Share

38: Happiness

Tumunog bigla ang cellphone ni Troy, kaya bigla ring naitulak ni Hailey ang nobyo. Mukha namang ayaw pang itigil ni Troy ang paghalik sa kaniya, kaya kusa siyang dumistansya at nahihiyang nag iwas ng tingin.

"Is there something wrong?" nag-aalala na tanong ni Troy sa kaniya.

"S-Sagutin mo na muna ang tawag." nauutal niyang sambit nang hindi mapansin ni Troy ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Mukhang pareho silang nalulong sa halikan nila.

"Oh?" tanging bulalas nito at kinapa ang cellphone mula sa inside pocket ng kaniyang jacket. "It's mom." paalam nito sa kaniya bago tuluyang sinagot ang tawag.

Habang ang atensyon ni Troy ay nasa cellphone, muling binalikan ni Hailey ang pakiramdam na masyadong pamilyar sa kaniya. Naaalala niya 'yung gabi na binenta siya nila Vanessa sa isang grupo ng lalake, bago siya nawalan ng malay.

Galit ang nangingibabaw sa kaniya. Galit na naging takot, dahil sa gabing alaala na walang awa at kalaban-laban siyang ginahasa. Ito 'yung parte ng kaniyang buh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status