Share

Kabanata 52

Sabi ni Henry, “Ako? Ayos lang ako. Anong meron?”

Nakahinga nang maluwag si Helen—hindi talaga ang Ichor Pill ang problema. “Wala, nagtatanong lang ako.”

“At bakit ka naman biglang magtatanong?” Nagtataka si Henry—ilang oras pa lang simula nang nagkita sila.

Hindi tama ang ganitong pag-aalala kahit na mula pa kay Helen.

Sa pagkakasabi niya, para bang ilang buwan na silang di nagkikita!

“Binigay ko kay Lyndon McCoy ang isa pang Ichor Pill,” inamin ni Helen. “Lumala ang kondisyon niya pagkatapos nito… Hindi ko alam kung dahil ba sa pill o sadyang masyado na talagang malala ang kondisyon ni Lyndon.”

Pinalo ni Henry ng hita niya sa mga sinabi niya. “Tiyak na yung pill yun.”

Nagtaka si Helen. “P-Pero ininom mo yun.”

“Pfft.” Namumuhing tumawa si Henry. “Kalokohan. Si Frank ang nagligtas sa'kin, hindi ang kung sinong yan. Nasaan ka ngayon?”

“Kinulong kami ng mga McCoy,” pag-amin ni Helen. “Malamang di nila kami pakakawalan kung di gumaling si Lyndon.”

“Ikaw talaga…” Bumuntong-hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status