Share

Chapter 11

Xyrica’s POV :

“Stupid academy. Stupid people. Stupid everything,” naiinis na sabi ko sa sarili ko at sinipa ang isang maliit na bato na nakita ko.

I’m really pissed right now. This is not about my ego but this is about my life and my truth. I’ve spent almost my life building a name and earning my fortune just to qualify myself for all of this, but with just one letter, all of this will be put in the trash. I have every right to be pissed off and cause a scene, I was not here to take their ‘no’ as an answer.

“Can this night gets even worse?” Tinanong ko ulit ang sarili ko tapos tumingin sa langit.

May narinig akong mga hakbang napapalapit sa akin, hindi ko na nilingon kasi alam kong si mister Demsford lang naman at naiinis pa rin ako sa kanya para kausapin siya.

“I have some news for you,” boses ni mister Demsford.

I sighed as I still turned my back on him and said, “It has to be great because I’m already pissed and I don’t want you to make me angry or so help me… I might punch you in the face.”

I heard him laugh then said, “Sa totoo lang, isang magandang balita ang sasabihin ko sa iyo. Matutulungan tayo ng mga magulang ko patungkol sa sulat na natanggap mo. Kilala kasi nila ang isa sa mga head ng academy and they might pull some strings to help you get in.”

Lumingon ako sa kanya at sinabing, “Ayaw kong tumanggap ng tulong kahit kanino. I might sound so arrogant pero ayaw ko na may utang na loob sa ibang tao.”

“But this might be your only chance to get in,” sabi niya.

“Sa tingin mo, bakit ako nanatiling racer para makabuo ng pangalan na meron ako ngayon? Wait, let me answer that one… kasi ayaw ko na may utang na loob ako sa sinuman. Ayaw kong masumbatan balang araw sa mga naitulong ng ibang tao sa akin and as much as possible I do everything on my own,” walang emosyon kong sabi sa kanya.

“Okay lang sa iyo na humingi ng tulong pero kapag ibang tao na ang gustong tumulong sa iyo kahit hindi mo hinihingi ay ayaw mo? I mean, look at us now… nandito tayo kasi humingi ka ng tulog sa akin. Ano ang pinagkaiba ng dalawa?” Tanong niya

“May pinagkaiba ang dalawa kasi ang una… may kapalit ang pagtulog mo sa akin at ang pangalawa ay wala. Kaano-ano ko ba ang mga magulang mo at ang mga koneksyon nila? Bakit naman nila tutulungan ang isang ulila na gaya ko nang walang kapalit?” Sabi ko sa kanya.

“Hindi naman lahat ng tao ay humihingi ng kapalit, miss Dela Vega. Kaya siguro ganyan ang pag-iisip mo kasi hindi ka pa nakikipagsalamuha ng mga taong may ugali na kabaliktaran sa iniisip mo. I know my parents and you don’t, so I’m telling you this… grab this chance kasi para sa atin din ito. Deal?” Sabi niya.

I shook and I saw his complex face expression. We were silent for a couple of minutes, siguro iniisip niya kung paano ako mapapapayag sa ideya niya.

Mister Demsford and I are in different level and in different society, seeing eye to eye would be impossible. Ayaw kong tumanggap ng tulong na hindi ko naman hinihingi kasi ayaw kong magmukhang mahina sa ibang tao. Hindi niya naman maiintindihan kasi galing na siya sa isang mayamang pamilya kung saan makukuha niya ang lahat ng gusto niya.

“If you would excuse me, mister Demsford, babalik ako sa opisinang iyon para kausapin ang sekretarya. Huwag kang mag-aalala dahil hindi na ako gagawa ng eksena,” mahinahong sabi ko at umalis na.

Nakailang hakbang pa lang ako ay mabilis na lumapit sa akin si mister Demford at sinabing, “Hindi na kita pipilitin pero kailangan mong ipangako sa akin na tatanggapin mo ang tulong na alok ng mga magulang ko as your last option. Let’s not throw everything away because of your principle.”

I just nodded without giving it a thought kasi sa totoo lang gagawin ko naman ang lahat para makapasok sa academy na ito nang hindi tumutangap ng tulong.

