At tulad ng hula ni Frank, hindi man lang sinabi ni Quinn sa mga Salazar bago man ito tumakas pabalik ng Sage Lake Sect. Gamit ang kanyang rango bilang anak ng isang elder, kaagad niyang sinuyod ang mga tala ng kanilang sekta nang makabalik siya, bakas ang ganid sa kanyang mga mata nung nalaman niya kung bakit nilipol ang Mystic Sky Sect tatlong taon na ang nakakaraan. At ngayon, ang pagkakataon ay nasa harapan na niya, at kailangan na lang pitasin!Drakon salazar? Maihahalintulad ba siya sa pagnanasa na magkaroon ng buhay na walang hanggan?!Magkarelasyon lang sila at hindi pa sila kasal—at hindi hahayaan ni Quinn na mapasakamay ng Cloudnine Sect ang bagay na ito!Habang iniisip ito, pumuslit siya mula sa mga kapwa niya apprentice na naghahanap sa kanya, ng nakangiti ng masama habang naglalakad patungo sa kwarto ng kanyang ama. Sa may Dynasty, nakasuot si Helen ng itim na backless dress habang nakasandal sa may bar table. Lasing na ito, lalo nitong nakalipas na tatlong
Naglabas si Helen ng mga maayos na magkapatong na mga papel at binagsak ito sa may lamesa, saka nauutal na sinabi, “S-Sige na, kunin niyo na yan—iyan ang huling habilin ni lolo, at matutupad mo na ang pangarap mo na makabalik sa Southstream Lanes.” Kaagad na kinuha ni Cindy ang mga papel, ng nakangiti. “Anong sinasabi mo, Helen? Hindi ito mahalaga—nag-aalala kaming lahat sayo!” “Tama.” Sumimangot si Gina. “Kapag nagpatuloy ka ng ganito, ang Lane Holdings ay—”Lumingon si Gina, at nakahinga ng maluwag nung nakita niya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pormal na kakapasok lang ng bar. “Ah, Mr. Graves! Kausapin mo nga si Helen—hindi niya kami pinakikinggan.”“Sige. Mabuti pang umuwi na kayo—ako na ang bahala sa kanya,” tugon ni Chaz Graves, ng nakasimangot nang makita niya kung gaano kagulo ng itsura ni Helen. Gayunpaman, mabilis niya itong tinago gamit ng ngiti. “Mabuti naman! Talagang maaasahan ka kapag kailangan, Mr. Graves!” Sabi ni Gina sa tuwa. ‘Hayaan mong il
Pagkatapos putulin ang security footage, pinagmukha ni Chaz na minolestiya talaga ni Frank si Luna. At nang pinakita niya ito kina Gina at Jade, pareho silang nagalit at sinunog nila ang hilltop mansion ni Frank. Sinadyang sumimangot ni Chaz at sumigaw, “Kita mo, Helen—kahit na pagdudahan mo ako, hindi mo pagdududahan ang teknolohiya, di ba? Nakita ng mga kamera na minolestiya ng dati mong asawa ang pinsan mo, tapos kinakampihan mo pa rin siya? Hindi ba hindi naman to patas para sa'kin?”Ngunit nagulat siya nang umiling si Helen nang nakangiti habang kumaway siya. “Hindi ba masyadong malabo ang video na yun?”Nangiwi si Chaz, ngunit suminghal siya. “Ano naman ngayon? Kahit na manggagamot ang dati mong asawa, hindi niya tinulungan si Luna noon dahil inaway niya siya at ng nanay niya. Naroon ka noon, kaya paano mo pa rin nagagawang pagdudahan ang katotohanan?”Sobra lang nadismaya si Helen nang may malungkot na mukha. “Oh, Chaz… Bakit ka patuloy na nagsisinungaling sa'kin?”“Baki
Sinampal ni Chaz si Helen sa mukha at nahilo siya. “Yan ang hinahanap mo!” sigaw niya. “Kunin niyo siya!”Habang isinilid si Helen sa isang BMW, isang itim na Maybach ang pumasok din sa parking lot ng The Dynasty. Nakaupo si Vicky sa harapan suot ang isang nakakaakit na kulay lilang bestida habang pinapanood si Frank nang nagtanong siya, “Gaganapin ng burol ni Henry Lane sa susunod na ilang araw. Dadalo ka ba?”“Oo.” Malungkot na tumango si Frank. “Iniligtas niya ang buhay ko. Kahit ano pang ginawa ng mga Lane, magpapaalam ako sa kanya sa pinakahuling beses.”Tatlong araw na ang lumipas at kumalma na siya ngayon. Tumango nang nakangiti si Vicky. Nang magsisimula na siyang magsalita tungkol sa kung anong dapat nilang inumin, kumunot ang noo niya nang nakakita siya ng isang stiletto sa gitna ng parking lot.“Ano? Ba't ganun?”Kakaiba ito, at napakunot ang noo niya sa kutob niya. Lalo na't sensitibo ang mga kababaihan sa mga brand at natutukoy ni Vicky na mamahalin ito. Higit
