Share

Kabanata Labing-dalawa

Sa loob ng isang maliit na maternity room ay nakahigang mag-isa si Anna sa kama. Nakatakip ng puting kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Tumingin siya sa bandang kaliwa at naroon sa doctor’s table si Janus. Seryoso ang mukha nito habang may pinipirmahang papel. Halata na kinakabahan ito samantalang siya naman ang nakahiga sa kama at nakasalang para sa check-up.

Hindi tuloy mapigilang mapangiti si Anna. Paano naman kasi ay ngayon niya pa lang napansin na mas guwapo pa lang pagmasdan ang lalaki kapag seryoso. Palagi kasi itong nakangiti kapag nakatingin sa kanya.

“Nakakakilig naman kayo! Mukhang inlove na inlove kayo sa isa’t isa. Ang swerte naman ng baby niyo.”

Si Doctora Esmeralda S. Pepito iyon, ang inirekomendang doktor para sa mga buntis ng kaibigan nitong doktor sa Hospital of the Infant Jesus. Mabait at palabiro ang doktora kaya nakapalagayang loob na nilang dalawa ni Janus mula pa sa unang beses ng pagp

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status