Share

CHAPTER 23

Tuluyan na niyang inilapat ang labi niya sa labi ni Daniel. Ramdam niya ang kalambutan no'n...ang kaibahan. Ang ilang araw na niyang pinangarap ay bigla na lamang nagkatotoo.

Nakakapanibago ang dating niyon kahit pa sabihing ilang lalaki na rin ang nakahalikan niya noon. Lalaking-lalaki ang dating ng labing iyon na lumapat sa kaniyang labi. Naroon ang kiliti ng naahit na bigote at ang nakakadarang na naahit ding balbas na lumapat sa kaniyang baba. Sumasabog ang kaniyang puso. Pinanghihinaan siya ng tukso at sa sandaling iyon ay para siyang biglang ipinaghele sa kalawakan. Nang ibuka niya ang kaniyang labi at hawakan niya ang batok ni Daniel para siilin niya ng mas marubdob na halik ay nagsalita si Daniel.

"Mali ito! Maling-mali ito!" kasabay nang marahan nitong pagtulak sa kaniya. Nababahiran na naman ng iba ang kanyang pakikisama. Ang pakikipaglapit sa ipinagkatiwala sa kanya. Nangyari na ito noon sa kanila ni Jay at ngayon sa anak mismo ng Presidente. Dahil lang sa utang na loob, pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status