BEASTS. SHAPE-SHIFTERS. MONSTERS.
Iyon ang mga nakasulat sa laptop ni Nina na ilang beses na rin niyang binabasa. Akala niya makakatulong sa kanya ang paghahanap ng katotohanan at eksplenasyon sa mga nangyari nitong nakalipas na linggo pero hindi pala, pakiramdam niya ay mas nadagdagan lang non ang mga problema niya.Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.Sa pangatlong beses ay sinubukan niya ulit na tawagan si Hayes Xavier pero katulad noong una at pangalawa ay hindi nito sinasagot ang mga tawag niya."I'm giving you the benefit of the doubt you jerk." She gritted her teeth in annoyance as she massaged the back of her neck and almost threw her cellphone.Agad niyang isinara ang laptop ng may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina at sumilip don si Argus."You've been here for an hour now, Nina."Lumuob ito at napangiti na lang siya ng makitang may dala-dala itong baso ng gatas."It's almost midnight too."Minsan gusto niya rin ang pagiging"HINDI KA MAKATULOG, Miss Nina?" Soleil asked her.Bahagya lang na tinanguan ito ni Nina habang nagbabasa ng isang fantasy novel sa kaniyang kama. Iyon ang naging libangan niya nitong mga nakalipas na araw para maibaling sa iba ang kaniyang atensyon at nasa kalagitnaan na rin siya ng libro."Mukhang ilang araw ka ng hindi maayos na nakakatulog, Miss Nina." Pansin nito. "Gusto mo bang magtanong ako sa doctor mo ng gamot para makatulog ka kahit pa paano?""Hindi na, Soleil. Huwag ka ng mag-abala pa" Agad siyang umiling.She's already problematic and she doesn't want to end up addicted to those medicines and drugs."Si Argus nga pala?""Nagpaalam siya sa akin na mawawala na ilang araw, may importante lang daw siyang gagawin pero babalik din naman siya agad." Inayos nito ang kaniyang kumot. "Hindi na raw siya nakapagpaalam sa iyo dahil marami kang inaasikaso nitong mga nakaraang araw."At hindi alam ni Nina kung bakit binundol na kaba ang kaniyang dibdib, nawala na rin ang atensyon niya sa
"IS THIS REALLY the place, Soleil?" Tanong ni Nina ng makababa sa kaniyang kotse at ilibot ang tingin sa paligid. Napakaliblib ng lugar na iyon, may kalayuan din. Ang gusaling natanaw niya ay may kataasan pero luma na."Ito naman ang nakasulat sa isa sa mga notes ni Argus, miss Nina kaya sigurado akong nasa tama tayong lugar." Sabi nito habang inaayos ang flashlight na gagamitin nila. "Are you sure about this, miss Nina? Paano kung mali ka pala? Ilang taon na rin nating kasama si Argus, sa tingin mo ba ay talagang magagawa niya ito?""Sana nga nagkakamali lang ako, Soleil pero kung totoo lahat ng ito ay hindi ko alam kung paano ko mapapatawad si Argus."Nagkatinginan sila ng makarinig ng mga nakakatakot na alulong, tila ba iyon nagtatawag ng tulong o ng mga kasama. Nagsimula silang maglakad pero hindi pa sila nakakalayo sa kaniyang sasakyan ng makarinig ulit sila ng alulong at may lalaki na lang na biglang lumitaw sa kanilang harapan, pulang-pula ang mga mata nito. Nagli
RAMDAM NI NINA ang panakanakang pagsulyap sa kanya ni Safiya. Magkatabi sila sa harapan ng kotse at ito ang nagmamaneho at wala siyang balak na kausapin ito hanggang sa makarating sila sa lugar na pinagdalhan ng mga ito kay Argus. Marahas at eksaherado itong sumagap ng hangin na tila ba ipinaparamdam sa kanya ang pagka-bored nito at hindi nito nagugustuhan ang katahimikan. Siguro pati ang ideyang ipinagmamaneho siya nito."If you're not going to talk to me or say something, I hope I'm not the one you forced to accompany you, right?""As far as I remember, I didn't force you," Nina said flatly."But you suggested to Hayes that I come with you even though he already volunteered."Kailangan niya munang iwasan si Hayes. Kapag kasama niya ito ay hindi siya nakakapag-isip ng maayos. Tila nakokontrol nito hindi lang ang kaniyang katawan kundi pati puso. It's scary how easily she forgets about her worries and problems every time he is with her."But you di
"THE WORLD WILL take us apart."Narinig ni Nina na bigkas ni Hayes ngunit nagtataka siya kung bakit nasa isang madilim siyang lugar at napapalibutan ng hamog. Naaninag niya rin sa paligid ang mga matataas at payat na mga puno at wala na siyang naririnig na ano mang bagay bukod sa boses lang ni Hayes."Your mind will forget me too but my heart will always be yours."Ang tono din ng boses ni Hayes ay medyo paos at tila umaalingawngaw sa paligid.Luminga-linga si Nina, naglakad-lakad. Sinusubakan niyang hanapin si Hayes, sinubukang sundan ang boses nito."And if ever we meet in our next lifetime, let me love you more than love itself."Ang panggabing hangin ay nanunuot sa kaniyang balat ngunit kakatwang hindi man lamang siya nakakaramdam ng lamig samantalang isang manipis na damit lang ang tangi niyang suot at alam niyang nababakat don ang hubog ng kaniyang katawan at maseselan ding bahagi ng katawan. Idagdag pa na nakapaa lang siya."If ever we can't recognize each other."Nagpaikot-ikot
