(TFD) Chapter 55They slid me inside the luxury car. Mayroon silang dalang sasakyan para kunin ako sa gate. Wala akong balak sumama at nanatiling nakaupo at nakatulala sa sementadong sahig. Kung hindi pa inutos nang babae na nasa speaker, hindi nila dadampian ng daliri kahit ang balahibo ko.Parang ang layo ng tinakbo ko kanina ngunit ngayong pabalik kung saan ako tumakbo ay parang kisap-mata lang ang layo. Muling nabuhay ang takot ko nang matanaw ang nakahilera na mga tao. Naroon pa rin sila kung saan ko iniwan. Maging ang matandang lalaki ay nanatili at hindi naghihintay.They lined up elegantly but the hair all over my body was rising because of the way they greeted me when I got out of the car. It felt like a daughter of demon has arrived. Pakiramdam ko pati ang hanging nilalanghap ko ay pag-aari ng tao na nagpakuha sa akin.I remember her calling me Liviya. She said I am her daughter. Ibang pangalan ang binanggit niya ngunit nasisiguro ko na hindi siya magkakamali sa kukunin na t
(TFD) Chapter 56Normal lang siyang nakaupo sa hapag habang hinihintay ako. Hindi ko man lang makitaan ng konsensya sa mga mata kahit ngayong araw ay marami siyang pinapatay na mga hayop at tao.Mayroon kumatok sa kwarto kanina. Mga katulong ngunit ang mga kasuotan ay formal. Kung hindi nakamahabang gown ay nakasuot naman ng cocktail dress. Inayos nila ang walk in closet ko at pinili ako ng maayos na damit. Puno ng mga damit, bags, at mga sapatos ang walk in closet. Nasilip ko ring nakabukod ang mga alahas. Kumpleto ang gamit na parang siguradong sigurado siya na madadala ako ng mga tauhan niya rito.Ang mga kalalakihan ay nakasuot katulad noong unang sinalubong nila ako. They are wearing dressier. Na animo'y palaging may formal party na dadaluhan sa loob ng bahay na ito."Take your seat, Liviya."Nanigas ako sa lambing ng pagtawag niya sa pangalan na hindi akin. Nakangiti siyang nagtaas ng kilay at itinuro ang upuan na nasa kabilang dulo ng lamesa sa kanyang harapan.Nakabukod ang ha
(TFD) Chapter 57-----Skip if you can't tolerate torture-----"I will not choose! I will not kill anyone!" I shouted at her, shocked.Uutusan niya akong pumatay? Hindi ako katulad niya na mamamatay tao! Kahit galit ako sa isang lalaki na nakaluhod at nakayuko sa harapan ko ay hindi magiging sapat ang galit ko para patayin siya! Masiyadong mababaw iyon at hindi makatao!Mahina siyang tumawa sa tabi ko na hindi bumubukas ang labi. Kinasa niya ang baril na ipinipilit niya kanina sa akin at itinutok sa matandang halos hindi na makaluhod ng maayos dahil mukhang pinahirapan nila bago dalhin dito."What-"Hindi pa ako tapos sa pagtatanong ay pinaputok na niya ang baril. Napaatras ako at napasigaw. Ang aking mga kamay ay lumipad papunta sa aking bibig. Nanlalaki ang mga mata ko sa takot at gulat.Ang matandang lalaki ay naliligo na ngayon sa sarili nitong dugo matapos niyang barilin ng dalawang beses sa ulo. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na magmakaawa.Nanghina ang mga tuhod ko at nap
(TFD) Chapter 58-----Skip if you can't tolerate torture-----My entire life changed when she had me kill one of her men. She forcefully poured the blood on my hand. She stained the blood on my hand. And I don't know how to wash it.Paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari. Sa loob lamang ng ilang oras, ilang buhay ang nasaksihan kong nawala. Ang isa sa kanila, ako mismo ang pumatay.Hindi matigil ang pag-kuskos ko sa aking mga kamay habang nasa ilalim ang mga iyon ng gripo. Patuloy ang pag-agos ng tubig doon pero hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang dugo.Wala akong hinawakan na dugo sa pagkakaalam ko ngunit parang nag-mantsa sa mga kamay ko ang mga pulang likido na nakita ko sa araw na ito.Tumigil ako sa pag-kuskos sa aking mga kamay nang maramdaman ang hapdi. Hindi ko namalayan na pilit ko na 'yong kinakalmot at sinusugatan. Hindi ko rin mararamdaman ang mga luhang nasa pisngi ko kung hindi ko pa narinig ang mahina kong hagulgol.Isang araw pa lang. Ano pa ba ang mga kaya niya