Nakarating ako sa pinto at kinatok ito tapos pumasok. Hindi na kami binati ng sekretarya at alam ko naman kung bakit. Alam kong kasalanan ko at hindi ko nakontrol ang emosyon ko.

I awkwardly smiled at the secretary then said, “Look, I’m really sorry because it was reckless of me to make a scene inside your office. I’m here again because I want to speak to the person responsible for this rejection letter. I want to know why he rejected me.”

She hesitated at first but manage to dial someone on the phone. Ilang minuto rin ang hinintay naming tatlo at nakailang tawag na ang sekretarya sa taong gusto kong makausap hanggang sa nakalimang tawag na siya at tsaka pa sumagot.

“Good evening, sir. I know you told me not to bother you but miss Xyrica Dela Vega is here and she want to talk to you. It’s about the letter she received from you,” sabi ng sekretarya at hinintay ang sagot ng kausap niya tsaka siya nagpatuloy sa pagsalita, “Okay sir, I’ll tell her about that.”

May isinulat ang sekretarya sa isang papel tsaka binaba ang tawag.

“May chance bang makausap ko siya ngayon o kaya bukas?” Tanong ko sa sekretarya.

She smiled, like she’s back to her old self as if nothing happened then said, As of the moment and due to his tight schedule… he can’t squeeze you in for a little chat. Makakapaghintay ba kayo kay mister Steinfeld hanggang mamaya?”

Sa sinabi ng sekretarya ay para akong nabuhayan tapos tinanong, “Anong oras kaya sa tingin mo si mister Steinfeld darating?”

“It really depends on how his meeting will go. May business kasi siya other than being one of the deans here in the academy so hindi basta-basta nakikipagkita si mister Steinfeld sa kahit na sino. But for you… he would give it a go but only when all of his meeting is done,” sabi ng sekretarya.

I sighed and looked at mister Demsford. Bakas naman sa mukha niya ang mga salitang ‘Sabi kasi sa iyo e, bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang alok ko ng makapagpahinga na tayo?’… I rolled my eyes on him. Matigas na ang ulo ko kung matigas pero may chance pa naman na mapabago ko ang desisyon ni mister Steinfeld kung sino man siya. Itatanong ko talaga kung ano ang rason niya kung bakit ako na-reject.

“Ang mabuti pa po ay umupo muna kayong dalawa kasi matatagalan pa si mister Steinfeld bago bumalik dito,” sabi ng sekretarya.

May kasamahan kaya siya na pwedeng pumalit sa pwesto niya bilang sekretarya? Nakakatamad namang isipin na hanggang umaga ang trabaho mo tapos wala ka pang tulog. Tapos ano naman ang ginagawa niya sa office na ito kung siya lang mag-isa?

Makapag-iglip nga rito sa upuan. Tutal alas diyes na naman ng gabi at sa ganitong oras din kasi ako natutulog, nagpaalam ako kay mister Demsford at tumago naman siya. Siya nalang daw ang maghihintay at hahayaan niya akong matulog tutal sanay naman daw siya.

-

“Miss Dela Vega, gising na…” Sabi ni mister Demsford.

“Anong oras na? Nakarating na ba si mister Steinfeld?” Inaantok na tanong ko.

“Alas dos na ng madaling araw at kakapasok niya lang sa opisina niya,” sabi ni mister Demsford.

Umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko para at least making presentable sa mata ni mister Steinfeld.

“Tatawagin ko nalang kayo kapag gusto na kayong kausapin ni mister Steinfeld,” pagpapaalam ng sekretarya tapos sumasok sa isang pribadong silid sa loob ng opisina na ito.

Tumingin ako kay mister Demsford tapos pabulong akong nagtanong sa kanya, “Ano kaya sa tingin mo ang rason kung bakit niya ako na-reject? Hindi ko naman sinasabi na ako talaga, pero ang application ko to become a student.”

“Malalaman natin iyan mamaya kapag nakausap na natin siya pero sana naman hindi kana gagawa ng eksena kung ano ang sasabihin niya at sana matanggap mo. May last option pa naman tayo e,” pabulong din na sagot niya.

Naghintay pa kami ng sampung minuto bago lumabas ang sekretarya na may dalang mga folders at sinabihan kaming maaari na kaming makapasok sa loob.

