Share

Chapter 25

Chapter 25: Voice

"Maraming salamat sa pagpunta, sis. Mag-iingat ka," paalam ko kay Lyf saka siya mahigpit na niyakap.

Tinapik niya naman ang likod ko at mahinang humagikhik. "No worries, my dear beshy! After all, I had so much fun," tugon niya bago kumalas sa yakapan namin.

"Ako rin," sang-ayon ko habang may malawak na ngiti sa mga labi. "Ngayon nalang ulit ako nakapag-celebrate ng birthday ko ng gano'n kasaya."

"At mas magiging masaya pa sa mga susunod mong birthday. That, I assure you, my sistah!" maligalig na aniya.

Natawa na lamang ako sa tinuran niyang iyon, lalo na sa kakulitan niya. "Pumasok ka na nga sa loob at baka maiwanan ka pa ng eroplano," taboy ko sa kaniya nang marinig kong nagtatawag na ng mga pasahero para sa flight niya.

Nasa airport kasi kami ngayon dahil tapos na iyong tatlong araw na hininge niyang bakasyon kay Miss Soren. Gustuhin ko mang manatili pa siya ng ilang araw

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status