Share

Kabanata 620

Isang lalaki na may mahabang kapote ang pumasok, sa sobrang talas ng tingin nito ay para bang mga patalim na ang mga ito.

Meron itong mahabang itim na buhok na may linya ng puti sa bangs nito na may hiwa sa gitna. Na may taas na 1.9 metro, malaki ang pangangatawan nito, na nagpapakita na isa itong malakas na martial artist.

“Kailangan mong tulungan si Mr. Graves! Papatayin siya ni Frank Lawrence!” Aligagang sigaw ni Wilbur.

“Huminahon ka lang.” Tinignan ni Titus si Wilbur upang siguraduhin ito, habang matikas itong naglalakad papunta sa ibaba ng stage, sabay nginitian si Frank na nasa itaas nito. “Kung ganun, ikaw si Frank Lawrence? Narinig ko kanina sa labas ang sinabi mo na hindi ka natatakot sa akin?”

Mahinahon ang tono nito, ngunit may madilim na awra na lumalabas sa mga mata nito na tumama kay Burt na naging dahilan para umatras ito.

Namutla sa pagkabigla si Burt nang may napagtanto siya. “Natapos na niya ang Birthright! K-Kung ganun ay yan ang lakas ni Titus Lionheart?!”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status