(TFD) Chapter 59Nagising ako na nasa kwarto. Natulala ako sa kisame. Ang mainit na likidong nasa mata ay mabilis bumalong palabas. Tahimik ang kwarto pero parang naging masakit na musika ang mga sigaw sa sakit, takot, at pagmamakaawa. Walang tunog ang aking pag-iyak subalit walang tigil ang paglabas ng luha na dumadausdos sa pisngi ko pabagsak sa unan.Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. Hindi ko na rin gustong malaman.Wala pang bente kwatro oras nang naganap ang lahat. Ilang oras, araw, buwan, o taon ba akong mananatili rito? Kakayanin ko bang mapanatiling nasa katinuan ang sarili ko sa mga susunod pang araw? Bawat segundo natatakot ako na mayroon na naman panibagong mangyari.Saan naman nila ako susunod na dadalhin?Nagpunas ako ng luha at mabilis pumikit nang marinig ang pagbukas ng pinto. Halos umalog ang kama sa lakas ng tambol ng puso ko. Nagwawala at gustong lumabas dahil sa takot na nararamdaman. Para akong mawawalan ulit ng malay dahil sa bilis ng tibok nito."S
(TFD) Chapter 60-----Skip if you can't tolerate torture-----We went to the exclusive party. It was a masquerade ball. Nalaman kong nagpupunta siya sa mga party na legal at nagd-donate para mapagtakpan ang mga illegal niyang gawain. She's using legal businesses for front to hide her bigger illegal one.Fortunately, she didn't introduce me. They were just curiously looking at me. Good thing it was a masquerade party because I don't want to meet any of them. Kahit hindi ko kilala, ramdam ko na pare-parehong masasamang tao ang mga nilalapitan niya.Bantay sarado ako ng mga tauhan niya kahit hindi naman kami nagtagal at nasa isang oras lang ay umuwi kaagad. She just socialized with some businesswomen and businessmen. Talked to some military personnel. Then, we went back home...not my home but hers."Where are we going?" I asked when I saw we were heading to the dungeons.I feel anxious whenever she asked me to go with her. Pakiramdam ko palagi siyang may gagawin na hindi maganda.She ins
(TFD) Chapter 61I stared at my reflection through the full length mirror. I was wearing a backless black cocktail dress paired with black and gold gladiator flat sandals. Physically, I looked fine. But not emotionally.Halos mapatalon ako sa lakas ng katok sa kwarto ko. Unang pumasok sa isip ko ay si Madrina. I nervously brushed my hair with my fingers and almost stop breathing. I don't want to go with her to Italy but do I have a choice? I feel like a princess trapped in a castle but unlike in the fairy tales, there's no prince coming for me to save me.Pigil na pigil ang paghinga ko habang patungo sa pinto. Kapag ipinakilala na niya ako sa mga sangay niya, wala na akong kawala. Like she said, I'll be her successor whether I like it or not. Hindi na niya ako hahayaan na bumalik dito kapag nadala niya ako sa bansa niya.Hinawakan ko ang door knob at muling humugot ng malalim na paghinga. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa nilang kumatok gayong mayroon naman silang susi at madalas
(TFD) Chapter 62Nakapikit ako at pinayuko ni Silas habang nakikipagpalitan sila ng putok ng baril. Takip ko ang mga kamay sa aking magkabilang tenga at hindi mapigilan ang mapatili sa tuwing nagugulat sa mga balang tumatama sa sasakyan namin.Hindi ko alam kung paano kami nakatakas. Ang alam ko lang ay ibinangga ni Nilo ang sasakyan sa tulay para bumagsak kami sa tubig at hindi kami mahabol dahil nadagdagan at dumami na ang humahabol sa amin na sasakyan.Pagka-ahon, nag-usap silang maghihiwa-hiwalay na kami. Mukhang iyon talaga ang plano nila. Kung hindi makakatakas ay sa tubig ang daan. Pumili lang ng babagsakan si Nilo at babanggain na tulay para masiguro na walang masasaktan isa man sa amin."Take care of her," si Nilo kay Silas.Tumango si Silas at kinuha ako sa bewang. Nagtama ang tingin namin ni Nilo pagbaling niya sa akin. Wala siyang sinabi. Nanikip ang dibdib ko dahil ngayon, wala nang tanong. Alam ko na kaagad na kakampi namin siya. Na kahit hindi kami nagkasama, para sa ka