Share

The Forbidden Desires 65

(TFD) Chapter 65

AT napilit na nga nila ako. Si pipay, nakahawak pa sa braso ko't hila-hila ako para salubungin ang bangka nila Silas. Sila ni Isme ang kasama kong maglaba noon. Isang linggo na kami rito ngunit ngayon ko lang siya naisipan na puntahan.

Malayo pa ang bangka nila'y agaw pansin na ang kakisigan niya habang nakaupo sa dulo ng bangka. Nakalaylay ang isang paa niya pabagsak sa tubig dagat at ang isa pa ay nakatungtong sa bangka. Nakabaluktot iyon at nakapatong sa tuhod ang isa niyang braso. Ang isa niya pang kamay ay nakatukod sa kanyang likuran bilang suporta upang hindi siya mapahiga habang nakatingala siya't pinapanuod ang mga nagliliparang mga ibon sa langit. Nakaawang ang mapulang labi niya. Medyo kunot ang noo at nanliliit ang mga mata dahil sa kaonting sinag ng araw.

"Ang gwapo!" Si Isme na may kasamang paghampas sa braso ko.

Napanguso ako at pinigilan na mapangisi. Kahit kasi lumang kamisa de chino lang na suot sa pangingisda ang damit niya'y para pa rin siyang naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status