Pagpasok namin ay binati namin si mister Steinfeld. Pagtatantya ko sa lalaking ito ay nasa mid 40s na at hula ko rin ay matanggad ito kasi hindi ko siya nakita kanina noong papasok pa lamang siya. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikilala, siguro kasi siya pa ang unang taong naka-reject sa akin.

“Please, sit down. I’m sorry I kept you here waiting,” sabi niya sa amin ni mister Demsford at umupo naman kami. At nang makita niya kami ni mister Demsford na umpo na ay agad siyang nagsalita, “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

“Gusto ko pong alaman ang rason ninyo kung bakit na-reject ang application ko to enroll,” walang paligoy-ligoy na sabi ko.

“Hindi basta-bastang nangrereject ang academy namin miss…?” Sabi ni mister Steinfeld at hinintay na sabihin ko ang apilyedo ko.

“Miss Xyrica Dela Vega po,” sabi ko.

“Ah, yes. I remember you and your application,” sabi ni mister Steinfeld at binuksan ang isang folder na naglalaman ng application namin ni mister Demsford.

“Can you please tell me what’s wrong with my application?” Tanong ko.

Una sa lahat, wala kang mailagay na pangalan ng mga magulang mo sa application. Paano namin susuriin ang isang estudyante kung kulang ang background niya?” Tanong ni mister Steinfeld.

I was speechless and heartbroken at the same time. How can becoming an orphan a hindrance to accessing education? Although alam ko kung bakit ako narito at kung ano ang plano ko pero pwede naman siguro nilang suriin ang kakayahan ng isang estudyante kapag nasa field na, ah?

“Do you think that idea is a little bit crap? I’m an orphan, so what? Being an orphan doesn’t make me stupid, sir. I might be unfortunate to you but it does not make me less of what I am today. I made a name for myself out of nothing and I made tons of money without relying to anyone so don’t judge me for something I can’t change back,” sabi ko.

Sa totoo lang gusto ko siyang murahin sa galit ko. Hindi nila alam ang mga bagay na napagdaan ko pero ganoon nalang kadali sa kanila na husgahan ako, okay na sana kung hinusgahan lang ako pero hindi e, na-reject pa ang application ko to enroll dahil sa walang kwentang rason na iyan.

Hinawakan ako ni mister Demsford sa braso para bigyan ako ng babala sa temper ko. Tinitigan ko naman si mister Demsford para masiguro sa kanya na kalmado pa ako. Hinintay ko si mister Steinfeld na magsalita kaso tinitigan lang ako na para bang gusto niyang basahin ang pagkatao ko.

“It is not my intention to be rude but as an orphan who wants to study in this academy, I am greatly offended. I know you don’t care about it at all but I had to say it because it is not my fault why my parents are not around,” I calmly said just to assure mister Demsford that I can handle temper.

“Background checking has been done for ages, miss Dela Vega. I know it was my call that rejected your application but we were only following the rules. This academy wouldn’t be in a place where it is supposed to be if we weren’t following it,” sabi ni mister Steinfeld.

I cleared my throat then said, “You shouldn’t judge your students based on how rich their families are. Whether you call it as ‘background checking’, we can’t deny the fact na yaman at koneksyon ng mga pamilya ang habol ninyo. Just like what I said, it’s not my intention to be rude.”

“That’s bold of you to say such things,” mangha na sabi ni mister Steinfeld.

Tumingin ako kay Demsford, gusto kong sabihin sa kanya na siya na ang makipag-usap kay mister Steinfeld bago pa man maubos ang pasensya ko.

“But sir… there must be another way for her to get in,” sabi ni mister Demsford. Mukhang na-gets niya naman ang tingin ko kasi siya na ang nakikipag-usap dito.

Tinignan ni mister Steinfeld ang relo niya tapos kinuha ang cellphone na nasa bulsa at sinabing, “I think the academy can give her a try.”

“Really?” Hindi makapaniwalang tanong ni mister Demsford.

“Come with me,” sabi ni mister Steinfeld at tumayo na tapos lumabas sa office, “We need to know whether or not, miss Dela Vega is worthy to become one of us.”

I don’t know what mister Steinfeld meant by that but seeing how eager mister Demsford is… there might be a slim chance to get in without his parents' help. I will grab it no matter what.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status