Share

Chapter 28: A Coward's Tale

*** 

“Hey, magsalita ka na, Erin. Wala ka rin namang ibang mapagsasabihan, ’di ba?”

Napatanga si Erin sa kaharap na si Felicia. Dinala siya nito sa isang karaoke box matapos siyang damputin sa labas ng mall. Akala nito ay patay na siya dahil sa hindi pagkilos mula sa pagkakasalampak sa hagdanan. Nang makita nito ang namamagang mata niya, hinila siya nito papasok sa kotse nito.

At ngayon ay nasa loob sila ng malamig at madilim na silid. Masakit sa mata ang iilang guhit ng ilaw. Hininaan ni Felicia ang paulit-ulit na tumutugtog na musika.

How did it come to this? Hindi siya makauwi kay Aly. Kinatatakutan niyang mangulit na ito sa pagtatanong. At ayaw niyang ikuwento ang tungkol sa kanila ni Adam. Dati-rati naman, madali lang ang magsumbong at kumuha ng kakampi sa kasawian niya. But right now, she didn’t care if she was alone in her misery. Ayaw niyang may sumugod kay Adam o magalit dito.

Ayaw niya rin namang umuwi sa apar

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status