Kumurap si Vicky habang pinanood niyang magmaneho si Frank papunta sa parking lot nang walang pakialam. “Ano, talaga bang susukuan mo na si Helen?”Nanatiling tahimik si Frank habang hininto niya ang kotse at bumaba para dumiretso sa The Dynasty. Humarang si Vicky sa daan niya at ngumiti. “Matigas pa rin ang ulo mo? Alam mo—itinuturing kong karibal si Helen, pero nakakayamot na manalo nang ganito. Bumalik ka na sa kotse. At saka, interesado ako sa kung anong pinaplano ng Graves family.”“Umalis ka kung gusto mo.” Nagsimulang maglakad si Frank palampas sa kanya. Hinablot siya ni Vicky a braso. “Walang naaayos ang pagtakas sa problema. Sumama ka sa'kin—at saka, bodyguard kita, at kailangan mong magpaliwanag kapag nasaktan ako.”Napatango na lang si Frank sa maganda at pilyang ngiti niya—hindi niya talaga kayang manalo sa kanya. Ngayon, nagmaneho si Vicky at hindi nagtagal ay nahabol niya ang BMW ni Chaz sa kanto habang naghihintay sa ilaw trapiko. “Saan sila pupunta sa tingin
Gayunpaman, interesado talaga si Neil dahil talagang nakakatulong ang alok ni Chaz.Iyon ang dahilan kung bakit siya nandito para tiyakin ang mas maliliit na detalye. “Oo. Nakausap ko mismo ang mga Salazar, at pumayag silang lahat. Kukunin natin ang Grande Pharma, pababagsakin si Vicky Turnbull, at papatayin ang gigolo na yun.”Kahit na ganun, sumama ang mukha ni Neil. “Ang mga Salazar? Hindi ba bumagsak na sila? Si Drakon nga—ang panganay na anak ni Donald—ay namatay sa sandaling bumalik siya mula Sage Lake Sect at naglaho ang fiancee niya nang parang bula.”“Totoo yan,” nakakagising sabi ni Chaz. “Pero ginamit nila ang impluwensya nila para makausap ang mga Lionheart.”“Ang mga Lionheart?!” Nanlaki ang mga mata ni Neil sa gulat. “Anong binabalak mo?”“Wala naman.” Dinilaan ni Chaz ang labi niya at tusong ngumisi. “Pero sigurado akong hindi magpipigil si Titus Lionheart kapag nalaman niyang may kasintahan ang fiancee niya, di ba?”Tahimik si Neil dahil may pangbabanta sa tono
Pagkatapos ay nagsabi si Vicky kay Frank, “Sa kabila ng away mo sa mga Lane, sa tingin ko inosente si Helen. Wag mong ilagay sa panghabangbuhay na pagsisisi ang sarili mo dahil lang sa isang sandali ng katigasan ng ulo.”At pagkatapos ng mga salitang iyon, nagmaneho siya papalayo sakay ng Maybach niya nang napakabilis. Pinag-isipan ni Frank ang mga sinabi niya at nagpasyang amining tama si Vicky. Sinundan ni Vicky si Chaz kasama niya dahil hindi niya gustong may pagsisisihan siya. Ang totoo, hindi pa rin nakakalimutan ni Frank si Helen. Alam na alam niyang ganun din siya, pero hindi niya makita ang katotohanan at paulit-ulit siyang naloloko para gumawa ng maling desisyon. Tatlong taon silang kasal, at ang ganito kahabang pagsasama ay hindi ganun kadaling matapos. “Pasaway ka talaga…” Bumuntong-hininga si Frank habang naglakad siya papasok ng White Court Hotel. -Sa Room 808, tinulak ng mga bodyguard ni Chaz si Helen papasok sa banyo at binasa siya ng malamig na tubig.Lumi
Nagpapanggap pa rin si Chaz na mabuting tao noon, mapagpakumbaba at malumanay ang tono niya. “Oh, kung sana mas maaga kang nakilala ng anak ko.” Bumuntong-hininga si Gina sa phone. “Basta, umuwi kayo rito kaagad. Ipakasal na kita kay Helen kaagad.”“Sige, Mrs. Lane.”“Siya nga pala, makakabalik ba talaga kami sa main family? Pinagbabantaan kami ni Jade, sinasabi niya hindi niya kami hahayaang makabalik…”“Wag kang mag-alala, Mrs. Lane, may kapangyarihan ang salita ng pamilya ko sa Southstream…”“Magaling!”Beep.Nag-play ng isa pang recording si Chaz pagkatapos. “Oh, Chaz… Napakawalang kwenta ni Hughie, napatay siya ng kung sinong gigolo. Pumunta ka rito mamayang gabi. Ang lungkot-lungkot ko…” Malandi ang boses ni Cindy. “Haha! Pupuntahan kita pagkatapos ko sa pinsan mo, malandi ka!”“Pangako yan. Pumunta ka rito mamayang gabi… Siya nga pala, pwede rin ako kung kailangan mo ng tulong na pigilan si Helen…”Sa banyo, bumagsak ang puso ni Helen nang natapos ang mga recording