Share

47: Twisted

BAGO umuwi ng Pilipinas sila Hailey ay naglagi muna sa sila ng iilang araw sa Japan at iginugol ang mga sarili sa pamamasyal sa mga tourist spots.

Walang araw na hindi sila masaya, lalo pa't kasama nila ang mga pamilya nila.

Maayos na rin ang kaniyang Kuya Tres at ang ina nila matapos ang isang masinsinan na pag-uusap no'ng araw matapos ang kasal nito.

Isang linggo muna ang lumipas bago sila nagdesisyon na umuwi. Saka lang sila nagkakahiwa-hiwalay dahil kinailangan na nilang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Umuwi sila Hailey sa bahay ni Troy, samantalang ang mama niya ay isinama ni Miranda at may bibilhin daw sila sa mall. Walang kapaguran ang mga ito sa paglalakwatsa at talagang sinusulit ang panahon sa pamamasyal.

"Magandang hapon po, Sir Troy. Ma'am Hailey." bati ni Manang Lory sa kanila pagkababa mismo nila sa sasakyan.

Matamis na nguimiti si Hailey sa matandang tumulong na minsan na ring tumulong sa kaniya no'ng mga panahon na nandito siya bahay ni Troy. "Magandang hapon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status