala nga sana akong balak sumama kaso si Kheena na ang sumagot para sa akin, aniya pa’y siya na raw ang bahalang magpaalam para sa akin. Hindi na ako umalma dahil alam ko namang hindi rin siya papayag na hindi ako sasama. Baka nga kaladkarin pa niya ako kahit pa naka-pantulog na ako, maisama lang sa party, e.Gripping the chain of my sling bag, padabog akong naglakad patungo sa kotse ni Rico. Mukhang takot na takot na takasan ko sila at talagang sinundo pa ako para masigurong sasama talaga ako. Psh, kailan ba ako nagtagumpay na takasan sila?Saglit pa ako napatigil nang makitang si Alessandro ang makakatabi ko sa backseat. He’s on his usual white shirt na pinatungan ng long sleeves and denim ripped jeans, nakahalukipkip itong nakatanaw sa labas ng bintana at hindi man lang ako binalingan na
Kahit si Conan ay naibaba rin ang tingin sa braso niyang nakapulupot na ngayon sa bewang ko. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ba ‘to but geez! He’s invading my personal space and telling lies about us again! Ako naman ‘tong parang t*ngang walang ginagawa kundi ang tumayo at hinahayaan lang siyang gawin ang gusto niya.“What do you think your doing?” I hissed lowly at him.I nudged him but he didn’t even move a muscle. I was talking to him but he doesn’t seem to hear me, he’s just glaring at Conan. Mapagmalaki ang tindig nito na animo’y handang-handa na makipagbasag-ulo. Why is he even here?!Bumalik ang tingin ni Conan sa mukha ko.“Are you…? You know, a couple?”Agaran naman akong umiling at eksaheradong iwinasiwas ang aking mga braso.“No. It’s not what you—““Oo, kami. May problema ka ba ro’n?” mariing ani ni Aven at mas lalo pa akong hinapit papalapit sa katawan niya. “Puwede ba dumistansya ka? Nandidilim ang paningin ko sa ‘yo, Conan.”Agad na akong kumawala sa hawak ni Ana
“Aattend ka naman ‘di ba? I mean, bakit hindi? No’ng junior high nga, dumalo ka kahit walang nag-alok sa ‘yo bilang date nila, e. Ngayon pa ba?”I rolled my eyes at inayos ang pagkaka-ipit ng telepono ko sa pagitan ng balikat at tenga ko, “That’s because I don’t care if anyone wants me to be their date or not. I just wanted to attend, Kheena. Wala namang requirement sa pagdalo ng JS Prom,” depensa ko.Parang ang dating kasi sa akin ay kawawa ako dahil wala akong ka-date no’ng JS Prom namin. Tsk, do I look like I need a partner or an escort? Duh, I can stand and walk on my own. I’m not afraid of walking on the red carpet without anyone to cling to.“Pero hindi puwedeng a-attend ka ngayong taon na walang ka-date!” Natonohan ko ang pang-aasar sa kaniyang boses kasunod ng nakabibinging pigil niyang pagtili sa kabilang linya.I continued writing some terms that I’m still confused about and clicked my tongue.“Kheena, can you calm down? May final exams pa, baka nakakalimutan mo. Kaya imbes