“No, dad, I wouldn’t do it! Isa pa, wala namang proweba na ako nga ang may gawa sa kaniya ng ibinibintang niya. I am a Kordal, tiyak na may nanghihila lang sa akin pababa.” Hindi magkamayaw si Harold sa pagpilit sa kaniyang ama na wala nga siyang kinalaman sa mga ibinabato sa kaniya ni Elizabeth na patutsada. Hapon, matapos ang klase ay dinala ni Julian sina Alliyah at pinsan nito sa kanilang ama. Iniharap niya ang babaeng ilang beses na ginalaw ni Harold. Hindi lubos akalain ni Julian sa gano’ng edad ng kapatid ay sanay na sanay na ito sa gawing sekswal. Hindi na nga siya nag-atubili pa na ipaalam sa ama ang mga ginagawang kabulastugan ng anak niyang isa pa. Noon ay labis-labis ang tiwala ng ama kay Harold na halos ay ibinagay na nito sa lalaki at wala na sa kaniya. Pero dahil ngayon na narerealize naman ni kung bakit ay naiintindihan na niya. Walang hindi ikinilos ang ama na hindi dumaan sa madrasta niya. “Ikaw na naman Julian ay may pakana nito? Kailan mo ba lulubayan ang pang
Successful ang plano ko para kay Harold, pumayag si papa at na silang magagawa pa ro’n. Si papa pa rin ang batas sa bahay. Alas dos ng madaling araw, nagising ako para magbanyo. Umuulan, at malamig din ang aircon sa loob ng bahay kaya mukhang napuno na ang pantog ko dahil do’n. Nang matapos ay nakaramdam naman ako ng gutom. Hindi nakikisama ang katawan ko sa inaantok ko pang mga mata. “Kahit tubig lang, iinom ako.” Madilim ang kabuuan ng salas, pagdungaw ko mula sa hagdan ng second floor ay parang gusto ko na lang bumalik sa higaan. “Nakakatamad.” Pero dahil sa nandito na rin naman na ako ay itinuloy ko na. Nagsaling ako ng tubig sa baso at naghanap ng puwedeng makain sa refrigirator. “Ano ‘yon?” Isinara ko ang fridge at dinampot ang baso ng tubig, sinimulang inumin iyon. May kakaibang tunog akong narinig mula sa may labas ng kusina, sa bodega banda. Dahan-dahan ay naglakad ako patungo ro’n, maaring daga o pusa lang ‘yon ngunit possible rin na may taong naroon ngayon. Sa
Kanina pa ako nag-aabang kay Terra, gusto ko siyang makausap ng kaming dalawa lang nang hindi malalaman ni Harold. Hindi na ako makatulog ng mga oras na malaman ko ang isa sa lihim na itinatago nila sa akin, sa amin ni papa kung hindi man nga niya alam ang tungkol doon. Gusto kong malaman mula sa bibig niya kung tunay nga ang narinig ko. At isa pa, itatanong ko rin kung siya lang ba ang hindi ko kapatid, kadugo o ano man ang tawag doon. Dahil kapag nalaman ko na maging si Harold ay hindi ko rin kadugo ay isasampal ko agad sa pagmumukha ang lahat ng ginawang pangmamaliit sa akin. “Terra.” “Kuya, b-bakit?” Wala na si Harold, nauna na sa kaniyang department. “Mag-usap tayo.” Hindi makatitig nang matagal si Terra sa akin, alam na niya siguro kung ano ang kailangan ko sa kaniya. Sumama sa siya sa akin patungo sa ilalim ng isang punong mangga, walang masyadong estudyante doon, walang makakarinig kung sakaling tumaas man ang boses ko sa kaniya. Dineretso ko na si Terra sa tanong ko,
Naiirita na ako sa pangungulit ng magjowa na ito sa harapan ko. Hindi ba nila alam na nasa library ako nagreresearch para sa output na kailangan kong maipasa within the week? Paubos na ang oras ko para gumala pa ngayon. Ilang beses ko nang isinagot na nextime na lang ako sasama kaya sila na lang muna. “Tumigil na nga kayong dalawa, puwede ba? Respeto sa ginagawa ko,” bulong ko dahil baka masigawan pa ako ng librarian kapag napansin kung gaano sila kagulo. “Sumama ka nga kasi, para sumama rin si Julian.” Iyon at iyon nga ang ipinangpapain sa akin ng dalawa. Akala ata nila na kapag tinuloy-tuloy nila ang paggamit sa pangalan ni Julian ay bibigay na ako sa gusto nila. Never, mas importante pa rin ang pag-aaral kaysa sa boys. Marami pa namang araw na puwede kong harutin si Julian. “Nextime na nga lang, ang kukulit niyo. Napakarami kong ginagawa ngayon.” “Bukas mo na lang ‘yan gawin, at isa pa, mamayang uwian pa naman ang lakad natin hindi ngayon.” Si Janice. “Kahit na, may part tim
Naghintay nga ako sa pagdating ni Julian sa rooftop, dumaan muna ako sa canteen upang bumili ng soda at biskwit, wala lang trip ko lang bigyan si Julian. Sa ikalawang pagkakataon kasi ay natulungan na naman niya ako. Hindi man madali ang nakuha naming paraan para kay Elizabeth pero ayos na ‘yon kaysa wala. Hindi naman puwede na siya ang magdadala ng lahat ng hirap no. Tapos si Harold ay nagpapakasaya sa buhay niya?? No! Isinandig ko ang aking likod sa malamig na pader sa may gilid na parte ng rooftop. Palubog na rin ang araw, mas maganda pala iyong tignan mula rito sa itaas. “Wow, ang ganda eh,” ani ko habang napapangiti. Nang maglaon ay nainip na ako sa sobrang tagal dumating ni Julian, 5;45 na talaga, akala ko ba’y 5:30 ang labasan nila?” Napasimangot ako, hindi kaya niloloko niya lang ako? Kasi deep inside ay ayaw naman talaga niya akong makita o makasama? “Hmmp!” tinapik-tapik ko ang aking pisngi. “Huwag kang praning Alliyah, hindi ‘yon magagawa ni Julian.” Habang nasa gitna
Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan
Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam
“Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang