Share

Kabanata 456

Habang iniisip ni Frank kung dapat ba niyang papasukin si Helen, saka naman lumapit si Vicky. “O, tingnan mo nga naman, ang dati mong asawa. Bakit hindi mo siya papasukin?”

Pinindot niya ang buton para buksan ang tarangkahan, habang napairap naman si Frank dahil sa kapilyahan nito.

Sa labas, sumimangot si Helen, hindi inaasahan na makikita niya si Vicky sa bahay ni Frank.

Hindi niya mapigilan na magmadali papunta sa bahay ni Frank at sumimangot nang makita niya si Vicky. “Ano ang ginagawa mo dito?”

Ngumiti si Vicky. “Empleyado ko si Frank. May problema ka ba sa pag-aalaga ko sa aking empleyado? Sa katunayan, ang tamang tanong dito ay: ano ang ginagawa mo dito?”

Huminga ng malalim si Helen saka sinagot niya, ‘May problema ba sa pagbisita ko sa dati kong asawa?”

“Hah! Buti naman at alam mo na dati mo siyang asawa.” Singhal ni Vicky. “At hindi ba dapat ay maging mas maingat ka habang nandito ka?”

“At bakit naman ako dapat mag-ingat habang nandito?” Nagkibit balikat si Helen. “Hiwa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status