“Magandang umaga, Ma’am, Sir!” bati ng isang lalaki habang pinapakain ang alagang kabayo.
Binitiwan na ni Sheldon ang kamay ko nang makarating kami sa kwadra. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwadra at nakita ko ang iba’t ibang klase ng kabayo.
“May available ba na kabayo rito?” seryoso na tanong niya sa lalaki. “We want to ride on it…”
“Meron sir, may tatlo! Gusto niyo bang tig-isa kayo ni Ma’am?” tanong ng lalaki sabay baling sa akin.
“Uhm…”
“She doesn’t know how. She will ride with me,” sagot niya sa lalaki sabay baling sa ’kin.
“Sige, Sir! Hintay lang po kayo. Kukunin ko si Kulot.”
“Kulot?” nagtataka ko na tanong.
Mahinang humalakhak ang lalaki sabay haplo
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papatungo kami sa sinasabi niya na batis. May naririnig na ako na agos ng tubig kaya malapit na kami. Napalilibutan ng mga punongkahoy ang dinaraanan namin kaya wala akong ibang naramdaman kundi ginaw.“We’re here…” Binitiwan ni Sheldon ang kamay ko at naunang naglakad sa may batis. “You like it?”Agad akong tumango at niyakap ang sarili. Kahit hindi ka sumulong sa tubig ay ramdam na ramdam mo na ang lamig sa tubig ng batis.Tinuon ko ang pansin ko sa batis at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa sobrang linaw.Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sheldon. Nang binalingan ko ito ay naghuhubad na ito ng pang-ibabaw na damit.\Namilog ang mata ko. “H-Hoy!” sigaw ko na ikinatigil niya sa paghubad.Kumunot ang kanyang noo at binalingan ako. Nakataas na ang ka
Sapo-sapo ko ang buong mukha ko ngayon habang nakatitig ako sa salamin. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang paghalik sa akin. Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang palad ko at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso. Umawang ang labi ko nang maramdaman na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang kanyang pagtibok. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan ako. Sinuklay ko ang aking buhok at pilit winala sa isip ko ang kanina. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi pa man ako naka-experience ng pagjojowa, hindi naman ako masyadong tanga para sabihing mabait at ideal man lahat ng lalaki. Judging from the way he moves, marami na siyang babaeng nakasalamuha. Kaya hindi dapat ako magpadala sa kanya. Tinapos ko na ang pagsusuklay ko at akmang tatayo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkauupo. Dumiretso ako sa may
Ilang araw ang nakalipas ay biglang nagbago ang lahat. Biglang bumait sa akin sina Tita Taliana at Arissa sa ’kin. Siguro magandang desisyon na hindi ako maikasal, para magkasundo rin kami.“You want to go with me?” maligayang tanong sa akin ni Arissa habang kumakain kami sa hapag. “Gagala kami sa bar ngayong gabi with friends! Maybe you want to come!”Siya lang ang maingay sa hapag at tahimik na ang iba. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Taliana sa kanyang anak. Si Papa naman ay napaangat ng tingin kay Arissa.“It’s good that you are treating her as your sister, Arissa,” sambit ni Papa sabay baling sa ’kin. “Why don’t you go with her, Alexa?”“Of course, Daddy! She’s my sister after all…” Kumindat siya sa akin at binalingan si Papa. “By the way, Dad, kailan ta
Hindi ko maiwasan ang pagdudahan siya. Ang dali niya kasing sabihin na gusto niya ako, eh, isang linggo pa lang kaming magkakilala.Tinulak ko siya at kinuha ko ang baso na may alak sabay lagok.“Shit!” Agad niyang inagaw mula sa akin ang baso at dinaluhan ako. “I told you not to drink!”Pumikit ako at lasang-lasa ko ang pait sa lalamunan ko. Nagmulat ako ng tingin at lumayo sa kanya.“Lumayo ka nga sa ’kin!” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. “Hindi ako naniniwala sa ’yo, bukod sa hindi kita gusto, bago pa lang tayo magkakilala, kaya isang tanga lang ang maniniwala sa ’yo!”“I have a crush on you, then,” aniya sabay hawak sa braso ko. “I have a crush on you. Is it acceptable enough to marry you?”Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi n
