“AMBROSE, gusto kong mag-swimming. You want to come?” tanong ni Monica sa nobyong nasa lobby ng hotel habang abala sa laptop. Bumaba siya sa lobby na suot na ang kaniyang two-piece swimsuit na pula. Mas lalo tuloy siyang pumuti dahil sa kulay niyon.
Napasipol si Ambrose nang makita siya. Banaag sa mata nito ang pagnanasa. “Pwede bang sa kwarto na lang tayo kesa sa beach?” pilyo nitong tanong.
“You almost killed me in bed last night. Hindi ka pa ba nagsasawa?”
Akala mo kasi ay sinasapian ng demonyo si Ambrose pagdating sa kama. Masyado itong agresibo pagdating sa pagpapaligaya sa kaniya at sa sarili nito.
“Hindi ko pagsasawaan ang isang Monica Montealta!”
“Stop, Ambrose! Too early for that. Anyway, mauuna na ako sa iyo sa beach. Sumunod ka na lang kung gusto mo.”
“Okay. Magpapalit
“THAT stupid girl—hindi mo ba talaga aalisin iyon? Alam mo bang pangalawang beses nang binangga ako ng babaeng iyon. Nananadya na yata iyon, e!”Umangat ang mukha ni Monica mula sa binabasang papeles nang pumasok si Valentina sa kaniyang opisina. Kakarating lang nito pero galit na agad ang tono ng boses ng ina.Napatawa siya nang mahina. “It’s too early para uminit ang ulo mo, `ma. Sino ba? Si Milagros?”“I don’t know her name at wala akong planong alamin. Iyong tangang babae na binangga ako no'ng opening nitong resort!”“Tha’ts Milagros. Siya lang naman ang nagligtas sa akin kanina nang muntik na akong malunod at walang naglakas ng loob para tulungan ako. I owe her my life, `ma. Please, spare her sa pagiging maldita mo.” Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa.“What?! Bakit
“ANG ganda mong babae pero papatay ka ng tao. Sayang ka.” Iiling-iling ang lalaking pulis na nagpasok kay Milagros sa kulungan.Walang imik niya itong tiningnan habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa rehas na bakal. Umalis rin agad ang pulis nang mapansin na hindi maganda ang timpla ng mukha niya.Wala nang nagawa si Mirasol nang dalhin siya sa kulungan ng tanod na humuli sa kaniya. Itinurn-over siya ng mga iyon sa pulis. Kanina kasi ay nagdilim ang paningin niya nang saktan ni Mr. Sy ang kaniyang ina. Kumuha siya ng kutsilyo at akmang sasaksakin ito. Ang balak niya ay takutin at itaboy ito pero biglang nakipag-agawan si Mr. Sy sa kutsilyo at aksidente itong nahiwa sa braso. Mababaw ang sugat at alam nito na hindi niya iyon sinadya ngunit nang magpatawag ito ng tanod ay sinabi nito na intensyon niya talaga ang saksakin at patayin ito.Gustuhin man n
HINDI kayang palampasin ni Milagros ang nangyari kay Apple. Hindi siya pwedeng manahimik na lang dahil kapag ganoon ang ginawa niya ay lalabas na tino-tolerate niya ang pananakit nina Jessica. Dahil din sa nangyari sa kaibigan niya ay nagbago na ang isip niya ukol sa trabahong in-offer ni Monica. Hindi na niya iyon tatanggapin dahil baka mas lumakas ang loob nina Jessica na i-bully si Apple kapag nalaman ng mga ito na hindi na siya palagi kasama ng kaniyang kaibigan. Kung walang silbi ang magsumbong kay Sir Perry dahil panig ito kina Jessica ay sa mas mataas dito siya hihingi ng tulong—kay Monica! “Milagros! Finally. You are back!” Malaki ang ngiting isinalubong ni Monica kay Milagros nang magpunta siya sa opisina nito. Sa sinabi ni Monica ay nahinuha niyang alam nito ang nangyari sa kaniya kaya ilang araw siyang hindi nakapagpakita. “Sorry, Miss Monica
“ANG akala yata ni Monica ay mapipigilan niya ako sa pagtakbo ko rito sa Plaridel. Akala niya yata porket anak ko siya ay susundin ko ang gusto niya. Esta equivocada! Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito, mi esposo...”Nakatayo si Valentina sa malaking oil painting ng kaniyang namayapang asawa na si Bernard Montealta. May hawak siya sa isa niyang kamay na isang baso ng mamahaling whiskey. Hatinggabi na ngunit mailap ang antok sa kaniya kaya naisipan niyang uminom at napunta siya sa parteng iyon ng kaniyang bahay.Nakalagay ang naturang oil painting sa pinaka malaking dinging sa library. Dati ay nasa may salas iyon pero simula nang mawala na ang kaniyang mister ay pinalipat niya ang painting nito sa library at pinalitan niya iyon ng painting niya. Siya na kasi ang nagmamay-ari ng bahay na iyon kaya ang mukha niya dapat ang unang mabubun
