Share

Kabanata 14

Dahil sa naunang insidente kay Trevor at sa kung ano ang sinabi ni Vicky kay Helen bago sila pumasok sa loob ng banquet hall, kumbinsido si Helen na wala siyang pagkakataon na makuha ang proyekto ng West City.

Doon nagsalita si Sean ng nakasimangot, "Huwag kang mag-alala. Gigolo lang ni Vicky ang walang kwentang ‘yun, pero kasamahan ng lolo niya ang tatay ko. Sigurado ako na maiintindihan niya ang lahat sa isang tawag lang."

Sa wakas ay naalala ni Gina na nandoon din pala si Sean. "Oh, Mr. Wesley! Talagang maaasahan ka namin kapag kailangan namin ng tulong!"

Binalingan naman ni Helen ng masalimuot na tingin si Sean. "Pasensya na, pero talagang kailangan ka naming abalahin sa pagkakataong ito."

Hindi siya mangangahas na umasa kay Frank—ang proyekto ng West City ang susi sa kinabukasan ng Lane Holdings!

Inilabas ni Sean ang kanyang phone, at pumunta siya sa isang tahimik na sulok para tawagan ang kanyang ama, na si James Wesley, na pinuno ng kanyang pamilya.

"Ano ‘yun? Bakit tumata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ferlito Inoc Ompad
ituloy po ang pahina 15 hanggang matapos
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status