Share

Kabanata 66

Natural hindi aamin si Sean na kilala niya si Zuco. Kung sabagay, kailangan niyang mag-ingat kay Vicky kaya sinabi niya kay Zuco na kailangan lang nilang paalisin sila Vicky at Frank, dahil mawawasak si Zuco kapag nagseryoso si Vicky.

Subalit, nakatupi na ang mga braso ni Vicky sa harap ng kanyang dibdib. “Hindi ako aalis.”

Umirap si Zuco at sumenyas siya sa kanyang mga tauhan. “Dalhin niyo na sila.”

Una silang lumapit kay Vicky, na biglang dumampot ng isang bote mula sa mesa at hinampas niya ito sa ulo ni Zuco!

Nabasag ito sa ulo ni Zuco, at nagkalat ang mga bubog sa sahig habang sumisinghal si Vicky sa galit. “Aalis ako kung kailan ko gusto. Walang karapatan ang isang payasong gaya mo para utusan ako!”

“B-Boss? Ayos ka lang ba?!”

Nanigas ang mga tauhan ni Zuco—hinampas ng babae ang isang bote sa ulo ni Zuco?! Gusto na siguro niyang mamatay.

“P*ta… Papatayin kita!” Hinawakan ni Zuco ang dumudugo niyang uilo at tiningnan niya ng masama si Vicky bago niya siya sinugod ng nakaunat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status