Share

Kabanata 17.1

Ramdam ni Colton ang bigat sa kan'yang dibdib. Kaharap niya ngayon ang sanggol na alam niya sa kaibuturan ng puso niya na tunay niya na anak. Kuhang-kuha ng bata ang itsura niya at hindi maipagkakaila na sa kan’ya ang bata.

“Sheesh! He looks exactly like you, Colt.” Ito ang namamangha na nasambit ng kaibigan ni Colton na si Miguel.

“Baby, narito na ang iyong daddy.”

Inabot ni Auntie Sabel kay Colton ang bata, at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay walang iyak na narinig buhat sa sanggol. Kusa na sumama sa lalaki ang munting anghel habang titig na titig ang mga maliliit na mata kay Colton.

Pagkabuhat ni Colton sa sanggol ay muli niya na naramdaman na parang may nakabara sa kan’yang lalamunan. Hindi niya mapigilan ang muli na naman na pagtulo ng luha habang ang bata ay titig na titig sa kanya’ng mukha. Nagulat pa ang bilyonaryo nang masuyo na abutin ng bata ang kanya’ng pisngi at sinundan ng kamay nito ang pagpatak ng luha sa pisngi ng ama.

“Aba, sabi ko na at nami-miss lamang kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alma Buagas Caluns
super ganda ang kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status