ANG GALIT, PAGKALITO, at pagkabigo ay hindi magandang kombinasyon na nararamdaman ni Nina ng mga oras na iyon. And she doesn't know how to react to Hayes' revelation.Pero hindi rin siya tanga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat at mas lalo lang nahihirapan ang kanyang kalooban.Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na may buhat-buhat na malaking bagay na natatakpan ng abuhing tela. Inilagay ng mga ito iyon sa gilid bago sila lumabas.Inilahad ni Hayes ang kamay nito kay Nina ngunit sa halip na tanggapin ay tumayo siya at nauna ng lapitan ang bagay na iyon saka inalis ang nakatakip don. Kulang ang salitang pagkagulat ng makita niya ang larawan ng magandang babaeng nakapinta don.Siguro kung hindi niya kilala ang pamilyang pinagmulan ay baka iisipin niyang isa ito sa kanyang mga ninuno. They're not identically look alike but they have the same eyes and lips which make them have a resemblance to each other. The woman in
ANG KANYANG PAGHAKBANG ay unti-unting bumagal ng makita ni Hawthorne si Antonius. Kalalabas lang niya sa silid ng hari.Nang makita siya ng pinsan ay lumaki ang pagkakangisi nito ngunit kita naman sa mga mata nito ang matinding pagkamuhi at disgusto. Para nga bang naririnig na niya ang pag-iinsulto nito kahit nakatingin lang ito sa kaniya."Pinsan, ang magiting at tanyag na heneral ng ating kaharian. Ang tagapagligtas kong pinsan. Ang bukambibig ng mamayanan hindi lang sa palasyo kung hindi pati na rin sa buong Arlan."Dinig niya ang panunuya sa boses ni Antonius ngunit binaliwala na lang iyon ni Hawthorne. Akala niya marami ng nagbago sa nakalipas na limang taon ngunit nagkamali siya, tila wala pa ring pinagbago ang kanyang pinsan."Kahit saan man ako magpunta ay pangalan mo ang naririnig ko at hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na mas mauuna kang pagawaan ng rebulto ng mga tao kaysa sa aking amang hari.""Bukal sa kalooban ko ang pagtulong at para iyon lahat sa har
HINDI MAN KASING rangya ng Arlan ang pinagmulan niyang bansa ay masasabi niyang sagana at maunlad ang bansang ito. Sa paglilibot niya sa mga nakalipas na araw simula ng dumating siya dito ay nasaksihan niya rin ang madilim na bahagi ng kaharian, ang bahaging pilit itinatago ng mga opisyal at pilit kinakalimutan ng lahat. Ang bahaging kahit saan ka man tumungo ay siguradong iyo itong makikita.Ang kahirapan.Ang mga nakakaawang mamamayan na pilit nabubuhay sa mundong pinapaikot ng mas may kapangyarihan.Iyon ang mga bagay na gusto man niyang baguhin ay hindi niya magawa dahil sa pinagmulang bansa ay wala din kapangyarihan ang tulad niyang babae.At isang babae lang naman ang kilala niyang kayang pantayan ang kapangyarihan ng isang hari o kahit ang emperador ngunit malayo na siya dito. Ilang milyong milya na ang layo niya dito at sa kapatid nito.Siguradong kapag nalaman ng mga ito na wala na siya ay mapapanatag na ang dalawa at hinding-hindi siya hahanapin dahil para sa mga ito ay wala
TAHIMIK NA INIABOT ni Rosemarie kay Salem ang halamang gamot, ito ang namumuno sa mga tagasilbi ng palasyo. Sa kusina man o paglilinis lalo na kapag tungkol sa hari at ang iinumin o kakainin nito."Gamot ito para sa pangangati. Ilaga mo at inumin ang katas bago ka matulog. Epektibo ito at siguradong mawawala ang pamumula sa iyong katawan."Napansin niya kasi na ilang araw ng masama ang pakiramdam nito. Hindi man sila naging malapit sa isa't-isa at halata ring hindi siya nito gusto, isa pa rin siyang manggagamot at iyon ang tungkulin niya."Iwasan mo din munang kumain ng pagkaing may hindi kaaya-ayang amoy at mga pagkaing hindi nakakaginhawa sa iyong kalusugan o panlasa."Kunot noong tinanggap naman nito iyon ngunit hindi naalis ang kasungitan ang paghihinala sa mukha nito. Kung nagulat man ay naglaho din iyon. Isang tango dito at agad na rin siyang bumalik sa kanyang ginagawa.Abala ang lahat ng umagang iyon para sa paghahanda ng isa sa mahalagang hapunan ng mga kabilang sa maharlikang