Share

Chapter 37:

Israel’s POV

Mag-isa akong tumungong papuntang cafe dahil wala naman akong ganang makipag-usap. Papasok na sana ako sa loob nang makita kong naglalakad si Aziria habang tulala, hindi ko maintindihan ang kaniyang reaksyon. Susundan ko sana agad pero dahil wala akong alam sa nangyari at mukhang may nangyayari sa loob, pinakinggan ko muna iyon.

"What do you think you’re doing, Sion?" Hindi na kalmado ang boses at reaksyon ni Tyrone. Nakayukom na ang kaniyang kamao at umiigting ang panga. "Pumunta ka rito para sirain ulit siya? Ano bang papel mo rito? Wala, hindi ba?"

Determinadong sumagot ang isang lalaki, hindi ko kilala. "Wala naman akong pakialam."

"Dapat lang!" agad na sagot nito. "Mas maganda ‘yon, hindi ba? Dahil wala kang kwenta!"

Nakuha ni Tyrone ang atensyon ng malapit sa kanila nang sapakin niya si Sion. Nagulat ako roon dahil iwas na iwas siya sa gulo, hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Pumunta agad si Trill para awatin ‘to.

Nagpupunas ng labing hinarap ni Sion si Tyrone.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status