TILA tumama sa jackpot ng lotto ang pakiramdam ng buong pamilya ni Milagros nang malaman nila na binayaran ni Monica Montealta nang buo ang pagkakautang nila sa lupang kinatatayuan ng kanilang munting bahay. Bukod pa roon ay hindi na nila kailangang matakot na baka muling sabihin ni Mr. Sy na meron pa silang utang dahil nagkaroon na sila ng kasulatan na hindi na sila maaaring paalisin ng gahamang lalaki sa lupang iyon. Ang maganda pa ay pino-proseso na ang paglilipat ng titulo sa pangalan ng tatay ni Milagros. Kay Milagros sana iyon ipapangalan pero hiniling niya sa lawyer ni Monica na sa tatay na lang niya.Kahit hindi siya iniimikan ng nanay niya ay alam niyang nagpapasalamat ito sa kaniya.Dahil sa magandang pangyayari na iyon ay naisipan ni Milagros na magkaroon sila sa kanilang bahay ng maliit na salu-salo. Inimbita niya si Apple at maging ang nobyong si Martin. Hindi
MABILIS na nagdesisyon si Monica nang makita niya ang akmang pananakit ni Jessica kay Milagros. On the spot, sinisante niya si Jessica. Kinausap na kasi niya ito na kapag hindi pa rin ito tumigil sa pambu-bully kay Milagros o sa kahit na sinong empleyado niya ay aalisin na niya ito sa kaniyang resort. Akala yata nito ay hindi niya iyon tototohanin at panakot lang niya. Hindi pa siya kilala nito. Lahat ng binitiwan niyang salita ay pinapanindigan niya.“Miss Monica! Maawa po kayo! Kailangan ko ang trabahong ito! Ako na lang ang inaasahan sa amin kaya `wag ninyo akong tanggalin! P-pangako! Hindi ko na uulitin. Bigyan niyo pa ako ng isang chance!” Pagmamakaawa ni Jessica sa kaniya.Lumuhod pa ito sa harapan niya sa pag-aakala nitong lalambot ang puso niya sa ganoon.“Tumayo ka diyan, Jessica. Kahit tumambling ka pa o kumain ng apoy ay hindi na magbaba
AWTOMATIKONG sumimangot ang mukha ni Martha nang nakita niyang kasama ni Milagros si Martin na pumasok sa kanilang bahay. Abala siya sa paghahain ng kanilang hapunan. Maraming sobra sa nahuli ni Fredo na galunggong kaya nagprito siya at nagluto siya ng ginisang munggo. Naunang lumapit si Milagros sa kaniya para magmano at sumunod si Martin.“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?” Malamig niyang tanong.“Dito po ako kakain, Aling Martha!” Magiliw na tugon ni Martin.Napatingin sa lalaki sa Milagros na para bang wala itong alam na doon maghahapunan ang nobyo nito. Mas lalo tuloy siyang napasimangot. Tinawag na niya si Fredo at ang mag-inang sina Mirasol at Beloy. Sama-sama silang dumulog sa hapag-kainan.Magkatabi sina Milagros at Martin. Panay ang sulyap niya sa lalaki na may kasamang irap.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihiwalay kay Milagros kahit harap-ha
“DAMA ko ang bawat isa sa inyo. Dama ko ang hirap na inyong pinagdadaanan. Minsan na akong napunta sa sitwasyon kung saan gusto ko nang sumuko dahil pakiramdam ko ay walang gustong tumulong sa akin. Tapos na ang araw ng inyong pangangamba. `Andito na ako para kayo ay tulungan at kalingain. Ako po si Valentina Montealta—tatakbo bilang gobernadora ng bayan ng Plaridel. Mahal ko kayong lahat!”Isang malakas na palakpak ang ginawa ni Valentina matapos niyang mapanood sa telebisyon ang campaign ad na ginawa ng team niya noong isang linggo. Kasama niya sa sala si Monica at ang mga kasambahay nila.Tuwang-tuwa ang mga kasambahay sa napanood.“Naku, senyora! Sure win ka na niyan! Ang bait-bait mong tingnan sa patalastas mo!” wika ng isa niyang katulong.“Bakit hindi ba ako mukhang mabait sa personal, Letty?!” asik niya.“`Ayan, senyora... H-hindi ka mukhang mabait kapag ganiyan!”“Shut up! Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo!” Pagtataboy niya sa mga ito. Agad na tumalima ang mga kasamba