Sa pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang malawak na sala ng kanyang condo. Ngayon ko lang na-realize na hindi ito basta-basta ordinaryo na condo unit. Maybe he bedded his girls here. I wonder. “You want to eat?” tanong niya at agad akong tumalikod nang bigla siyang maghubad sa sala. Grabe naman ’to! “Bakit ka ba bigla-biglang naghuhubad?” inis kong tanong habang nakatalikod pa rin. “Respeto naman, may babae kang kasama!” He chuckled. “I’m sorry. I will change.” Bumuntong-hininga ako at dumeretso sa salaming pintuan ng kanyang condo. Kitang-kita ang buong syudad ng Azura kaya naisampa ko ang dalawang kamay ko sa salamin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Marami akong insecurities. Naiinggit ako sa mga kapatid ko sa totoo lang. Hindi lang dahil tanggap sila ni Papa, kundi nakukuha nila ang mga g
“Saan ka galing? Hindi kita nakitang kasama umuwi ng anak ko…” Natigilan ako sa paglalakad patungo sa hagdan nang nakita ako ni Tita Taliana. Nakahalukipkip siya habang suot pa rin ang pantulog na damit. Nagtaas siya ng kilay sa akin. “Uh…” Naghanap agad ako ng dahilan. “Uhm…hindi ko kasi nakita si Arissa kagabi kaya umuwi ako sa amin.” Kumunot ang noo niya. “By yourself?” “Opo!” sagot ko agad. “My daughter was worried last night at ikaw lang itong chill na chill!” Tumaas ang boses niya at agad-agad lumapit sa akin. Napasinghap ako nang bigla niya akong sinampal. Napasinghap ang mya nakakitang kasambahay at ang iba ay napatakip pa sa kani-kanilang bibig. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko at gulat ko siyang tiningnan. “T-Tita…” “Tiniis lang talaga kita! Pero
Hindi ko na lang dinaramdam ang sinabi ni Tita Taliana sa akin. Hangga’t maaari ay hindi ko dapat siya ginagalit. Gusto ko kunin ang loob ng kapatid ko. Alam ko na matatanggap din ako ni Papa. Kailangan ko lang maghintay sa tamang oras.Habang naglalakad ako sa hardin ay biglang tumunog ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang sinilip ko ito. Ngayon ko lang napansin na maraming text si Sheldon sa akin. Bakit niya ba ako tine-text?Sheldon:Hi, how’s your day?Sheldon:Let’s meet again, hmm?Sheldon:Why aren’t you replying?Napairap na lang ako. Malamang hindi ako magre-reply kasi ubos na ang load ko.Binalik ko na lang sa bulsa ko ang phone ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Kung hindi man matuloy ang plano ni Papa para sa akin, sana naman ay tanggapin niya na ako. Sana naman ay bigyan niya ako ng karapatan. Oo, in
“Mommy, I think ako ’yong nililigawan ni Sheldon!” tumitili na sambit ni Arissa habang kami ay nasa hapag.Tahimik lamang kami bukod sa kanya. Si Papa ay nakatitig sa akin kaya nagtataka ko siyang nilingon.“You are not going to attend Arissa’s birthday party, Alexa,” si Papa na nagpatigil sa lahat.“What, Rodrigo?” Ramdam na ramdam ko ang galak sa boses ni Tita Taliana sa narinig. “Bakit naman? I think Alexa is excited for Arissa’s party. Right, Alexa?” Ngumiti siya sa akin.Kumirot ang puso ko at niyuko ang ulo. Alam ko naman sa una pa lang ay ayaw akong isali ni Tita Taliana, pero ang marinig mula kay Papa ito ay mas masakit pa.“B-Bakit p-po?” hindi ko mapigilan ang magtanong.Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. “Wala pang nakakaalam na anak kita